Nagulat pa si Joy dahil pagbukas niya ng pinto ng clinic ay tumambad sa kaniya ang nag-aalangang mukha ng nobyong si Ricks."Kumusta ang check-up mo babes? Masakit pa ba ang tiyan mo? Ano daw ang sakit mo?" sunod-sunod na tanong nito.Magsasalita sana si Joy nang biglang sumagot ang OB-GAYNE niya na nasa likod na pala niya."Huwag ho kayong mag-alala mister okay na okay ho itong girlfriend niyo, nalipasan lang siya ng gutom kaya sumakit ang tiyan niya." sabi nito na kay Joy nakatingin sabay kindat.Nakahinga ng maluwag si Joy dahil ito na mismo ang gumawa ng palusot sa nobyo niya. Hindi na niya kailangan magdahilan pa dito."Ganoon po ba doc? Sige po maraming salamat po." sagot ni Ricks sabay baling sa kaniya.Magsasalita sana ito nang muling sumingit si Dr. Roxas."O' siya mauna na ako sa inyo, alagaan mo itong girlfriend mo mister dahil masyadong maselan iyan." makahulugang sabi nito kay Ricks bago tuluyan ng umalis at nagpa-alam.Nagtataka namang nasundan na lang ni Ricks ng tingin
Paglabas ni Joy sa loob ng cubicle ay naghugas siya ng kamay sa lababo at saka niya hinanap sa loob ng dala niyang pouch ang lipstick niya. Tinitingnan niya ang sariling repleksiyon sa salamin habang nagpapahid ng lipstick. Medyo may eyebags din pala siya kaya kinuha naman niya ang polbo niya ay naglagay niyon sa kaniyang mukha. Busy si Joy sa pagbabalik ng lipstick at polbo sa loob ng pouch niya kaya hindi niya namalayan na may mga matatalim na pares ng mga mata na pala ang nakatitig sa likod niya. Tumabi ito sa kaniya habang inilalabas nito ang mamahalin nitong lipstick bago nagsalita."Such a cheap and rude bitch!" maanghang na sabi nito na nakapagpalingon kay Joy dito.Tinakasan ng kulay sa mukha si Joy nang makita niya kung sino ang nasa tabi niya-- si Jade Isavedra! Ang asawa ng nobyo niya. Napaka elegante nitong tingnan sa suot nitong silver dress na hapit na hapit sa katawan nito na tinernuhan ng silver ding 3 inches heels. Kumikinang din ang mga alahas sa katawan nito na lal
Jade's POV11 o'clock ang napag-usapang nilang oras ng meeting ni Mr. San Diego, isa sa kasosyo ng daddy niya sa negosyo pero past 11 na ay wala pa rin ang mga ito, naiinis man ay nakuha pa ring maghintay ni Jade dahil malaking kliyente ng daddy niya ang mag-asawang San Diego.Habang naghihintay ay hindi maiwasan ni Jade na paulit-ulit na sipatin ang sarili niya sa salamin at nang makita niya na hulas na ang make up niya ay dali-dali siyang pumunta sa comfort room para mag-retouch. Ayaw niyang humarap sa mga kliyente ng daddy niya na hindi kaaya-aya ang itsura niya, kung bakit naman kasi kung saan-saan siya ipinapa-dala ng daddy niya para mag-ayos ng mga negosyo nito, hindi tuloy niya matutukan ang asawa niya. Ilang linggo na niya itong hindi nakikita ng maayos dahil marami talaga siyang inaasikaso at isa pa ay nag-aaral na din ito. Pinagbigyan niya ang asawa na sa mga magulang muna nito tumuloy habang nag-aaral ito dahil palagi lang silang nag-aaway nito pag magkasama sila sa condo
Ang kaninang magandang mood ni Jade ay napalitan ng galit. Talagang niloloko pala siya ng asawa niya! Ang buong akala pa naman niya ay hiwalay na ang mga ito, kaya pala mas ginusto nitong malayo sa kaniya para magawa nito ang mga kalokohan nito, at kaya pala malakas ang loob ng kabit nitong sagut-sagutin siya ay nagkikita pa din pala ito at ang asawa niya!Pero nakita niyang kasama nito si Simone kanina. Sa naisip ay lalo lang nadagdagan ang galit ni Jade para sa kabit ng asawa! Masyado itong ambisyosa para mamangka sa dalawang ilog. Wala siyang paki-alam sa pakikipag-affair nito sa bestfriend ng ex niya pero sa pakiki-apid nito sa asawa niya ay malaking insulto para sa kaniya at hinding-hindi siya makakapayag na may kahati siya sa asawa niya. Kasal sila ni Ricks at siya ang may karapatan dito at hindi ang kung sinong babae! Ex-girlfriend man nito o hindi. "Magbabayad ang Joy na iyan sa pakiki-apid niya sa asawa ko!" Gigil na sigaw sa isip ni Jade habang pinagpupunit ang mga larawang
Simone's POVAbala si Simone habang dinadayal niya ang numero ng pinsan niyang si Leyan. Balak kasi nilang dito sa paborito nilang restaurant sila magkita nito. Kauuwi lang nito galing US noong isang araw at gusto na kaagad siya na makita ng pinsan. Gusto kasi nitong magtayo ng sarili nitong negosyo para may mapatunayan ito sa mga magulang nito, kilala kasi ng pamilya nito bilang bulakbol at happy go lucky. Sa kaniya ito nagpapatulong dahil expert siya pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo, katunayan ay siya lang ang nagpalago ng sarili niyang Mall sa Makati.Habang abala si Simone sa ginagawa ay biglang nahagip ng paningin niya si Joy! At kasama pala nito ang manlolokong boyfriend nito. Maya maya ay nakita niyang tumayo si Joy at nagpaalam sa lalaki, mukhang pupunta ito ng comfort room dahil nagmamadali ito, sa kamamadali nito ay hindi siya nito napansin. Gustuhin mang kusapin ni Simone ang babae ay pinigilan niya ang sarili dahil kasama nito ang boyfriend nito at ayaw niya ng gulo. M
"Bakit kasama mo ang lalaking iyon?" may himig pagseselos na tanong ni Ricks sa nobyang si Joy habang mabagal na nagmamaneho ng motor nito paalis sa restaurant na iyon."Siya ang tumulong sa akin para hindi ka makita ng asawa mo." malumanay na sagot ni Joy.Kunot-noong napatigil sa pagmamaneho si Ricks at hinarap ang nobya."Anong ibig mong sabihin babes?" nagtataka tanong nito."Nakita ako ng asawa mo kanina at kinausap." pabuntong hiningang sagot ni Joy."Anong sinabi niya? May ginawa ba siya sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Ricks sa nobya.Napansin ni Joy ang labis na pag-aalala sa guwapong mukha ng nobyo kaya hinaplos niya ang pisngi nito bago nagsalita."Wala naman babes.. huwag mo ng intindihin iyon at okay naman ako." nakangiti sagot niya.Sa isip ni Joy ay ayaw na niyang banggitin sa nobyo ang mga pang-iinsultong sinabi sa kaniya ng asawa nito dahil baka magalit pa ito."Sigurado ka ba babes? Wala siyang ginawa sa'yo?" tanong ulit nito."Ano ka ba babes, wala nga dahil dumating
Pag-uwi ni Ricks sa condo ng asawa ay ang galit na galit nitong mukha ang nabungaran niya. Hinagis pa nito sa mukha niya ang mga pictures na hawak nito.Gulat na dinampot niya ang mga nagkalat na larawan-- mga kuha nila ni Joy iyon noong nagpunta sila sa Boracay. Paanong nalaman nito ang tungkol sa bagay na iyon?"Nagulat ka ba? Akala mo siguro ay maloloko mo ako ng napakatagal ano?" galit na tanong nito sa kaniya."Hindi ba't sinabi ko na sa iyong hindi mo ako basta basta maloloko Ricks? At dahil sinagad mo ang pasensiya ko ay pagsisihan ng babae mo ang ginawa n'yong panloloko sa akin! I will kill that woman kapag hindi ka pa rin niya tinigilan!" dagdag pa nito."Huwag mo s'yang idamay! Sa akin ka magalit, ako na lang ang patayin mo!" galit na sagot ni Ricks. Sawang sawa na siya sa mga pagbabanta ng asawa niya.Saglit itong natigilan sa sinabi niya."Sa tingin mo ba ay gagawin ko ang gusto mo? sabi nito.Sa itsura ng asawa ay para itong nababaliw habang sinasabi nito sa kaniya ang ba
Joy's POVIsang linggo ang mabilis na lumipas at wala na namang paramdam si Ricks sa kaniya. Naroon siya sa bintana at nakapalumbaba. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa nobyo, naroong tatawagan niya ito pero palaging un-attended ang numero nito. Kahit na ganoon ay positibo pa din ang isip ni Joy na tutuparin nito ang pangako nito na aayusin nito ang lahat bago muling bumalik sa kaniya. Hindi rin nito tinupad ang sinabi nitong pasasamahan siya nito sa kapatid nitong si Rhiya pero ayos lang sa kaniya dahil wala namang gumagambala sa kaniya sa isang linggong pag-iisa niya sa bahay, iyon nga lang ay lalo na siyang nahihirapan sa pagbubuntis niya dahil napag-alaman niyang bumaba ang inunan niya noong huling nagpa-check up siya kaya pala palaging sumasakit ang balakang niya at ibabang bahagi ng puson niya ay nakababa na pala ang inunan niya at kapag hindi siya nag-ingat ay maari siyang makunan. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang kundisyon ng baby niya ang tanging paliwanag lang