"Bakit kasama mo ang lalaking iyon?" may himig pagseselos na tanong ni Ricks sa nobyang si Joy habang mabagal na nagmamaneho ng motor nito paalis sa restaurant na iyon."Siya ang tumulong sa akin para hindi ka makita ng asawa mo." malumanay na sagot ni Joy.Kunot-noong napatigil sa pagmamaneho si Ricks at hinarap ang nobya."Anong ibig mong sabihin babes?" nagtataka tanong nito."Nakita ako ng asawa mo kanina at kinausap." pabuntong hiningang sagot ni Joy."Anong sinabi niya? May ginawa ba siya sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Ricks sa nobya.Napansin ni Joy ang labis na pag-aalala sa guwapong mukha ng nobyo kaya hinaplos niya ang pisngi nito bago nagsalita."Wala naman babes.. huwag mo ng intindihin iyon at okay naman ako." nakangiti sagot niya.Sa isip ni Joy ay ayaw na niyang banggitin sa nobyo ang mga pang-iinsultong sinabi sa kaniya ng asawa nito dahil baka magalit pa ito."Sigurado ka ba babes? Wala siyang ginawa sa'yo?" tanong ulit nito."Ano ka ba babes, wala nga dahil dumating
Pag-uwi ni Ricks sa condo ng asawa ay ang galit na galit nitong mukha ang nabungaran niya. Hinagis pa nito sa mukha niya ang mga pictures na hawak nito.Gulat na dinampot niya ang mga nagkalat na larawan-- mga kuha nila ni Joy iyon noong nagpunta sila sa Boracay. Paanong nalaman nito ang tungkol sa bagay na iyon?"Nagulat ka ba? Akala mo siguro ay maloloko mo ako ng napakatagal ano?" galit na tanong nito sa kaniya."Hindi ba't sinabi ko na sa iyong hindi mo ako basta basta maloloko Ricks? At dahil sinagad mo ang pasensiya ko ay pagsisihan ng babae mo ang ginawa n'yong panloloko sa akin! I will kill that woman kapag hindi ka pa rin niya tinigilan!" dagdag pa nito."Huwag mo s'yang idamay! Sa akin ka magalit, ako na lang ang patayin mo!" galit na sagot ni Ricks. Sawang sawa na siya sa mga pagbabanta ng asawa niya.Saglit itong natigilan sa sinabi niya."Sa tingin mo ba ay gagawin ko ang gusto mo? sabi nito.Sa itsura ng asawa ay para itong nababaliw habang sinasabi nito sa kaniya ang ba
Joy's POVIsang linggo ang mabilis na lumipas at wala na namang paramdam si Ricks sa kaniya. Naroon siya sa bintana at nakapalumbaba. Hindi siya mapakali sa kaka-isip sa nobyo, naroong tatawagan niya ito pero palaging un-attended ang numero nito. Kahit na ganoon ay positibo pa din ang isip ni Joy na tutuparin nito ang pangako nito na aayusin nito ang lahat bago muling bumalik sa kaniya. Hindi rin nito tinupad ang sinabi nitong pasasamahan siya nito sa kapatid nitong si Rhiya pero ayos lang sa kaniya dahil wala namang gumagambala sa kaniya sa isang linggong pag-iisa niya sa bahay, iyon nga lang ay lalo na siyang nahihirapan sa pagbubuntis niya dahil napag-alaman niyang bumaba ang inunan niya noong huling nagpa-check up siya kaya pala palaging sumasakit ang balakang niya at ibabang bahagi ng puson niya ay nakababa na pala ang inunan niya at kapag hindi siya nag-ingat ay maari siyang makunan. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang kundisyon ng baby niya ang tanging paliwanag lang
"Sinungaling ka!" duro ni Jade sa babae ng asawa niya."Hindi ka na nga nakuntento sa pakiki-apid mo sa asawa ko ay balak mo pa kaming sirain!" dagdag pa niya na hindi na napigilan ang matinding galit na biglang lumukod sa dibdib niya.Oo nga at hindi siya mahal ng asawa pero ang ipamukha pa mismo sa kaniya ng kabit nito ang bagay na iyon ay sobrang napakasakit para sa kaniya."Hinding-hindi ko sa'yo ibibigay ang asawa ko! Ni ang makipaghati sa iyo ay hindi ko mapapayagan!" galit na sigaw na niya dito. Wala siyang paki-alam kung pinagtitinginan na sila ng mga taong dumaraan sa hallway ng condo niya, walanghiy* ang babaeng ito para puntahan pa siya mismo nito sa sarili niyang bahay at sabihan pa nitong hiwalayan na niya ang asawa niya. "Please nakiki-usap ako sa'yo, ibalik mo na sa akin si Ricks.. tutal ay ikaw naman ang umagaw sa kaniya sa akin. Masaya kaming nagsasama kung hindi ka lang dumating at pumasok sa eksena, kung hindi mo siya inagaw sa akin ay baka kami na ang kasal at mag
"No.. hindi ako naniniwala sa'yo.." umiiyak na iling ni Joy sa babae, kailangan niyang makausap si Ricks. Hindi siya basta-basta maniniwala sa sinasabi ng babaeng ito.Sa naisip ay nagsisisigaw siya sa labas ng condo unit ni Jade."Ricks babes! Mag-usap tayo!" sigaw niya na pilit na tinatanaw ang loob ng condo unit ng babae, nagbabakasakali siyang masisilip niya doon ang nobyo pero nabigo siyang makita ito."Gusto kong makausap si Ricks.. gusto kong marinig mula sa bibig niya kung totoo nga ang mga sinasabi mo." kahit hilam sa luha ay nagawa niyang sabihin iyon sa asawa nito."At talaga nga'ng napaka-kapal ng pagmumukha mo ano? Wala dito ang asawa ko! Umalis ka na dito kung ayaw mong ipakaladkad pa kita sa mga guards na narito! sigaw ng asawa ng nobyo."Hindi-- hindi ako aalis dito hangga't hindi ko nakikita at nakakausap si Ricks. Hihintayin ko siya, mag-uusap kami dahil kailangan niyang malaman na buntis ako at magkaka-anak na kami." pagmamatigas ni Joy sa babae."Nag-iilusyon ka ku
Sa kabilang banda ay kanina pa sinusundan ni Maximo si Joy. Gusto kasi nito itong makita ng personal, sa katunayan ay nasa bahay pa lang nito ito sa Bataan ay nakasunod na siya dito. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa doon ng babae at bakit umiiyak ito sa gitna ng kalsadang iyon. Nakatanaw lang siya dito sa di kalayuan habang lulan siya ng kotse niya, nang makita niya itong bigla na lang bumagsak sa gilid ng kalsada ay hindi na siya nag atubuli at dali-dali siyang lumabas ng kotse niya para tulungan ang kapatid niya.Nang malapitan niya ito ay nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa dibdib lalo na noong matitigan niya ang maamong mukha nito, para niyang nakikita ang sariling ina sa babae. Magkamukhang-magkamukha kasi ang mga ito pero isinantabi muna niya ang naramdaman niyang lukso ng dugo at mabilis niya itong binuhat at saka isinakay sa kotse niya para dalhin ito sa pinakamalapit na hospital.Dinala ni Maximo ang babae sa isang private hospital at siniguro niyang ligtas ito bago ni
Nagising si Joy sa isang unfamiliar na lugar. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at napagtanto niya na nasa hospital siya. Bigla niyang naalala ang nangyari kanina, iyak siya ng iyak sa gilid ng kalsada dahil sa mga nalaman niya at sinabi sa kaniya ng asawa ng nobyo niya. Walang patid ang pagluha niya nang bigla siyang makaramdam ng hilo at manlabo ang paningin niya, pagkatapos noon ay wala na siyang maalala, kung paano siya nakarating sa hospital na ito ay malaking pala-isipan sa kaniya.Maya maya ay nabaling ang paningin ni Joy sa pintuan dahil bigla iyong bumukas at iniluwa niyon ang isang nakangiting doctor. "Mabuti at gising ka na misis, titingnan ko lang ang bp mo saglit." sabi nito sa kaniya at nilapitan siya bago kinuha nito ang kanang braso niya at saka siya nito sinimulang kuhaan ng blood pressure.Nakatingin lang dito si Joy pero nang hindi siya nakatiis ay tinanong niya ito."Doc, sino po ang nagdala sa akin sa hospital na ito?" tanong niya sa doctor na nagsusu
Ricks POVDalawang linggo na mula nang pansamantalang iwan ni Ricks ang nobya niyang si Joy sa bahay nila nito sa Bataan at miss na miss na niya ang babae, pakiramdam niya ay mababaliw na siya kaka-isip dito.Hindi kasi siya makagawa ng paraan para mapuntahan ito dahil palaging may nakasunod sa kaniya na mga body guard ng asawa o kung hindi naman ay ito mismo ang nakasunod sa kaniya kaya naman sa loob ng dalawang linggo na iyon ay palagi niyang sinusunod ang mga gusto nito para payagan na siya nitong lumakad mag-isa. Hindi rin niya magawang tawagan ang nobya dahil masyadong madikit sa kaniya ang mga body guard nito, may mga tao din itong binilinan sa loob ng University na pinapasukan niya para matyagan siya, dinaig pa niya ang isang preso sa ginagawa nitong paghihigpit sa kaniya. Gusto niyang hulihin ang loob ng asawa para magtiwala ulit ito sa kaniya at hindi maghinala.Saglit siyang nakatakas sa mga body guard ng asawa ng malingat ang mga ito sa kaniya, naroon siya sa school at ka