Share

42- Fired

HINDI pumasok si Aj sa araw na 'yon. Tinawagan niya ito pero naka-off ang cellphone nito. Kaya si Anthony na lang ang tinanong niya. Sinabi nito na may importante raw inasikaso. Hindi man lang marunong magsabi, mabut ati wala itong meeting ngayon.

Napatingin siya sa wrist watch na suot, mag-alas kwatro na pala, wala naman siyang masyadong trabaho. Nang marinig niya ang pagtunog ng private elevator ay napadako ang tingin niya rito.

Baka ang boss niyang hambog ito.

Ngunit mali siya dahil si Anthony ang sakay nito. Papalapit ito sa kanya na tila 'di mapakali.

"Good afternoon, Sir Anthony," bati niya rito. Kapag nasa opisina ay pormal sila.

Tipid itong ngumiti. Parang may kakaiba rito.

"Ah, Sandra..." panimula nito. Nanatili naman siyang walang imik at hinihintay ang susunod na sasabihin na mukhang 'di masabi-sabi.

Nang lumipas ang ilang minuto na hindi pa ito nagsasalita ay siya na ang nagtanong, "May kailangan po ba kayo?" Tiningnan siya nito pero mahahalata ang pagkabalisa na nagpapaka
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status