Share

Chapter 58 - Luke Is Too Strong

Naunang umatake si Luke. Dahil sa kanyang bilis ay hindi agad nakakilos si Larry na sinalo lang ang kanyang suntok at tumama iyon sa dibdib nito kaya napaatras ito.

Saglit itong natigilan. "A-ang liksi niya..." hindi makapaniwalang sambit nito. Masyado niyang minaliit ang kakayahan ni Luke kaya hindi niya napaghandaan ang pag-atakeng iyon.

Agad na bumawi ito ng postura at galit na sinugod si Luke. Lumundag ito at habang nakasuspende sa ere ay bumwelo ito ng isang solid na suntok na handang ipatama sa mukha ni Luke. Napakabilis ng ginawa niyang iyon kaya nakasisiguro siyang mapupuruhan niya si Luke.

Pero hindi niya inaasahan na sasalubungin lang iyon ni Luke ng simpleng back kick na may malakas na pwersa kaya tumilapon ito nang limang metrong layo mula sa kinatatayuan ni Luke.

Napaawang ang bibig ni Alona. Ni hindi man lang bumwelo si Luke upang tumilapon nang ganun kalayo si Larry. Nakatayo lang si Luke at partidang nasa likuran pa ang mga kamay nito.

Imposible! Paano niya nagawa iyon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Arnel Jimenez Padilla
sana meron p kasunod n chapter
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status