Share

Chapter 61 - A Job For Alona

"I-is that all, Mr. Cruise?" may kabang tanong ni Theodore.

Hindi tumugon si Luke sa halip ay binigyan niya lang ito ng malamig na tingin.

"I-I'll do it, I'll do it. Salamat Mr. Cruise."

Nakahinga nang maluwag si Theodore. Ang akala niya ay pipwersahin siya ni Luke na umamin mismo kay Javier. Siguradong malaking kahihiyan iyon sa kanya at sa kanyang pamilya.

Tinawag ni Luke si Malcov at inutusang ihatid si Theodore pauwi sa kanila.

"What about the other dog, Mr. Cruise." tanong ni Malcov.

Tinanaw nila ang sigaw nang sigaw na si Richard dahil sa nakita nito ang nakangiting si Theodore na sumakay ng kotse ni Malcov. Marahil ay nahulaan nitong pinapalaya na si Theodore ng gang.

"Hayaan mo lang siyang tumahol nang tumahol sa kanyang kulungan. May plano pa akong gawin sa kanya." seryosong tugon ni Luke.

Nang makaalis na sina Malcov ay saktong dating naman ni Alona. Mas babaeng-babae ito tingnan sa suot nitong pinaghalong puti at itim na raglan sleeve na pinaparesan ng kulay itim na miniski
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status