Share

Chapter 70 - The Bullies

"I-it's you!" may galak na sambit ni Kina. Tinanggal niya ang suot niyang earphones at inilagay iyon sa kanyang bag.

Nakahinga nang maluwag si Luke. Akala niya ay narinig nito ang pag-uusap nila ni Alona.

Nagtatakang tiningnan ni Alona si Luke bago inilipat kay Kina ang tingin nito.

'So this girl is Kina...' sambit nito sa kanyang isip. Binase niya iyon sa naging reaksyon ng mukha ni Luke nang makita ang babae.

"I really wanted to meet you personally. Pagkatapos nang nangyari sa mansyon ni lolo ay hinanap kita pero hindi na kita nakita. I didn't expect to meet you here." nakangiting sambit nito.

Kahit mismo si Alona ay namangha sa ganda ng ngiti nito. Pinagmasdan niya si Kina mula ulo hanggang paa pagkatapos ay napatango-tango. Nakasuot lang ito ng plain white shirt na naka tucked-in sa suot nitong skinny jeans. Pero ang lakas pa rin ng dating nito. Para itong dyosa sa ganda. Walang duda kaya ito nagustuhan ni Luke.

Lumapit si Kina sa kinatatayuan ni Luke at inalukan ng pakikipagkamay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status