Share

Chapter 71 - Lance Knows The Truth

Nanunuyang napangisi ang lalaking may pula ring buhok. Sa kabila ng matalim na titig ni Alona ay tinangka ulit niyang hawakan ang buhok nito.

"Bakit, bawal bang hawakan ang buhok mo? Masama bang i-appreciate ang—"

Nahinto ito sa pagsasalita nang hawakan ni Alona ang kamay nito at pilipitin ang isa nitong daliri. Napaigtad ito sa sakit at napasampa pa sa mesa. Makailang ulit itong nakatanggap ng sampal mula kay Alona.

"Sinong nagbigay sa'yo ng karapatang hawakan ang buhok ko?" tanong ni Alona rito habang patuloy pa rin niyang sinasampal ito. Hindi ito makakilos dahil hawak-hawak pa rin niya ang daliri nitong nakapilipit. Napasigaw nalang ang lalaki sa sobrang sakit na nararanasan.

Natigilan lahat ng nakapalibot sa kanila dahil sa ginagawa ni Alona sa kasamahan ni Paolo. Wala ni isa man sa kanila ang agad na nakakilos.

"H-hey! Stop it!" sigaw ni Paolo pero hindi ito pinansin ni Alona.

Nahinto lang si Alona nang isang mapwersang kamay ang humawak sa kanyang kamay upang pigilan siya sa gi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status