Share

Chapter 19

CHAPTER 19

ILANG beses pinilit ni Syler na um-attend ng meeting si Rusty pero hindi rin niya ito nagawang mapasunod. Talagang desidido na itong ihatid siya pauwi. Malas lang nito dahil hindi siya ganoon karupok. Hindi dahil gusto nitong ihatid siya pauwi ay papayag na siya. Hindi gano’n kadaling paamuhin ang nagmamaktol niyang puso. 

Manigas ka, Vergara! 

“Pinapatawag ka ng Daddy mo,” aniya matapos i-reschedule ang meeting nito ngayong araw na ikinansela niya.

He nodded. Ngunit halata sa tingin nito na parang tinatantya pa rin ang kilos niya. “Can I leave you here for a minute? Kakausapin ko lang sandali si Dad at ihahatid na kita pauwi. Sandali lang iyon.”

Tumango lang siya bago iniligpit ang mga gamit niya sa mesa. Buong akala niya ay aalis na ito agad, pero natigilan siya nang makitang nakatayo pa rin ito sa kanyang tabi. Halata ang pagdadalawang isip sa mukha nito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status