Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay agad na nakita ni Alexa ang isang guwapong mukha na parang inukit ng isang iskulptor na tila ba nakatingin sa kanya na may mabibigat na kilay. Magkalapit lang silang dalawa kaya naririnig niya ang paghinga nito.At ang mainit na paghinga nito ay tumatama sa mga sulok ng kanyang noo at ang kanyang malalalim na mga mata ay nakatitig lamang rito. Siya ay nakayakap sa mga bisig nito at ang kanyang kamay naman ay mahigpit na nakabalot sa beywang nito. Naramdaman ni Alexa ang tila isang kuryente na gumapang sa kanyang katawan at tila ba napapasong tinanggal niya ang kanyang kamay sa beywang nito at pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin. Sa totoo lang ay inaantok pa siya kanina pero ngayon dahil sa kanyang gulat ay tuluyan na itong nawala. "Paano ako napunta sa tabi mo at nakayakap pa sayo?” takang-taka na tanong niya rito.Samantala ay napaisip naman si Noah nang makita niya ang reaksiyon ni Alexa n adali-daling lumayo sa kaniya nang makita nga
Dali-daling pumasok ang isang kasama nito sa kotse at kaagad na pinaandar ito. Nang tumatakbo na ang sasakyan ay doon pa lamang siya binitawan ng lalaking tumakip sa kanyang bibig. Napahabol sya ng kanyang hininga ng wala sa oras dahil halos hindi siya nakahinga kanina ng maayos.Ilang sandali pa nga ay hinugot ng matangkad at payat na lalaki ang kanyang cellphone sa kanyang bag at sinabing, "Tawagan mo ang iyong pamilya at sabihin mong ilang araw kang lumalabas kasama ang iyong mga kaibigan upang hindi sila mag alala." sabi nito sa kaniya na halos ikinakunot ng kanyang noo.Instinctively gusto ni ALexa na tawagan sana si Noah pero matapos niyang isipin na pumunta ito sa ospital para samahan lang si Lily at alaagaan ito ay nagbago na kaagad ang isip niya. Ang naisip na lamang niyang tawagan ng mga oras na iyon ay ang kanyang ina.Hinayaan siya ng matangkad at payat na lalaki na hanapin ang numero ng kanyang ina at pagkatapos ay dali-daling tinawagan na ito. Pagkatapos lamang ng il
Bigla na lamang kumalam ang kanyang tiyan sa gutom, kaya pumili si Alexa ng isang pack ng instant noodles na nasa ref at dali-daling binuksan ito at nilagyan ng mainit na tubig pagkatapos ay hinintay niyang maluto bago niya ito kinain at pagkatapos ay uminom ng tubig. Naisip niya ring maghugas ng kanyang katawan at humiga sa kama. Mabuti na lamang at may mga damit sa cabinet na saktong-sakto talaga sa kaniya kaya may naisuot siya.Tahimik ang paligid pero hindi siya makatulog. Nanatili lamang siyang nakatitig sa kisame ng silid. Naisip niya na nawawala siya at napatanong siya sa kanyang isip kung mag-aalala ba si Noah sa kaniya?Agad niya ring namang sinagot ang kanyang sarili. Malamang hindi dahil tangin si Lily lang naman ang nakikita nito at siguro kasama pa rin niya ito sa ospital at iniisip pa rin ang pagpapakamatay ni Lily. nang maalala niya na sabik na sabik itong sumugod sa ospital, ay tila napuno ng bato ang puso ni Alexa at hindi niya maitatagong nasasaktan siya.Dahil sa ka
Kinabukasan sinimulan na nga ni Alexa na ayusin ang painting. Matapos ang tatlong araw na pag-aayos ng painting ay nag-umpisa na siyang mag-alala dahil hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa ring sumasagip sa kaniya. Wala ba kayang nag-aalala sa kaniya?Isa pa ay hindi rin siya nakakatulog ng maayos sa gabi dahil naririnig niya ang mga yapak ng mga lalaking dumukot sa kaniya sa labas ng kanyang pinto nang ilang beses sa gabi.Sa ikaapat na gabi, papatulog na sana si Alexa nang bigla niyang narinig ang mga tahol ng aso mula sa labas. Agad siyang tumayo mula sa kanyang kinahihigaan.Ilang sandali pa nga ay bumukas ang pinto at pumasok ang matangkad at payat na lalaki at dali-dali siya nitong nilapitan at hinawakan ang pulso niya at hinila siya palabas. Samantala ang isa namang lalaki ay pumasok din sa loob ng silid at nagmamadaling kinuha ang painting.Pagkarating nila sa pinto, agad na may sumugod sa kanila na isang grupo ng mga lalaki mula sa hagdan.Ang lalaking nasa unahan ng mga
Ilang sandali pa na nakayakap si Alexa kay Noah nang marinig niya ang tinig nito. Magkahalong banayad at galit ang mababanaag sa tinig nito. "Bakit hindi mo ako agad tinawagan na may nangyari na pala sayo?” tanong nito at hindi pa siya nakakabuka ng kanyang bibig nang muli na naman itong magsalita. “Katatawag lang sa akin kahapon ni Mama, kahapon niya lang din napansin na parang may mali daw kaya tinawagan niya ako para sabihin sa akin.” dagdag nitong sabi sa kaniya.Ang baba nito ay nakabaon sa kanyang kaya hindi niya makita kung ano ang ekspresyon nito ng mga oras na iyon. Hindi pa rin siya sumasagot hanggang sa mga oras na iyon. "Paano na lang kung may nangyari na sa iyo…" bulong nito sa kanya.Bahagya namang natigilan si Alexa nang marinig niya ang sinabi nito. Sa mga sandaling iyon ay naramdaman niya na may pagmamalasakit pa rin ito sa kaniya taliwas ng inaakala niya. Naramdaman niya na inilipat nito ang kamay nito sa kanyang beywang at mas ibinaon pa ang mukha nito sa kanyang l
Lasing na lasing si Noah nang gabing iyon at katatapos lamang niyang makipag-meeting sa isa niyang investor. Mabuti na lamang at kasama niya ang driver niya kaya may nag-uwi sa kaniya sa bahay nila. Inalalayan siya nito hanggang sa silid niya at pagkatapos ay pinaupo na lamang muna sa sofa.Palabas na sana ang driver ngunit naisip niya na baka mas mainam na punasan niya muna ito at akmang maglalakad na siya upang kumuha ng tuwalya at plano niya sanang punasan sana ito nang marinig niya ang pagsigaw nito habang nakapikit. “Alexa, Alexa… pwede bang bigyan mo ako ng isang basong tubig.” sabi nito.Dalawang segundo siyang nag-atubili nang marinig niya ang pagtawag nito sa asawa nito at dali-daling inilabas ang kanyang cellphone para tawagan si Alexa. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na niyang tinawagan si Alexa at kaagad rin naman nito iyong sinagot. "Ma’am Alexa, sobrang lasing na lasing si sir at tinatawag niya ang pangalan mo." agad niyang sabi rito.Samantala ay nagsalubong naman ang
Samantala dahil naman sa sinabi nito sa kaniya at sa ginawa nitong pagtanggal ng mga kamay niya ay bigla na lamang siyang napahiya bigla. Ang mga kamay niya na tinanggal nito ay bigla na lamang natigil sa gitna ng ere at ilang segundo pa ang lumipas bago niya tuluyang nabawi ang mga kamay niya.Isang nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa ay hindi nakatiis si Lily at siya na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.Nag-angat kasi siya ng kanyang ulo at pagkatapos ay iginala ang kanyang paningin sa kanyang paligid at pagkatapos ay nakita niya doon ang painting na nakasabit sa dingding. "Ang painting na yan? Yan ba ang sikat na painting na nagmula sa china?" tanong niya rito."Hindi. Ginaya lang yan ni Alexa." mabilis naman na sagot nito sa kaniya."Talaga? Ang ganda ng painting huh? Akala ko ay iyan ang original.” mahinang sabi niya rito at pagkatapos ay muling nagsalita. "Hindi ko inaasahan na napaka-talented pala n
Pagkababa ng cellphone ni Noah ay agad niyang nilingon si Lily at tinapunan ng malamig na titig. Ang kalasingan na nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay tila ba minsanang nawala. Umigting ang kanyang mga panga sa galit at tinanong ito. "Sinadya mong gawin iyon hindi ba?" galit na tanong niya rito.Agad naman na sumimangot si Lily dahil sa naging tanong niya at tumitig rin sa mga mata niya. "Hindi ko alam na darating si Alexa rito, isa pa ay hindi ko naman sinasadya iyon dahil nadulas ako kaya napayakap na lang ako sayo bigla—" palusot nito sa kaniya ngunit mabilis niyang pinutol ang sasabihin pa nito."Lasing lang ako pero hindi ako tanga Lily!" sigaw niya sa harapan nito. Galit na galit talaga siya. Hindi sila dapat nakita ni Alexa sa ganuong ayos.Dahil naman sa pagsigaw ni Noah ay mabilis na nagtubig ang mga mata ni Lily at nag-umpisa nang umiyak. "Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Alexa ng nangyari at tiyak naman na maiintindihan niya ako…" napapakagat-labi na sabi nito hab