Share

Chapter 8.3

Ilang sandali pa na nakayakap si Alexa kay Noah nang marinig niya ang tinig nito. Magkahalong banayad at galit ang mababanaag sa tinig nito. "Bakit hindi mo ako agad tinawagan na may nangyari na pala sayo?” tanong nito at hindi pa siya nakakabuka ng kanyang bibig nang muli na naman itong magsalita. “Katatawag lang sa akin kahapon ni Mama, kahapon niya lang din napansin na parang may mali daw kaya tinawagan niya ako para sabihin sa akin.” dagdag nitong sabi sa kaniya.

Ang baba nito ay nakabaon sa kanyang kaya hindi niya makita kung ano ang ekspresyon nito ng mga oras na iyon. Hindi pa rin siya sumasagot hanggang sa mga oras na iyon. "Paano na lang kung may nangyari na sa iyo…" bulong nito sa kanya.

Bahagya namang natigilan si Alexa nang marinig niya ang sinabi nito. Sa mga sandaling iyon ay naramdaman niya na may pagmamalasakit pa rin ito sa kaniya taliwas ng inaakala niya. Naramdaman niya na inilipat nito ang kamay nito sa kanyang beywang at mas ibinaon pa ang mukha nito sa kanyang l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rubelyn Pring
update pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status