Share

Chapter 2

Mapait na ngumiti si Alexa, kung hindi pa siya aalis ay ngayon ay kailan pa? Hihintayin pa ba niya na ipagtulukan siya nito paalis doon? Sa halip na sumagot ay tumayo na lamang siya basta at tumalikdo doon upang magtungo sa kanilang silid. Agad niyang inilabas ang kanyang maleta at inipon doon lahat ng gamit niya at pagkatapos ay nagbihis siya at ibinaba ang maleta niya.

Nang makita siyang pababa ni Noah ay agad siya nitong sinalubong upang kuhanin ang maleta niya. “Ako na ang magdadala niyan.” pagprepresinta nito sa kaniya na tinanggihan naman niya kaagad.

“Hindi na kailangan. Ako na, kaya ko naman.” malamig na sagot niya at hinila ito hanggang sa labas. Habang naglalakad palabas ng gate ay nadaanan niya ang garden na may mga halaman at namumulaklak. Sa araw-araw ay palagi niyang dinidilig ang mga ito at habang humahakbang siya pakiramdam niya ay naaawa ang mga ito sa kaniya.

Tatlong taon na ang lumipas at ang inakala niyang magiging forever niya ay natuludukan na nang araw na iyon. Sa loob ng tatlong taon ay natutunan niya itong mahalin ng buong puso ngunit ano ang kapalit na ibinigay nito sa kaniya? Wala kundi sakit at pighati lamang.

Narinig niya ang mga yabag nito sa likuran niya. Sinundan pala siya nito. Pagkalabas niya ng gate ay kaagad siyang nag-abang ng masasakyan niya pauwi sa bahay nila at doon na nga nito naabutan sa labas ng gate ng bahay nito. Ilang sandali pa ay kaagad siyang nakakita ng taxi at kaagad niya itong kinawayan. Huminto naman ito kaagad sa harapan niya.

Bago siya sumakay ay bigla na lamang nagsalita si Noah sa tabi niya. “Salamat sa kalinga mo nitong tatlong taon.” sabi nito kaya napalingon siya rito at pagkatapos ay doon nito inabot ang isang papel at nang tingnan niya ito ng mabuti, ay doon niya napagtanto na tseke pala iyon.

Nanatiling nakatayo si Alexa doon at nakatitig sa inaabot nito. Hindi niya alam kung tatanggapin niya ba o hindi ang tseke na ibinibigay nito ngunit nang hindi mahintay ni Noah na abutin niya ito ay binuksan nito ang kanyang maleta at isiniksik doon ang tseke.

“Kailangan mo ng pera sa pang araw-araw mo, kaya kuhanin mo na ito.” sabi nito sa kaniya.

Napatango na lamang siya rito, isa pa ay wala naman na siyang magagawa dahil tuluyan na nga nitong isinuksok iyon sa maleta niya. Nag-angat siya ng kanyang ulo upang tumitig sa gwapong mukha nito at bigla na lamang niyang naalala bigla ang mga pinagsaluhan nila sa kama kung saan ay tinawag nito ang pangalan niya habang inaabot nito ang r***k ng kaligayahan.

At hindi niya na naman mapigilang maramdaman ang sakit na nararamdaman niya kanina. Napaisip tuloy siya bigla, makakalimutan niya kaya ito? Ilang taon kaya ang aabutin para mawala na ito sa isip at puso niya? Isa, dalawa, tatlong taon? O sampung taon? O baka habang buhay niya na itong hindi makakalimutan? Walang nakakaalam.

Pakiramdam niya ay napakadali lang ang umibig pero parang napakahirap ng makalimot lalo na kung minahal mo ng sobra-sobra ang isang tao. Tumitig din ito sa kaniya sandali bago siya nito hawakan sa kanyang mga braso. Ang mukha nito ay kalmado ngunit ang mga mata nito ay bakas doon ang pagkagulo.

Napalunok siya at sinubukang magsalita. “Mula ngayon ay mabubuhay ka ng mag-isa at alam kong mahihirapan ka, pero kapag kailangan mo ng tulong ko, tawagan mo lang ako.” sabi niya rito.

Napatango naman ito sa kaniya. Pagkatapos ay lumunok muna bago ito nagsalita. “Sa mga nakalipas na taon ay nasa hindi maganda ang kalagayan ng kalusugan ko at naging mabugnutin din ako pero sa kabila ng lahat ng iyon ay inalagaan mo pa rin ako. Maraming salamat.” sinserong sabi nito sa kaniya.

“Walang anuman, ano ka ba.” sagot niya at pilit na ngumiti rito upang itago ang sakit na nararamdaman niya para rito ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung gaano niya pa katagal makakayanan na hindi umiyak sa harapan nito dahil kanina pa gustong tumulo ng luha sa kanyang mga mata.

“Ingatan mo ang sarili mo.” sabi nito sa kaniya.

“Ikaw rin.” sagot niya at pagkatapos ay niyakap niya ito ng mahigpit, mahigpit na mahigpit dahil hindi niya alam ay baka iyon na ang huling pagkikita nila.

Ilang sandali pa ay binitawan na niya ito at pagkatapos ay bahagyang itinulak palayo at pagkatapos ay dali-daling kinuha ang kanyang maleta at tumalikod. Doon tumulo ang kanyang mga luha at pagkatapos ay bigla siyang napatigil sa paghakbang nang marinig niya ang boses nito sa likuran niya.

“Sino si Nio?”

Bahagyang nanginig ang kanyang puso nang marinig niya ang sinabi nito at bigla na lamang rumagasa ang alaala niya sa kanyang nakaraan na tila isang ilog at bumalot sa buong pagkatao niya ang lungkot. Sa sobrang lungkot ay hindi niya nagawang magsalita upang sagutin ang tanong nito sa kaniya.

Nagsalita itong muli. “Siya ba ang dapat na kasintahan mo sana ngayon? Pasensiya ka na at inokupa kita sa loob ng tatlong taon.” sabi nito, akala niya ay tapos na itong magsalita ngunit hindi pa rin pala. “Hangad ko ang kaligayahan mo…” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ni Alexa ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung paano niya sasagutin ito ngunit mabilis siyang nagpunas ng luha at dahan-dahang nilingon ito. Nakita niya na nakangiti ito sa kaniya ng ngiting napakatamis at madalang lamang itong ngumiti pero ngayon, ngayon ay nakkangiti ito ng matamis at ang kanyang mga mata ay kumikislap.

Alam niya na masaya ito dahil malapit na nitong makasama ang babaeng pinakamamahal nito at sigurado siya na masayang-masaya ito. Ang ui ng ngiti nito ang nagpadurog sa puso ni Alexa.

“Wala akong ibang hiling kundi ang maging masaya ka rin…” nakangiting sagot niya rito bago nagmadaling pumasok ng kotse.

Pagkasara ng pinto ng sasakyan at nag-unahan na kaagad na tumulo ang mga luha ni Alexa. Dahil sa pagbanggit ni Noah ng pangalan na iyon ay tila ba nasaling na naman ang dati niyang sugat at muling dumugo idagdag pa ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Samantala ay binuhat naman ng driver ang kanyang maleta at pagkatapos ay inilgay sa trunk ng sasakyan at pagkatapos ay sumakay na rin ito at pinaandar ang sasakyan.

Samantala, habang nakasunod ng tingin si Noah sa papalayong sasakyan ay unti-unting nabura ang ngiti sa mga labi niya at ang kanyang mga mata ay agad na nagkalambong.

HALOS isang oras din ang itinagal ng kanyang byahe bago siya tuluyang makauwi sa bahay nila. Nang makababa siya ng taxi ay kaagad siyang nagbayad rito at hinila na ang kanyang maleta papasok ng bahay nila. Nang tuluyan na nga siyang makarating sa pintuan ay doon na siya nakita ng kanyang ina at nanlalaki ang mga mata lumapit sa kaniya.

Agad nitong hinawakan ang mga kamay niya at pagkatapos ay ang magkabilang pisngi niya. “Anak anong nangyari sayo? Bakit namumula at namamaga ang mga mata mo? Umiyak ka ba?” sunod-sunod na tanong nito kaagad sa kaniya.

Nag-iwas siya ng tingin rito at pagkatapos ay bahagyang lumayo sa kanyang ina upang tanggalin ang suot niyang sapatos at pilit na kinalma ang kanyang sarili. “Dito na ulit ako titira.” sagot niya.

Bigla naman siya nitong tiningnan na halos hindi makapaniwala sa narinig. “Ano? Bakit? Bakit dito ka na titira? Huwag mong sabihin na naghiwalay na kayo ni Noah?”

“Bumalik na ang ex-girlfriend niya.” walang gana niyang sagot rito pagkatapos ng tanong nito.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sa Lee
wla bang katapusan sa pag sabi ng pagkatapos hayss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status