Share

AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE
AFTER DIVORCE: HER EX-HUSBAND BEGS FOR REMARRIAGE
Author: MikasaAckerman

Chapter 1

Nagising si Alexa dahil sa haplos sa kanyang mga hita at halik sa kanyang leeg. Wala siyang nagawa kundi ang mapa*ngol. Ilang sandali pa ng ay tuluyan nang ipinasok ni Noah ang kanyang mga kamay sa kanyang pantulog at hinaplos ang kanyang pagkababae.

Naging mabilis ang pangyayari at sa isang iglap ay tuluyan na nga siyang walang saplot at sa sumunod na sandali ay tuluyan na nga itong pumatong sa kaniya at hinalikan siya ng mapusok sa kanyang mga labi. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at agad na sinagot ang halik nito.

Agad na gumapang ang init sa buong katawan niya hanggang sa bawat himaymay ng pagkatao niya. Hindi niya napigil ang mapadaing lalo na nang tuluyan na nga nitong ipasok sa kaniya ang matigas nitong sandata. Napayapos siya sa likod nito nang mag-umpisa itong umulos.

Napuno ng daing at ungol niya ang buong silid hanggang sa tuluyan na silang matapos at naghahabol pareho ng hininga. Ibinagsak nito ang sarili sa kama sa kanyang tabi. Samantalang siya ay naka-side at ramdam na ramdam ang mga pawis na tumatagaktak mula sa kanyang noo.

Ilang sandali pa ay naramdaman niya na bigla na lamang siyang niyakap ni Noah mula sa kanyang likuran, isang yakap na napakahigpit at halos ayaw siyang makawala mula sa mga bisig nito. Nailibot niya ang kanyang paningin sa buong silid, maliwanag na ng mga oras na iyon.

Bigla na lamang siyang kinabahan bigla dahil sa pagkakayakap nito sa kaniya ng mga oras na iyon. Sa tatlong taon nila bilang mag-asawa ay ito pa lamang ang unang beses na natatandaan niya na niyakap siya nito ng ganuon kahigpit. Bigla siyang nakaramdam ng matinding pagmamahal mula sa pagkakayakap nito sa kaniya.

Sa mga oras na iyon ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso niya na tila ba may mga kabayong naghahabulan mula sa ibabaw nito. Mabilis siyang umikot upang magkaharap silang dalawa na may nakapaskil na napakatamis na ngiti sa kanyang mga labi at pagkatapos ay niyakap niya ito ng mahigpit pabalik.

Ilang minuto ang itinigal nang pagyayakap nilang dalawa hanggang sa tuluyan na siyang binitawan ni Noah at pagkatapos ay mabilis itong nagbihis ng damit at umupo sa uluhan at sumandal sa headboard ng kama pagkatapos ay binuksan nito ang drawer na nasa tabi nito upang kunin ang kaha ng sigarilyo.

Naglabas siya ng isang stick mula rito at dali-dali niya itong sinindihan pagkatapos ay nagbuha ng hangin. Napalingon siya rito. Dahil sa kapal ng usok na ibinuga nito ay halos hindi na niya makita pa ng malinaw ang mukha nito, maging ang ekspresyon nito at hindi niya rin alam kung ano ba ang iniisip nito ng mga oras na iyon.

Dahil sa usok ay bigla na lamang siyang napaubo. “Hindi ba at matagal ka ng tumigil sa paninigarilyo?” umuubong tanong niya rito.

Napatitig ito sa kaniya ng ilang sandali habang nakalagay ang sigarilyo nito sa kamay nito at nakaipit sa dalawang daliri. Halos mailang siya sa pagkakatitig nito sa kaniya at nakahanda na sana niyang ibuka ang kanyang mga labi upang magsalita nang bigla niyang marinig ang tinig nito.

“Alexa, maghiwalay na tayo.” biglang sabi nito sa kaniya.

Ang mga salitang binitawan nito ay tila ba isang kulog sa isang napaka-aliwalas na araw. Natigilan siya bigla at nanlamig ang puso niyang nag-aapoy lamang kanina, ngunit ngayon ay unti-unti ng binabalutang ng yelo.

Tiitigan niya ito ng may maputlang mukha at nagtanong sa nanginginig na boses. “May, may nagawa ba akong mali?” mahinang taong niya rito.

“Wala, wala naman.” sagot nito sa kaniya.

“Kung ganuon ay bakit tayo maghihiwalay? Bakit mo ako hihiwalayan?” tanong niya rito na halos bulong na lamang.

“Bumalik na si Lily, pasensiya na.” sagot nito sa kaniya.

Si Lily ang dati nitong kasintahan na nang-iwan rito noong mga panahong kailangang-kailangan siya ni Noah. nang mga oras na iyon ay pakiramdam niya ang puso niya ay tila ba sinaksak ng napakatalim na kutsilyo. Tatlong taon na ang nakalipas at araw-gabi ay magkasama sila, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay babalik lang din naman pala ito sa buhay ni Noah.

Akala niya ay mahal siya nito ngunit iyon ang napakaking pagkakamali niya. Akala lang pala niya. Dahil sa labis na pagkabigo at sakit na bumalot sa buong pagkatao niya ay napakagat-labi na lamang siya habang hindi makagalaw ang kanyang katawan sa higaan.

Agad siyang bumangon sa kama at dinampot sa tabi niya ang hinubad niyang damit at pagkatapos ay isinuot ito. Pagkatapos niyang magbihis ay akmang bababa na sana siya sa kama nang bigla na lamang hinawakan ni Noah ang balikat niya at pinigilan siya bigla. “Saan ka pupunta?” tanong nito sa kaniya.

Sinubukan ni Alexa ang kanyang lahat ng makakaya upang pigilan na pumatak ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata pagkatapos ay sumagot rito. “Ipaghahanda ka ng almusal.” sagot niya.

“Huwag na. Matulog ka na lang muna dahil mukhang naistorbo ko yata nag tulog mo. magpapaluto na lamang ako kay Manang Fe.” sabi nito sa kaniya.

Dahil nga nakatalikod siya rito ay hindi nito nakikita ang pait sa kanyang mukha ng mga oras na iyon at pagkatapos ay humugot ng malalim na hininga. “Okay.” malamig na sagot niya bago muling nahiga sa kama at hinila ang kumot hanggang sa dibdib niya kasabay ng pagpatak ng luha niya sa unan niya.

Wala na itong sinabi pa pagkatapos at naramdaman na lamang niya na tuluyan na nga itong umalis sa kama at pagkatapos ay narinig niya ang mga yabag nito palabas. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay dali-dali siyang bumangon sa kama at tumakbo papasok ng banyo.

Ang pilit niyang pinipigilan na mga luha kanina ay nag-unahang pumatak sa mga mata niya na tila ba isang gripo at kahit anong pigil niya ay hindi niya kayang pigilan ito. Hindi niya alam na ang pagmamahal na ibinuhos niya kay Noah nitong mga nakalipas na tatlong taon ay sakit at pighati lang pala ang igaganti nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay nagpira-piraso ang puso niya dahil sa sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

Dahil sa pag-iyak ay halos mawalan siya ng lakas kaya napasandal siya sa dingdinh ng banyo at umiyak hanggang sa nanginginig na ang kanyang katawan at hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatayo doon at umiiyak hanggang sa tawagin na siya ni Noah upang bumama at kumain ng almusal.

Sinabi na lamang niya rito na susunod na siya upang magkaraoon pa siya ng pagkakataon na ayusin ang sarili niya. Paulit-ulit siyang naghilamos at paulit-ulit niya ring binanlawan ang namumugto niyang mga mata, pero nang tingnan niya ang itsura niya sa salamin ay namumugto pa rin ang mga mata niya na bahagya pang namumula.

Nagpunas lamang siya ng kanyang mukha at pagkatapos ay dali-dali nang nagbihis ng mas maayos na damit at bumaba sa kusina. Nang makababa siya ng hagdan ay nakita niya kaagad na si Noah na nag-aabang sa kanya sa pinto ng kusina at nakasuot na ito ng well-tailored couture suit. Nakatayo ito na tila isang matikas at may marangal na pag-uugali, sa madaling salita ay napaka-elegante ng dating nito.

Tahimik niyang nilampasan ito at pagkatapos ay naupo at ganun din ito at pagkatapos ay nilingon siya at napatitig sa kanyang maamong mukha. “Bakit namumula ang mga mata mo? Umiyak ka ba?” tanong nito sa kaniya.

Nilingon niya rin ito at pagkatapos ay nagpaskil ng isang pilit na ngiti sa kanyang mga labi. “Hindi. Kanina kasing naghihilamos ako ay hindi ko sinasadyang malagyan ng sabon ang mga mata ko kaya namumula. Mamaya lang ay mawawala din ito.” sagot niya rito.

Tumango ito at pagkatapos ay nag-iwas na ng tingin mula sa kaniya. “Mag-ingat ka sa susunod. Kumain ka na.” sabi nito sa kaniya at nag-umpisa na itong sumandok ng mga pagkain at inilagay nito iyon sa plato nito.

Iginala ni Alexa ang kanyang paningin sa hapag kainan at napakaraming nakahandang mga pagkain doon at pawang ang mga paborito niyang mga ulam. Napakabango rin ng mga ito ngunit halos ayaw gumalaw ng kanyang mga kamay upang magsandok. Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya kumain na malungkot siya, pero ngayon ay mas higit pa sa malungkot ang nararamdaman niya.

Pinilit niyang magsandok ng pagkain at inilagay sa plato niya ngunit halos lumipas ang kalahating oras ngunit hindi pa rin niya nagagalaw ang pagkain na kinuha niya. Dahil rito ay nagpasya na siyang tumango, ibinaba niya ang hawak niyang kubyertos sa mesa.

“Mag-iimpake na ako ng aking mga gamit.” mahinang sabi niya rito.

Samantala ay napahigpit naman ng hawak si Noah sa hawak niyang kutsara dahil sa kanyang narinig. “Hindi kita minamadali.” sagot niya rito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status