Share

Chapter 5.1

Nang marinig ni Noah ang sinabi ng kanyang lola ay kaagad na napahigpit ang hawak niya sa kanyang hawak na kubyertos at pagkatapos ay madilim na napatitig sa pagkaing nasa harap niya.

Samantala ay sinulyapan naman ng matandang babae si Alexa. “Matanda na si lola at isa lang ang hiling ko ngayon. Sana ay maging maayos ang magsasama niyo ni Noah at bigyan niyo sana ako ng malulusog na mga apo sa lalong madaling panahon.” humihingal na sabi nito sa kaniya.

Agad naman na napasulyap si Alexa kay Noah ng mga oras na iyon at pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin. Mukhang hindi pa nito sinabi sa lola nito na naghiwalay na silang dalawa.

“Hindi ko alam kung gaano pa katagal ang itatagal ko rito sa mundo at baka malay niyo, malapit na pala akong mamatay kaya gusto ko na bago man lang mangyari iyon ay makita ko muna ang mga magiging anak niyo para naman mapanatag ang kalooban ko.” mahinang usal nito sa kaniya.

Bigla siyang napalunok nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay mabilis na nagsalita. “Lola ano ba naman kayo, huwag ninyong sabihin iyna. Isa pa ay panigurado ako na matagal pa ang magiging buhay niyo.” sabi niya na pilit pinasigla ang kanyang tinig para kahit papano ay gumaan naman ang pakiramdam nito.

“Kilala ko ang katawan ko. Nasa 85 taong gulang na ako.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay napahawak sa dibdib nito habang humihingal. “Hihiga muna ako sandali.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.

Mabilis naman siyang tinulunga ni Alexa na magpunta sa kwarto nito. Habang akay-akay niya ito ay mabagal lamang ang ginawa nilang paghakbang hanggang sa palapit na sila ng palapit sa pinto ng silid nito nang bigla itong tumigil sa paglalakad at lumingon kay Noah. “pwede kayong magpalipas rito ng gabi ni Alexa.” sabi nito at pagkatapos ay nagpatuloy na muli sa paghakbang.

Ibubuka pa lamang sana ni Noah ang kanyang bibig upang sumagot rito ngunit nakita niya na nanginginig ito habang naglalakad kaya wala siyang nagawa kundi ang mapayuko na lamang at nag-iwas ng tingin. Maingat na inalalayan ni Alexa ito hanggang sa makarating ito sa mismong kama nito dahil sa takot na baka masaktan ito.

Pagkatapos niyang maihiga ito sa kama ay bigla na lamang hinawakan ng matandang babae ang kamay ni Alexa. “Alam ko ang tungkol sa pag-uwi mo sa bahay ninyo. Huwag kang mag-alala hija dahil habang buhay ako ay ang kasal ninyo ni Noah ay hindi pwedeng masira. Napaka-masunurin ni Noah pagdating sa akin at alam kong susunod siya sa kung ano man ang sabihin ko…” mahinang sabi nito sa kaniya.

“Pero lola—” hindi pa man niya nasasabi ang mga gusto niyang sabihin ay kaagad ng pinutol ng matanda ang kanyang mga salita.

“Huwag ka ng mag-alala pa. Ang Lily na iyon ay gusto lamang ng ginhawa ngunit hindi ng hirap. Ang katulad niyang walang malasakit at walang awa ay hindi karapat-dapat na papasukin sa pamilyang Montemayor.” mahinang sabi nitong muli sa kaniya.

Napatitig siya rito. “Lola gusto mo bang tumawag ako ng doktor para matingnan ka?” biglang tanong niya rito na hindi man lang sinasagot ang kahit na anumang sinabi nito sa kaniya.

“Hindi na kailangan. Matanda na ako at walang silbi ang doktor kahit na dumating pa ito. Bumalik ka na doon at nang makakain ka. Isara mo na lang ang pinto.” bilin nito sa kaniya.

Agad naman siyang tumango rito at pagkatapos ay bahagyang ngumiti. “Sige po lola, magpahinga na po kayo.” sabi niya bago tuluyang tumalikod rito.

Pagkalabas na pagkalabas ni Alexa ang matandang babae ay bigla na lamang umupo sa kama at malakas na malakas kumpara sa inakto nito kanina sa harap ng hapag at sa harap ng asawa ng kanyang apo.

Samantala ay bumalik naman si Alexa sa kusina at muling umupo sa harap ng hapag. Sa mesa ay kasama pa rin nila ang lolo ni Noah. kauupo pa lamang niya sa harap ng hapag nang bigla na lamang siyang abutan ng lolo ni Noah ng platong may nakalagay na mga hipon kung saan ay agad niya naman itong inabot.

“Tikman mo yan, hija. Masarap pagkakaluto.” sabi nito sa kaniya habang nakangiti.

“Salamat po, lolo.” iyon lamang ang naisagot niya rito.

Ilang sandali pa ay agad siyang kumuha ng hipon sa plato at nag-umpisa ng kumain. Samantala ay itinaas naman Noah ang kanyang ulo upang tumingin sa mga mata ng kasama nilang matanda doon. “Lolo, hindi ba at malakas pa si lola noong huling nagpunta nagkita kami? Bakit ngayon ay naging ganito na siya? Bakit humina na siya ng sobra?” nakakunot at sunod-sunod na tanong ni Noah rito.

Napabuntung-hininga naman ang matanda. “Ganyan talaga ang nangyayari kapag tumatanda na ang tao. Kumbaga sa libro ay nasa huling yugto na kami ng mga buhay namin at malapit na sa wakas, kaya kung pwede ay huwag niyo siyang bigyan ng bagay na ikakalungkot niya kahit na anuman ang mangyari.” sagot naman nito.

Dahil sa sagot ng matandang lalaki ay hindi na nakasagot pa si Noah. pagkatapos ng hapunan ay agad silang tumuloy sa guest room. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay agad na nagsalita si Alexa.

“Anong plano mo? Plano mo ba na manatili muna rito?” tanong niya kaagad rito.

Kaagad na nagsalubong ang mga kilay nito at pagkatapos ay napabuntung-hininga. Itinaas nito ang kamay upang luwagan ang suot nitong kurbata at pagkatapos ay sumagot. “Nakita mo naman ang kalagayan ni Lola ngayon at kailangan muna niyang lumakas. Dumito na muna tayo kahit na ilang araw at pagkatapos ay tyaka natin sabihin sa kaniya.”

Bigla namang napatingin si Alexa sa kama na nasa harap niya. “Pero paano tayo matutulog sa iisang kama?” tanong niya rito kaagad.

Bahagya namang kumunot ang noo ni Noah dahil sa tanong niya at dali-daling sumagot. “Matutulog ng nakapikit, ano pa nga ba.” pilosopong sagot nito sa kaniya.

Biglang nabalisa si Alexa dahil sa sagot nito. “Seryoso ako at hindi nagbibiro.”

Dahan-dahang tinanggal ni Noah ang relo sa kanyang kamay at pagkatapos ay inilapag iyon sa bedside table at nilingon siya. “Maligo ka na nga muna at maliligo din ako pagkatapos mo.” sabi nito sa kaniya.

Napabuntung hininga na lang si Alexa at pagkatapos ay napatango. “Sige.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status