Share

Chapter 5.2

Agad na pumasok si Alexa sa banyo at pagkatapos ay naghanap ng damit sa closet. Mabuti na lamang at maraming extrang damit doon na pwede niyang magamit. Kaagad siyang nagsipilyo at mabilis na naligo. Pagkatapos niya ay kaagad din siyang lumabas ng banyo kung saan ay sumunod naman na pumasok sa banyo.

Paglabas niya ay agad siyang nahiga sa kama, hindi siya makatulog at nananatiling gising ang kanyang diwa nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Noah. ayaw niyang pakialaman ang personal na gamit nito kaya hinayaan na lamang niya itong tumunog, at dalawang beses itong tumunog at huminto.

Hindi nagtagal ay hindi na nakatiis pa si Alexa na hindi tingnan ito dahil muli na namang itong tumunog. Agad niyang nakita at isang numero na patuloy sa pagtawag at ito ay hindi naka-save. Mabilis niyang dinampot ang cellphone at pagkatapos ay dali-daling sinagot ang tawag at inilagay niya sa kanyang tenga.

“Hello…” mahinang sabi niya.

Ilang sandali pa ay narinig niya ang mahinang boses ng isang babae. “Hello Alexa, kasama mo ba si Noah?” tanong nito kaagad.

Agad naman na nagsalubong ang mga kilay niya ng marinig niya ang kanyang pangalan mula sa bibig nito. Kilala siya nito ngunit hindi niya naman ito kilala.

“Sino ka?” iyon ang sumunod na mga salitang lumabas sa bibig niya dahil sa labis na pagtataka.

Biglang natigilan ang babae sa kabilang linya at hindi kaagad nakasagot. “Kakilala niya ako.” sagot nito sa kaniya.

Inakala ni Alexa na baka pinsan ito ni Noah kaya agad niyang sinagot ito. “Naliligo siya. Pagkalabas niya sa banyo ay sasabihin ko na lang sa kaniya na tawagan ka.”

“Sige, salamat.” sabi nito at pagkatapos ay ibinaba ang tawag. Nakakunot ang noo niyang inilapag ang cellphone sa bedside table.

Ilang sandali pa ay agad na palingon si Alexa sa pinto ng banyo nang bumukas ito. Si Noah ay hindi pa nakabihis nang lumabas ito ng banyo at nakatapis lamang ng towel sa ibabang bahagi ng katawan nito at ang isang towel naman ipinampupunas nito sa basa nitong buhok.

Hindi niya tuloy naiwasan na hindi mapatitig sa mga abs nito ang maging ang dibdib nito na napakaperperkto na akala mo ay inukit ng isang iskulptor. Napakalakas talaga ng alindog nito. Ang puso ni Alexa ng mga oras na iyon ay agad na tumibok ng mabilis at ang kanyang tenga ay agad na nag-init at namula na tila sinunog ng apoy.

Agad siyang nagbawi ng tingin mula rito at tumagilid upang iiwas ang kanyang mga mata sa hotness na nasa harap niya. “Katatawag lang ng pinsan mo. tawagan mo na lang siya ulit.” sabi niya rito.

Agad naman na naglakad ito patungo sa bedside table at pagkatapos ay kinuha ang cellphone nito upang tingnang kung sino ang tumawag at pagkatapos ay nang makita iyon ay lumabas ito ng silid. Ilang minuto ito sa labas at nang muli itong pumasok ay ang mukha nito ay makulimlim pagkatapos ay mabilis na malamig na nagtanong sa kaniya.

“Sinadya mo ba ito?”

Natigilan naman si Alexa at nilingon ito. “Ano? Anong sinasabi mo?” naguguluhang tanong niya rito.

“Nag-suicide si Lily. anong sinabi mo sa kaniya?” malamig na tanong nito sa kaniya.

Paulit-ulit niyang narinig ang mga sinabi nito sa isip niya. Pagkataraan ng ilang segundo ay natagpuan niya rin sa wakas ang kanyang boses. “Hindi ko alam na siya si Lily. isa pa ay sinabi niya lang na kakilala ka niya at akala ko ay isa siya sa mga pinsan mo kaya sinabi kong naliligo ka.” sagot niya rito.

Walang sinabi si Noah na may hindi maipintang mukha at may malamig na mga matang nakatingin sa kaniya at pagkatapos ay agad na naglagad upang pumunta sa closet at naglabas ng mga damit sa loob at nag-umpisang magbihis.

Pagkatapos nitong magbihis ay dali-dali itong muling lumabas ng pinto.

Samantala nang marinig naman ng matandang lalaki ang boses ni Noah mula sa kabilang silid ay dali-dali siyang lumabas at nasalubong niya nga si Noah sa hallway. “Gabi na, saan ka pa pupunta?” tanong nito rito.

“May gagawin lang ako sandali sa labas.” sagot ni Noah sa malalim na boses.

“Ano iyon?”

Napabuntung-hininga si Noah at pagkatapos ay sumagot. “Isinugod sa ospital si Lily at pupuntahan ko siya.” sagot niya rito.

Biglang nagsalubong ang mga kilay ng mantandang lalaki nang marinig niya ang sinabi ni Noah kaya sumigaw siya. “Alexa! Sumama ka kay Noah!”

Nang marinig ito ni Alexa ay dali-dali siyang tumayo ng kama at lumabas ng silid. Dahil ayaw suwayin ni Alexa ang utos nito ay agad siyang pumayag sa utos nito. “Sige po, lolo.” magalang na sagot niya rito.

Nagbihis lang din siya ng damit bago lumabas dahil nga nakapantulog na siya. Sumakay sila sa kotse. “Ibaba mo na lang ako sa intersection at mag-aabang na lang ako ng sasakyan.” sabi niya rito.

Napahigpit ang hawak ni Noah sa manibela at pagkatapos ay nilingon siya. “Sabay na tayong pumunta doon at para makapagpaliwanag ka kay Lily.” sabi ito sa kaniya.

Biglang kumirot ang puso niya ng mga oras na iyon dahil sa narinig. Palagi siyang kalmado kahit na anuman ang sitwasyon. Hindi naman niya kasalanan, wala siyang kasalanan pero bakit kailangan niyang magpaliwanag?

Nang hindi siya sumagot ay agad na itinaas ni Noah ang kanyang kamay at pagkatapos ay hinaplos ang tuktok ng kanyang ulo. “May matinding depresyon kasi si Lily ngayon at pagbigyan mo na sana ang hiling ko.” masuyong sabi nito sa kaniya.

Hindi na lamang siya sumagot rito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status