Share

Chapter 4

Ang dapat lang naman sana sa dalaga ay huwag magsalita ng hindi niya kayang mapanindigan. Okay lang sana kung ito lang ang mapapahiya ngunit maging siya, at ang buong shop niya. Ngunit sa halip ay nagmatigas pa ito.

“Tatlong araw lang na tatapusin ko ito at kung sakaling ibenta mo man ito kapag naayos ay baka ilang daang milyon ang mapagbebentahan mo nito.” sabi niya rito.

Pagkatapos nilang magkasundo sa presyo ay agad silang pumirma ng kontrata. Pagkaalis ng lalaki ay agad siyang nagsimula. Mabuti na lamang at noong bata pa siya ay kasama niya ang kanyang lolo na nagre-restore ng sinaunang mga paintings kaya natuto siya at masasabi niya na bihasa na talaga siya sa larangang iyon.

Ang kanyang lolo at lola kasi ay mahilig din mangolekta ng mga antique na mga bagay at mga paintings. Sa dami ng paintings na ni-restore niya noon ay nagawa niya naman ng mabuti at maayos. Inubos niya doon ang kanyang oras at hindi niya namalayan na gabi na pala.

Dahil sa pagiging abala niya ay pansamantala niyang nakalimutan ang tugkol kay Noah at maging ang kalungkutan na dulot nito.

Mabilis na lumipas ang tatlong araw at dumating na nga doon ang customer. Agad niyang kinuha ang painting at ibinaba sa unang palapag nang dumating ito. Nang makita nito ang painting na hawak niya at iniabot niya ito ay nagulat ito at pagkatapos ay tiningnan siya ng hindi makapaniwala.

“Ito ba talaga ang painting na dinala ko? Hindi mo naman siguro ito pinalitan hindi ba?” tanong nito sa kanya.

Samantala ay ang may-ari ng shop at mga iba pang tauhan ay nagsilapit na rin sa kanila at pare-parehong nagulat. Ang painting ay mukha ng bago ng mga oras na iyon. Pare-pareho ang mga nasa isip ng mga ito. Iyon na ba talaga ang painting na mukha ng basahan at hindi na halos hindi na masabing painting?

Tiningnan niya ito at pagkatapos ay napahugot ng isang buntung-hininga, “pwede mong ipa-check kung tunay ba o hindi.” mahinahong sagot niya rito.

Mabuti na lamang at may pang-check sila doon at doon nito napatunayan na tunay nga ito at hindi peke. Masayang-masaya ito at napa thumbs-up pa sa kaniya bago ito umalis at bakas sa mukha nito ang matinding kasiyahan.

Simula nang araw na iyon ay mabilis na kumalat ang balita sa buong lungsod at sa mga karatig pang bayan na may isang magandang batang babae na tagapag-ayos ng mga sirang painting sa shop na iyon at ang kanyang kasanayan sa pagre-restore ay maihahambing sa mga master sa pagre-restore.

Isang hapon ay bigla na lamang siyang nakatanggap ng tawag mula kay Noah.

“Nasa tapat ako ng shop na pinapasukan mo. lumabas ka.” sabi nito sa kaniya.

Nang marinig niya ang pamilyar na tinig nito ay bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ni Alexa at pagkatapos ay bigla na namang kumirot ang puso niya. Agad niyang itinaas ang kanyang kamay upang tingnan kung anong oras na. “Hapon na. Sarado na ang Civil Affair Bureau ngayon. Pwede bang bukas na lang tayo ng umaga magpunta?” tanong niya rito dahil alam niya na iyon lang naman ang pakay nito sa kaniya.

Saglit na natahimik ito bago nagsalita. “Si lola ay gustong makita tayong dalawa at ang sabi niya ay may sasabihin daw siyang napakahalagang bagay sa ating dalawa.” sabi nito sa kaniya.

Dahil rito ay wala siyang nagawa kundi ang lumabas. Agad niyang nakita ang kotse na nakaparada sa shop at dali-dali siyang lumapit rito at binuksan ang pinto pagkatapos ay sumakay.

Matapos ang ilang araw na hindi pagkikita ay napansin niya na si Noah ay tila ba pumayat. Habang nakatitig siya rito ay doon niya nalaman na mahal niya pa rin pala ito at hindi niya pa rin ito kayang kalimutan. Ilang sandali pa ay may inabot sa kaniya itong isang dark blue velvet na kahon at sa isang tingin ay alam niya na agad kung ano ang laman nito.

Agad niyang kinuha ito at nakita niya kaagad ang tatak ng box sa labas nito. Ito ang isang pinakasikat na brand ng alahas. Habang hawak niya ang kahon ay nilingon niya ito at pagkatapos ay bahagyang ngumiti. “Bakit mo ako binibigyan ng napakamahal na regalo?” tanong niya rito.

Bahagya rin naman itong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay tumitig sa mga mata niya. “Gusto ko lang na may proteksiyon ka sa mga masasamang espiritu. Halika, at isusuot ko sa iyo.” sabi nito sa kaniya at gusto niyang matawa dahil sa sinabi nito. Sa totoo lang ay hindi naman siya naniniwala sa masamang espiritu.

Hindi siya sumagot ngunit bigla na lamang gumalaw ang mga kamay nito at kinuha ang box mula sa kamay niya at pagkatapos ay isinuot sa leeg niya. Nang hawakan nito ang kanyang buhok gamit ang daliri nito ay hindi sinasadyang dumampi ang daliri nito sa kanyang leeg.

Bigla siyang kinilabutan bigla dahil rito. Sa haplos nito ay palagi siyang sensitibo. Dahil sa pag-iisip ni Alexa sa relasyon nilang dalawa ay bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit ng kanyang puso. “Huwag mo na akong bigyan ng kahit ano sa hinaharap.” sabi niya rito.

“Napakaliit na bagay lang ng ibinigay ko sayo.” sabi nito sa kaniya.

Pinaandar na nito ang sasakyan at makalipas lamang ang kalahating oras ay nakarating na nga sila sa lumang bahay ng pamilya Montemayor.

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang nila sa pinto ay kaagad nang lumapit sa kanila ang may halos puti ng buhok na lola ni Noah. nang makita siya nito ay kaagad na nagpaskil ito ng masayang ngiti sa labi. “Salamat naman at nandito ka na mahal kong apo. Miss na miss na kita dahil halos ilang araw na tayong hindi nagkikita.” mahinang sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit.

Dahil palagi niya itong nakikita at nakakasama, pakiramdam ni Alexa ay may mali rito ng mga oras na iyon.

Ngumiti siya rito at pagkatapos ay niyakap rin ito ng mahigpit. Pagkatapos ay bumitaw rin siya kaagad at tumitig sa mga mata nito. “Lola anong mahalagang bagay ang gusto mong sabihin sa amin kaya pinapunta niyo kami rito?” kaagad niyang tanong at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.

Sa halip naman na sumagot ay hinawakan nito ang kamay niya. “Halika, kumain ka muna at pagkatapos ay tyaka ko sasabihin sayo.” sabi nito at hinila na nga siya sa kusina.

Ang pagkaing nakahanda sa mesa ay pawang mga masasarap. Sabay-sabay silang naupo sa harapan ng hapag. Nag-umpisa itong sumandok ng pagkain at pagkatapos ay nagsalita. “Tatlong taon na ang nakalipas noong pumili ako ng magiging asawa ni Noah. napakaraming babae ang aking pinagpilian sa totoo lang at sa unang tingin ko pa lang sayo noon ay talaga namang alam kong tama ako na ikaw ang pinili ko. Nitong mga nakaraang taon ang lagay ng kompanya ay mas naging mahusay dahil nasa tabi ka lagi ni Noah.” mahabang sabi nito at pagkatapos nitong magsalita ay bigla na lamang itong napaupo at napatakip sa bibig.

Nagmamadali naman siyang pumunta sa likod nito at hinagod ang likod nito at pagkatapos lamang umubo ang matandang babae ay hinawakan nito ang kamay niya. “Kung hindi dahil sayo na nagtiyaga kay Noah noong mga panahong hindi siya makalakad at hindi niya kayang asikasuhin ang sarili niya ay baka namatay na siya, lalo pa at ilang katulong din ang umayaw sa kaniya dahil sa ugali niya.” dagdag nito at pagkatapos sabihin iyon ay bigla na lang tumulo ang luha nito kaya dali-dali niya itong pinunasan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status