Share

Chapter 3

Nang marinig ito ng kanyang ina ay agad na umahon ang galit sa dibdib nito. “Tatlong taon na ang nakalipas noong naaksidente si Noah at sinabi ng doktor na hinding-hindi na siya makakalakad pa at buong buhay na lang siyang mananatili sa wheelchair at sa ibat-ibang bansa pa siya nagpagamot at iniwan siya ng babaeng iyon at tumakas sa responsibilidad nitong alagaan siya!”

“Inalagaan mo siya araw at gabi na parang isang katulong at ngayon ay nakakalakad na siya, nakakatalon at nakakatakbo na pagkatapos ay babalik ang babaeng iyon? At ang Noah na iyon? Napakawalang hiya niya naman na pagkatapos ng lahat ng pagsasakripisiyo mo sa kaniya ay nagawa ka pa rin niyang iwanan!” galit na galit na sabi ng kanyang ina na may kasama pang panggigigil.

Napabuntung-hininga na lamang siya at pagkatapos ay yumuko upang kuhanin ang tseke na ibinigay sa kaniya ni Noah kanina at pagkatapos ay inilagay niya sa kamay nito iyon. “Bilang kapalit ng pag-aalaga ko sa kaniya sa nakalipas na tatlong taon ay ito ang kayaran.” sabi niya rito pagkatapos ay nilampasan ito at umupo siya sa sofa. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya.

Bigla namang tinitigan ng kanyang ina ang tsekeng hawak-hawak nito ng mga oras na iyon. Partikular sa napahabang linya ng mga zero sa dulo nito at biglang nanlaki ang mga mata marahil sa gulat dahil sa halagang nakasulat sa tseke.

Bahagyang lumambot ang ekspresyon nito at nilingon siya. “Hindi naman ito tungkol sa pera lang Alex. DAhil lang ba sa pera ang lahat kaya mo ginawa iyon? Kaya pumayag ka na makipaghiwalay sa kaniya?” malungkot na tanong nito sa kaniya.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pagkatapos ay sumandal sa sofa. “Ilang mag-asawa na rin ang mga naghiwalay ay ang lalaki ay hindi nagbibigay ng pera sa asawa nila kahit na isang sentimo man lang at ang iba naman ay idine-despatya ang kanilang mga asawa para lang hindi mahati ang mga ari-arian nila kaya kung tutuusin ay okay na lang din ang ginawa ni Noah.” sagot niya rito.

“Pero kaya mo ba talagang tanggapin ito? Ganun na lang ba iyon lahat sayo?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.

“E anong gagawin ko kung hindi ko tatanggapin? Iiyak? Maglulupasay at magmamakaawa sa harap niya? O kaya ay magbigti ako? Hindi ko gagawin ang mga walang kwentang bagay na mga iyon. Wala sa akin ang puso niya at walang silbi kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa kaniya, ganun lang kasimple. Inaantok ako at gusto ko na munang magpahinga.” sabi niya at pagkatapos ay tumayo na.

“Sige.” sagot na lamang ng kanyang ina sa kaniya at sinundan siya ng tingin pagkatapos ay napabuntung-hininga.

HALOS dalawang araw na nagkulong si Alexa sa kanyang silid at hindi lumabas doon. Palagi naman siyang kinakamusta ng kanyang ina at pilit na pinapakain ngunit wala talaga siyang ganang kumain. Ang gusto niya lamang ay matulog ng matulog para makapagpahinga siya dahil pakiwari niya ay pagod na pagod siya.

Sa katunayan nga ay hindi naman siya nakakatulog talaga dahil paidlip-idlip lang siya at pagkatapos ay nakatitig lamang siya sa kawalan. Sa ikatlong araw ng kanyang pagmumukmok ay bumangon siya pagkatapos ay naligo na muna upang gumanda ang pakiramdam niya at pagkatapos ay kaagad niyang tinawagan si Noah.

“Handa na ba lahat ng kailangan para sa divorce? Kailangan mo ito papipirmahan sa akin?” tanong niya rito.

Hindi naman ito kaagad nakasagot sa kanyang dahil ganun kaagad ang bungad niya. “Nasa business trip pa kasi ako ngayon. Tyaka na lang natin yan pag-usapan kapag nakabalik na ako.” sabi nito sa kaniya.

“Sige. sabihan mo na lang ako kapag pupunta ka na rito.” sabi niya kaagad at akmang papatayin na sana ang tawag nang bigla na lamang itong muling nagsalita.

“Nasaan ka? Bakit parang napakaingay?” tanong nito sa kanya.

“Nandito ako sa antique shop. Tinawag nila akong pumunta rito at para tumulong na muna.” sagot niya rito.

“Huwag kang masyadong magpagod. Magsabi ka lang sa akin kung kailangan mo ng pera.” mahina at malumanay na sabi sa kanya nito.

Hindi naman siya gahaman sa pera kaya hinding-hindi niya iyon gagawin. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kirot sa kanyang puso dahil sa sinabi nito at pagkatapos ay mahinang sumagot. “Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala, salamat na lang.” sabi niya rito at pagkatapos ay pinatay na ang tawag.

Pagkatapos nito ay kaagad na siyang umakyat sa pangalawang palapag ng shop upang kanyang makilala ang owner mismo ng tindahan. Sa taas ay kaagad niyang nakita na nakaupo sa harap ng isang mesa ang isang matanda na medyo mataba, nakasuot ng salamin at mahaba ang balbas.

Nang makita siya nito ay kaagad na napataas ang kilay nito. “Ah, master ito na po ang bagong hired na magiging restorer nating rito sa shop. Siya si Alexa at Alexa, siya naman si Master Leon.” pagpapakilala nito sa may-ari ng shop.

At bilang paggalang ay kaagad siyang lumapit rito at pagkatapos ay ngumiti at inihanda ang kanyang kamay upang makipagkamay.

Samantala ay hindi naman makapaniwala ang may-ari habang sinusuyod siya ng tingin. Isang dalagang balingkinitan ang katawan at may makinis na balat. Sigurado ba ito sa pinasok nitong trabaho? Restorer ang hinahanap nila at hindi basta tao lamang kaya laking pagtataka niya at hindi siya sigurado sa dalaga.

Iniwan na sila ni Berto at dalawa na lamang sila ng dalaga doon at hindi na siya nakapagpigil pa na magtanong rito. “Hija napakabata mo pa. Ilang taon ka na ba sa industriya?” tanong niya rito.

Bahagya naman itong ngumiti sa kaniya at pagkatapos ay sumagot. “Halos sampung taon na po.” sagot naman nito sa kaniya.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig, parang napakaimposible naman yata ng sinasabi nito. “Kung ganun ay ilang taon ka na ngayon?”

“Dalawampu't lima po.” magalang na sagot nito sa kaniya.

Naisip ni Leon ay mukhang masyadong nagmamalaki ito sa kaniya dahil napaka-imposibleng mangyari ito ngunit, naisip niya na tatanggapin na lamang niya ito dahil gusto niyang matuto ito sa kahangalan nito. Ang kanyang negosyo ay seryosong nangangailangan ng may tunay na kasanayan at hindi isang taong mayabang lamang.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umakyat ang isa niyang tauhan upang sunduin siya dahil mayroon daw silang customer sa baba. Nauna siyang bumaba at nakasunod ito sa kaniya. Pagbaba nila ay agad nilang nakita ang isang lalaki na sa tantiya niya ay nasa early thirties na ito na may hawak na painting sa kamay nito.

At pagkatapos ay kaagad na sinipat ni Leon ang hawak nitong painting ng malapitan. Nakita niya na hindi na ito matatawag pang painting dahil ito ay nangingitim, sira-sira at punong-puno na ng bukbok. Habang tinitingnan niya ito ay napailing na lamang siya. Tanging ang mga magagaling lamang na restorer sa bansa ang magkakaroon ng kumpiyansa na gawin ang painting na iyon dahil sa mga pinsala nito.

Napatingin siya bigla sa dalaga at pagkatapos ay nagsalita. “Hija kaya mo bang gawin ang painting?” tanong niya rito.

Agad namang lumapit si Alexa at pagkatapos ay tiningnan niya itong mabuti at pagkatapos ay sinabi sa lalaki. “Pwede pa itong ayusin.”

Nang marinig naman ito ng lalaki ay kaagad na nagliwanag ang mukha nito. “Talaga? Sino ang mag-aayos nito at gaano katagal bago matapos?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.

“Ako at tatapusin ko ito sa loob ng tatlong araw.” kumpiyansang sagot nito.

“Ikaw?” tiningnan siya ng lalaking magpapagawa ng may pagdududa. “Ito ay isang antigong painting at nagkakahalaga ng milyon-milyong piso.” sabi nito sa kaniya.

Maging ang matanda ay tumingin sa kaniya na halos hindi makapaniwala. Tatlong araw? Mukhang nababaliw na yata ito. Wala siyang nagawa kundi ang mapahawak sa kanyang balbas. “Hija alam kong malakas ang loob mo pero kapag nagkataon na hindi mo natapos iyan sa loob ng araw ay tiyak na masisira ang reputasyon ng aking shop.” sabi niya rito.

Kahit siguro pumunta doon ang isang pinakamagaling na restorer ay napakaimposible nitong matapos iyon sa loob lamang ng tatlong araw sa dami ng sira nito. Baka nga abutin pa ito ng ilang buwan o taon para matapos lamang iyon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status