HABANG ABALANG NAGLALARO ang mga bata na kasama ni Geoff sa sala ay papuslit na tinungo ni Alyson ang kanyang lumang silid na inuukopa noon sa bahay na ‘yun. Gusto niyang makita kung may nagbago ba roon o pinanatili ni Geoff kung ano ang itsura nito noong panahong iniwan niya. Bagamat inaasahan na n
SA TINURANG IYON ni Alyson ay tinawid na ni Geoff ang kanilang pagitan at mahigpit na niyang niyakap ang dating asawa na malakas ng umirit dahil sobrang nakikiliti na siya sa mga halik na ginagawad ni Geoff sa kanyang nananahimik na leeg. Pinatayo nito ang halos lahat ng kanyang mga balahibo sa kata
NABABALOT NG PAG-ALALA na tahimik na pinanood lang si Loraine ng kanyang mga maid na hindi alam kung sasawayin ba ang amo o hindi at hahayaan na lang ito sa kung anong gusto niyang gawin. Puno ng pag-aalinlangan ang mga ito na panay ang palitan ng makahulugang mga tingin sa bawat isa. Awang-awa na s
GUMEWANG-GEWANG NA ANG katawan ni Loraine nang tumayo ito sabay tungga sa natitirang laman ng alak sa bote niyang mahigpit na hawak. Isang tulak lang sa babae ng mahina ay paniguradong hahandusay ang katawan nito sa malamig na sahig dahil sa epekto ng kanyang nainom sa wala pang lamang pagkaing sik
NAPIPIKA NA ANG mga maid na pilit na umaalalay kay Loraine nang pilit niyang ilang beses pang hawiin ang kamay ng mga ito. Iritang-irita na siya. Ilang beses niyang ginulo ang buhok. Hindi na tuloy mahitsurahan ang mukha niya ngayon. Smudge na ang ibang make up niya nang dahil sa ginawa niyang pag-i
"Misis, narinig niyo po ba ang sinabi ko?" untag ng doctor sa kanina pa tulala at wala sa sariling si Alyson. "Kailangan po natin dito ang pirma ng asawa mo upang mai-set na kung kailan natin isasagawa ang pagra-raspa."Kanina pa tumatakbo sa isipan ni Alyson ang katagang hindi na raw kayang isalba
HINDI makapaniwalang namilog ang mata ni Geoff sa narinig. Bahagya na itinagilid niya ang ulo dahil baka mali ang pagkakaintindi niya sa narinig. Hindi niya inaasahang papayag na si Alyson. Noon, tuwing binabanggit niya ang tungkol sa annulment ay nagmamakaawa itong huwag iyong ituloy, kulang na lan
Kinailangan pang ilang beses na lumunok ng laway si Alyson para tanggalin ang nakabarang bikig sa kanyang lalamunan. "Huwag ka ngang mag-alala, Geoff, hinding-hindi ko dudungisan ang apelyido mo. Kung mamamatay man ako, hindi na kita idadamay. Lalayo na rin ako sa'yo after ng annulment." Pinagtaas