Share

kabanata:4

Kung saan-saan na lumapit si Sabrina para lang madagdagan ang kanilang pera na ipangbabayad sana kay Don Arthuro subalit hindi umabot kahit sampung Milyon ang kanilang pera kaya nawalan na sila ng pag-asa pang makabayad ng utang.

“Mama, baka may paraan pa at baka pwede pang mapakiusapan pa natin si Don Arthuro. Kakausapin ko s'ya ngayon Mama. Kahit ibenta pa natin lahat ng natira sa atin Mama wala talaga Mama hindi na aabot kahit sampung Million."

“Kulang pa kahit ibenta pa natin ang bahay na ito anak kulang pang ipangbayad sa utang ng Ama mo. Sa tingin ko sila na yang paparating."

Tumakbo na naman ang kanilang katulong papunta sa kanila para ibalita na nasa baba na ang anak ni Don Arthuro na si Samuel para singilin ang utang ni Don Rafael.

“Paumanhin magandang binibini, alam mo naman kung ano ang ipinunta ko dito diba?"

“Alam ko pero may papakiusap sana ako sa papa mo nasaan ba s'ya?"

“Ako ang inutusan nyang pumunta dito magandang binibini."

“Sabrina, nalang ang itawag mo sa akin. Sampung milyon lang ang pera namin dito, ito lang ang kaya namin ibigay."

“Alam mong hindi 'yan tatanggapin ng Papa perp may kondisyon s'ya baka magbago pa ang isip mo. Tsaka binigay ni Samuel ang kontrata." At agad naman itong binasa ni Sabrina.

“Ano, kung hindi makakabayad ang ama ko ako kapalit? nahihibabang naba 'yang ama mo!"

“Magandang binibini napag-utosan lang ako, pero sige susubukan kung makiusap kay Papa kung papayag s'ya na sampung milyon muna ang pwede mong maibigay sa kanya. Pag ako ang nakita mong bumalik dito nangangahulugang okay lang na bayaran mo s'ya ng paunang sampung milyon, pero kung— si Papa ang pumunta dito alam niyo na ang sagot sige aalis na ako magandang binibini."Tsaka sila umalis kasama ang tauhan ng mga agman.

“Maraming salamat naman anak ,at napakiusapan pa natin ang anak ni Arthuro. Pero hindi pa sigurado baka bumalik sila agad mamaya."

“Ano pala ang nakalagay sa kasunduan ,at bakit galit na galit ka kanina," nagtatakang tanong ng kanyang Mama.

“Sabi sa kasunduan na ako ang kapalit kapag hindi nakabayad si Papa, dalawang taon ako maninirahan sa kanila, at sa loob ng dalawang taon na hindi pa makabayad ang Papa peperma ang Papa, ag ako sa huling kontrata na ikakasal ako kay Don Arthuro."

“Ano?! anong akala niya sayo."

“Pero pag hindi naman tayo nakabayad ng buo papalayasin na tayo ng mga Agman dito kahit sentimo wala tayong madadala saan tayo titira. Sinabi naman niya sa kasulatan walang mangyayari sa akin kung papayag ako na doon muna pansamantala sa kanila. Ano kaya kung pumayag nalang ako Mama."

“Anak baka may paraan pa," naiiyak na sabi ng kanyang ina sabay yakap sa anak.

“Mama, wag na po kayong umiyak."

“Dahil sa amin anak kaya nalagay ka sa ganitong sitwasyon," mas napahagulhol pa sa iyak si Donya Leticia..

“Wag mong sisihin ang sarili mo Mama, si Papa lang ang may kasalanan nitong lahat sya lang."

“Anong ako lang ang dapat sisihin dito?" galit na sabi ni Don Rafael.

“Bakit, kung tinigil mo ang pagsusugal sana ngayon hindi tayo nagkakaganito."

Gusto sanang saktan ni Don Rafael si Sabrina pero pinigilan na agad ito ni Donya Leticia tinutokan niya ito ng kutsilyo.

“Sige! saktan mo ang anak mo hindi akong magkakamaling gamitin ito sayo. Sige!"

Kaya umalis si Don Rafael.

“O diosko! ano ba ang nangyayari sa pamilya ko bakit kami nagkakaganito. Panginoon tulungan niyo po kami."

Biglang bumalik ang mga Agman gaya nga ng sinabi niya sumama na si Don Arthuro sa pangalawa nilang pagbalik.

“Rafael harapin mo ako hindi ba kayo magbabayad? sige mag impake na kayo at umalis na kayo dito."

Lumuhod si Don Rafael para magpakiusap pero tinutokan sya ng baril ng isang tauhan ni Don Arthuro.

“Sandali," biglang sabi ni Sabrina.

“O ano magandang binibini?" maangas tanong ni Don Arthuro.

“Papayag na ako."

“Magaling sige permahan mo na ang kontrata na 'yan ibigay mo Samuel."

Pumerma si Sabrina pati ang kanyan ama na si Don Rafael.

“Anak, ba't ka pumayag?" naiiyak na tanong ni Donya Leticia.

“Sige lang Mama, para to sayo Mama hindi ako papayag na may mangyari sayo. Papa ingatan mo ang mama pag may nangyari kay Mama ako mismo ang makakalaban mo."

“Sige anak, sige dalhin niyo na ang anak ko Arthuro."

Walang konsensyang pinayagan ni Don Rafael na dalhin nila Don Arthuro ang anak n'yang si Sabrina.

“Walang hiya ka Rafael paano mo 'to nagagawa sa sarili nating anak!"

"Tumigil kana Leticia ayaw mo ba nun, wala na tayong utang."

“Wala king silbi!" galit na sabi ni Donya Leticia.

“Sandali lang kukuha lang ako ng mga damit ko."

Umakyat ito sa itaas sa kayang kwarto para kunin ang kanyang mga dadalhin. Sinundan naman agad ito ni Donya Leticia.

"Anak, ba't ka pumayag?"

Habang nag iimpake ng gamit si Sabrina ay pinagalitan ito ni Donya Leticia sa biglaang pagdesisyon nito.

“Sige lang Mama ma plano ako hayaan niyo na ingatan mo ang sarili mo dito hahanap ako ng oras na mabisita kita dito." Tsaka binitbit ang malita pababa.

Anak! pagpipigil ng ina nito.

“Mama, sige na."

Wala ng magawa si Donya Leticia at tuluyan na ngang dinala ng mga Agman ang kanyang anak na si Sabrina.

"Nakita mo na ang ginawa mo Rafael hindi kaba naawa sa anak mo!"

“Mas maganda ang buhay n'ya doon kaysa dito mag-isip ka bilyonaryo si Arthuro."

“Hindi kana talaga naawa sa anak natin."

Nang dumating na si Sabrina sa mansyon ni Don Arthuro napamangha sya sa subrang ganda,at subrang laki ng masyon nito.

“Nakikita mo 'yan kung papayag kang makasal sa akin magiging sayo 'yan lahat, lahat ng gusto mo."

Walang imik si Sabrina sa nararamdaman nitong galit kay Don Arthuro.

“Nandito na tayo, linisan ng mabuti ang isang kwarto, at pakihatid ang magandang babaeng ito sa kwaro niya. Pagkatapos magluto kayo,at sabay kaming kakain." Utos nito sa kanyang mga katulong.

May sampung katulong si Don Arthuro, tatlong hardenero, at tatlong helper at sampung tauhan na may dala-dalang armas. Hinatid naman s'ya ng dalawang katulong ng makaabot na sila sa itaas,at itinuro na nito ang kanyzng kwarto ay mas napamangha s'ya sa subrang ganda sa itaas at lalo na ng pumasok na ito sa kanyang kwarto napakaganda,at napakalaki ng kanyang kwarto para s'yang prinsesa kung ituring ni Don Arthuro.

“Ang ganda ng kwarto mo Ma'am kagaya po ninyo ang kwartong ito napakaganda po ninyo," sabi ng isnag katulong.

“Salamat," sagot nito sa isang katulong.

“Ma'am pagkatapos po ninyo dito bumaba po kayo para kumain."

“Sige, salamat."

Hindi makapaniwala si Sabrina sa subrang yaman ni Don Arthuro ,at wala itong anak kundo ang ampon lang nito na si Samuel. Pagkatapos ay bumaba sya para kumain napamangha na naman sya ulit ng makita niya ang dining table na kumikinang ang lamesa yari sa mamahaling materyales nagkikintaban na mga baso, at napakaraming pagkain.

“Halika umupo ka."

Habang nagsasalita si Don Arthuro ay panay naman ang titig ni Samuel sa kanya.

“Sabrina, nagsisisi kapa ba sa pagsama mo dito akala mo sasaktan kita at ituturing na para'g utosan. Hindi syempre ituturing kitang parang prinsesa dito sa bahay ko. Pero may kondisyon ako sasabihi ko mamaya kaya kumain ka muna."

Kumain nga si Sabrina dahil simula umaga hindi na s'ya kumain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status