Share

Chapter Nineteen

Humigit kumulang dalawang oras na nilang binabagtas ni Dmitri ang kahabaan ng kalsada, sa hinuha ni Rose.

Pagkatapos ng biglaang pag atake ng pangkat nila Horan sa barrio ay agad na naghanda ang lalaki sa pag-alis.

Ni hindi man lamang kinakitaan ng dalaga na ininda ni Dmitri ang mga tama at galos nito sa katawan. Nagkaron ito ng malaking sugat sa ulo dala ng mga ginawang paghampas ni Horan. Subalit ay tinalian lamang iyon ng bandana ni Dimitri upang maitago at maampat ang pagdurugo. At siya ang labis na nag-aalala para sa kalagayan ng binata.

Bitbit ang isang may kalakihang bag na itim na sa hula niya ay pawang mga armas nito ang laman ay agad na silang tumulak paalis. Dalawang bayan na ang nadaanan nila ngunit mukhang walang balak na huminto ang lalaki. Nagpatuloy ang kanilang byahe. Ang sigurado lamang siya ay hindi iyon palabas ng San Fabian.

Sa wakas ay inihimpil ni Dimitri ang motorsiklo nito sa likod ng isang may dalawang palapag na istraktura.

Isa iyong lumang bahay ng
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status