Share

3-Meet My Mate Or Meat

(Miya POV)

Maaga akong nagising para makapaghanda at maagang papasok sa school.

Absent na nga ako kahapon kaya kailangan kong pumasok ng maaga.

"Bigboy where are you?" Tawag ko sa alaga kong malaking husky. Lagi na lang itong nawawala.

Saan na naman kaya ito nagpunta?

Bumaba na ako papuntang kusina pero wala parin kahit anino nito. Baka tumae sa labas.

Lalabas na sana ako para hanapin siya nung tumunog ang tyan ko. Gutom na ako. Siguro nagutom yon kaya lumabas, magluto na muna ako ng pagkain namin bago ko siya hanapin.

Lumapit ako sa lababo at doon na rin nag toothbrush at naghilamos.

Fried fish for today, sa canteen na lang ako maglalunch.

Napatingin ako sa maliit na calendar na nakasabit at nadikit sa refrigerator.

Damn! Sabado pala ngayon. Napatakip ako sa mukha ko. Kung alam ko lang na sabado di sana ako bumangon ng ganito ka aga.

Nakakainis!

Nagluto na lang ako ng fish soup at fried fish para makakain ng marami at makahigop ng sabaw.

19 na ako at wala paring partner, dapat nga noong 18 years old ako nakahanap na ako ng partner pero wala, tao, bampira or werewolf walang nagparamdam na gustong maging mate ako.

Hmp.

Binilisan kong kumain para makalabas at hanapin si Bigboy. Di niya naman siguro ako iniwan diba?

Sa totoo lang kakaiba siya sa mga asong nakita ko. Magkaiba ang kulay ng mga mata niya, pula sa kabila at asul sa kabila. Napakakintab at napakadulas din ng white blue niya na balahibo. Di naman yata siya wofl kase mas maliit siya sa mga nakita kong wolf pero mas malaki naman siya para sa isang normal na aso, at kung wolf nga siya di sana nagpalit anyo siya bilang tao sa umaga, siguro may ibang breed siya ng aso.

Pagkalabas ko ay nagsimula ko nang ikutin ang paligid ng bahay namin. Wala paring bakas kahit isang balahibo ni Bigboy.

"Finally may nakita narin ako dalagang babae sa wakas!" Boses ng isang lalaki sa likod ko dahilan ng pakagulat ko.

"Omigosh kailangan ba talagang bigla ka lang susulpot at manggulat?" Puna ko sakanya.

Mukhang di naman ito masamang tao at nagiisa lang ito.

Di niya kakayanin ang mahika ng kwentas ko kung sakaling balakin niyang gawan ako ng masama.

"Kung pwede lang magresign ginawa ko na. Lagi na lang pahirap ang master ko. Paghanapin ba naman ako ng mate niya, di ko naman alam ang taste niya sa babae." Naiinis na sabi neto.

"May sarili din akong problema mister hinahanap ko din ang bigboy ko. Kaya wag mo kong kwentuhan kase di tayo close." Irap ko sa estranghero.

"Sa wakas mukhang nakahanap ako ng pangtapat kay master. Miss ako pala si Zekai, isa ako sa butler ng mga Vanz at ako ang naatasang humanap ng mate para sa tagapagmana ng kastilyo!" Pakilala niya sa sarili niya.

Woah? Mate ng tagapagmana ba kamo ang hanap niya? Mate ni Nicklaus Vanz ba ang hanap niya? Talaga ba?

"Pinagloloko mo ba ako? Alam ko ang tradisyon ng mga Vanz, nagpapa auditions sila para sa mga gustong maging mate. Tapos ikaw basta ka na lang pumulot ng mate ng sinasabi mong tagapagmana?!"

"Oh mukhang marami ka ngang alam tungkol sa lahi namin. Alam mo rin bang magulo ang kastilyo ngayon kaya walang audition na magaganap!"

"Sabagay, tama ka naman.  Buhay pa pala ang susunod na magiging Alpha ng Canvoran Castle?" Takang tanong ko.

"Buhay pa, kaya nga diba hinahanapan ko siya mate! Bahala ka nga sinasayang mo ang oras ko. Kung ayaw mong maging mate ng master ko hahanap na lang ako ng iba!" Sabi niya at tinalikuran ako. Napakapilosopo. Halatang badmood.

Mate ni Nicklaus Vanz? Matagal ko na siyang gustong makita. Bata palang ako kinikwento na siya ni Mama saakin. Baka papasa ako bilang mate niya.

"Hoy mister hintay, saan na ang magiging partner ko?" Habol ko kay Zekai.

"Wag ka ngang excited, di pa nga natin alam kung pipiliin ka niyang maging mate,  baka alipin o katulong ang mabagsakan mo. Kaya ayusin mo ang pagpapakilala sakanya, yong tipong magustuhan ka niya agad. You have to be feminine! May boyfriend ka ba?"

"Wala eh."

"Kaya ka siguro walang boyfriend kase parang iwan ka kumilos, di dapat ganyan ang kilos at pananalita ng babae."

"Ahhhh whatever you say, daljin mo na lang ako sa master mo at siguraduhin kong mapapaibig ko siya. Ahihihi."

"Tsss baliw, asa ka pa. Umayos ka baka di ka niya maging mate, baka gawin ka niyang meat."

"Corni mo Zekai!"

"Mukha ka namang maganda at matalino. Parang matanda ka nga lang umasta."

"Pambihira Zekai ha, pag ako talaga mapili ng master mo para maging mate papahirapan talaga kita!"

"Nah whatever! Basta ako alam ko na magugustuhan mo siya agad, baka nga matulala ka pa kapag nakita mo siya, pero ikaw iwan ko lang kung magustuhan ka niya."

"Sino bang di magkakagusto sa tagapagmana ng mga Vanz ha? Saka wag mo kong maliitin."

"Mag-isa ka lang ba sa bahay?"

"Yes, sanay akong mag-isa."

"Hmp sa bagay lang na yan kayo magkapareho. Great were here!" Sabi ni Zekai pagtigil namin sa harap ng isang malaking pinto.

Nakarating na pala kami.

Ang daldal niya kase kaya di ko napansin na malayo na pala ang narating namin.

"Pasok na dali, wag mo nang hintayin pagbuksan pa kita ng pinto." Sabi ni Zekai.

"Salbahe ka talaga, di ka siguro mahal ng nanay mo!" Inirapan ko siya at tinulak na ang malaking pinto.

Woooooah! Nasilaw pa ako sa kumikinang na malaking chandelier sa gitna ng sala.

Sa may malaking bintana na pansin ko ang isang matangkad na lalaking nakatalikod nakaharap sa labas ng bintana.

Dahan dahan itong lumingon para tingnan kami!

Nanlaki ang mga mata ko at napanganga.

Di ko mapigilang mapahanga sa lalaking nasa harapan ko.

Oh la la!

So handsome, so beautiful!

Humakbang ito papalapit saamin.

Shining blue and red eyes.

So cute bangs, so gorgeous. He looks so hot.

"Siya na ba ang nahanap mo?" Tanong neto kay Zekai.

Pilit kong tinago ang paghanga ko sakanya. Ang gwapo naman neto.

Sino ba to? Ito na ba yong sinasabi nilang si Nicklaus Vanz?

He is so damn hot and tall. My dream man!

"Hoy okay ka lang ba? Bakit parang naninigas ka na dyan?" Bulong ni Zekai saakin.

Napakaepal talaga neto.

"This is lord Nicklaus Vanz, tagapagmana ng Canvoran Castle at ang magiging Alpha sa lahat ng packs ng Blanditia Fanum Space!" Pakilala ni Zekai sa napaka-hot na lalaking kaharap ko.

Nakakapanghina ang kagwapuhan niya at nakakasilaw siyang tingnan.

"Young lord, sa inyo na po ang karapatan upang kilalanin siya."

"Hoy babae mag-ingat ka sakanya. Wala pa yang nagusgustuhan, malupit yan, pilyo at mapili, kaya goodluck sayo."  Bulong pa ni Zekai sakin.

"Naririnig kita Zekai, baka di mo alam. Paano ako magugustuhan ng magiging mate ko kung sinisiraan mo ako sakanya?" Sabi ni Klaus kay Zekai.

Dahilan ng pagtakip ng Zekai ng bibig niya.

"Hahaha buti nga sayo." Bulong ko kay Zekai.

Damn ang ganda ng boses ni Klaus. Damn, I really love his appearance and hair.

He is so fine as hell! 

Pinagpapawisan na ako ng malamig.

"Let's go to my office to discuss." Sabi ni Klaus at naglakad na papunta sa taas.

Sumunod na agad ako.

Pumasok siya sa isang silid.

"Maupo ka."

"Salamat."

"Ngayon ang araw ng training mo bilang isang mate ko. Kung sa loob ng dalawang buwan ay walang mamumuong pagtitinginan sa ating dalawa, pwede ka ng umuwi." Sabi niya.

Ahh talaga, kaya mong pakawalan ang cute na kagaya ko?

"This is our mate contract napermahan ko na yan. Take time to read it at permahan mo rin kung wala ka ng katanungan." Sabi niya abot ang mga papel at ballpen.

Di ko na binasa, pinermahan ko na agad habang nakatitig sakanya at nginitian siya.

Napangiti ito.

Tsss.

"Well then, pwede mo nang kunin ang mga gamit mo at dito muna titira kasama ko pansamantala habang inaasikaso ko pa ang pagbawi ng kastilyo ko.  Gusto ko na ang mate ko ay nakikita ko at nasa malapit lang. Plus the mating season ay malapit ng magtapos kaya we should start mating as soon as possible. Is that clear?"  He explained.

"I think so yes." Yan na lang naisagot ko. Kahit di ko naintindihan yong mating mating na sinasabi niya.

Ano ba yong mating?

"You know me right?" Tanong pa niya.

"Ofcourse, you're the famous Alpha to be of Blanditia. I heard a lot about you pero ngayon ko lang nakita ang mukha mo."

"Tell me what kind are you? Are you a human, vampire or a werewolf?" 

"Isn't it obvious. I'm a human!" Duh.

"So stubborn, ganyan ka ba makipagusap sa magiging mate mo?" Hinarap niya ako.

"We just meet so, I'm sorry."

Naglakad ito papalapit sakin at tumungo inamoy ang leeg ko.

Nanigas ako sa kinauupuan ko.

Ang bango niya sobra! Wolf ba talaga to, bakit di siya amoy aso?

"Your blood smells so good. It's my type of blood. Smells sweet and delicious." Sabi niya sa may leeg ko.

Ramdam ko pa ang mainit niyang hininga sa balat ko.

Bago pa ako makagat tumayo na agad ako.

"Siguro kailangan ko ng umuwi para ihanda ang mga gamit ko sa paglipat bago pa ako abutan ng dilim." Sabi ko paatras papalayo sakanya.

"Ipahatid kita kay Zekai. Para makapagpaalam sa magulang mo. See you tomorrow then." Sabi niya.

Nanakbo na agad ako pababa para puntahan si Zekai.

"Ma'am, kumusta ang pakikipagusap mo sa master ko." Magalang na tanong ni Zekai.

Natawa tuloy ako.

"Hoy bakit parang bigla kang bumait sakin ha? Dahil ba nakita mong type ako ng master mo? Haha wag kang matakot sakin mabait naman ako. Tara ihatid mo ko pauwi para makapaghanda na ako sa paglipat." 

Tawagan ko na lang ang kaibigan kong si Ayla para magpatulong sa pagliligpit ng mga gamit ko, magugulat talaga yon kapag nalaman niyang may magiging mate na ako.

"Sure madam. Sakay na lang kayo sakin para mapabilis tayo." 

Nagulat ako nung biglang magtransform si Zekai, naging malaking kulay kayumangging lobo ito.

Omg?

Kinakabahan pa ako.

Sumampa na ako sa likod ng lobong si Zekai at tumakbo na ito.

Napalingon pa ako sa malaking bahay at nakita si Klaus na nakatingin sakin mula sa bintana.

Ano kayang itsura niya kapag magtransform siya bilang isamh lobo? Gwapo parin kaya? Ano kaya ang kulay niya sa kanyang wolfform?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status