Share

ALPHA'S Human Mate (TagLish)
ALPHA'S Human Mate (TagLish)
Author: MaidenRose7

PREVIEW & CHARACTERS

Si Nicklaus Vanz ay kilala bilang isang pasaway at napakapilyong werewolf sa lahi nila, pero siya ang tagapagmana ng Canvoran Castle, ang kastilyo ng mga werewolves at ang susunod na Alpha ng Blanditia Fanum Space.

Si Klaus ay pinaalis ng ama niya pinapunta sa malayo upang sanayin ang sariling maging isang pinuno at mas maging malakas pa upang sa pagbalik niya ay mapamunuan niya ng maayos ang lahat ng pack sa Blanditia.

Dahil sa mga lobo na naghahangad ng kapangyarihan at trono, si Klaus ay isinumpa ng mga ito na kapag aapak pa uli siya sa Blanditia ay magiging anyong lobo ito, babalik lang ang pagiging anyong tao niya sa tuwing lalayo siya sa Canvoran Castle at Blanditia!

Hanggang sa nawala ang ama niya at nagkagulo sa Canvoran Castle kaya kailanganin niyang bumalik sa kastilyo.

Paano siya makakabalik kung siya mismo ay pinagbabawalang umapak sa sariling kastilyo?

Hanggang sa iniligtas siya ng inosente at nakakaakit na babaeng nagngangalang Miya Aragon.

Ang pamilya ni Miya mula sa mga ninuno niya ay naglingkod na sa mga Vanz mula pa noon, at si Miya na ang magmamana ng posisyon ng Ina niya sa kastilyo.

Si Miya ay hinahanap na rin ng mga gustong pumatay kay Klause dahil hawak pala ni Miya ang napakahalagang susi na magbubukas sa isang portal na kung saan nakatago lahat ng mga kapangyarihan na maaring taglayin ng isang wolf, nakapagmakamtan mo ito ikaw ay mas maging makapangyarihan pa kesa sa isang Alpha.

At yon ang habol ni Elijah Carzon ang makuha ang mga mahika at kapangyarihang magpapalakas pa lalo sakanya upang maagaw ang trono mula sa mga Vanz, para pamilya niya na ang mamalakad sa Canvoran Castle at siya na ang tatanghaling Alpha na mamumuno sa lahat ng pack sa Blanditia?

Paano protectahan ni Klause ang babaeng pinili niyang maging kapares?

Paano naman aalagaan ni Miya ang isang makulit at isinumpang lobo?

***

.Nicklaus Vanz- Sinumpang Alpha. Prince and a heir of werewolves.

King Conrad Vanz- King Of Wolves, ama ni Nicklaus.

Zekai Arctic- Nicklaus right-hand.

Miya Aragon-human mate and sitter of Nicklaus

Ayla Galicia- Miya's cute Friend

Elijah Carson- highest member of Carson's

School: Akeldama Monere Universus

Place: Blanditia Fanum Space

Harpire Palace: Palace Of Vampires, Palasyo ng mga Valliants.

Canvoran Castle: Castle Of Wolves

Blue Forest- Tinawag itong Blue Forest- dahil na rin sa kulay asul ito sa malayo, naging kulay asul ito dahil sa mga ulap na kulay asul na nakapalibot sa buong kagubatan. 

Tunghayan ang kwentong makakapagpakilabot at makakapagpainlab.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status