Share

Chapter 0006.2

“Doc, ano kasi buntis ako. Safe ba na inumin ko ang mga gamot na ibibigay mo sa akin?” napakunot ang noong tanong nito at muling tumayo. “Papalitan ko itong gamot at sa halip na inumin mo ay bibigyan na lang kita ng pangpahid.” sabi nito at muling naglakad paalis sa harap niya.

“Pasensiya na po.” tanging nasabi na lamang niya.

Pagkaalis ng doktor ay iyon naman ang eksaktong pagpasok sa loob ni Lucas. Bakas sa mukha nito ang galit kaya napalunok na lamang siya. Malamig na tumingin ito sa kaniya.

“Marunong kana palang magsinungaling ngayon Annie.” malamig na sabi nito sa kaniya.

Alam na niya kaagad kung ano ang tinutukoy nito. Ang pagsisinungaling niya tungkol sa pag- inom niya ng gamot.

Mabilis siyang nag- iwas ng tingin rito at napayiko dahil alam niya na mali talaga siya. “Pasensiya na hindi ko intensiyon na magsinungaling sayo.” sabi niya.

“O talaga?” tanong nito na may halong panunuya at hindi pinili na lamang niya na hindi sagutin ito.

“Malapit na tayong maghiwalay at pagkatapos ay magkakaniya- kaniya na tayo at babalik sa mga dati nating buhay. Sapat na ang ibinigay mo sa aking problema sa dalawang tao at huwag mo ng dagdagan pa.” malamig na sabi nito na ikinainit ng ulo niya.

“Sa tingin mo ikaw lang ba ang may problema?” balik na tanong niya rito. Hindi niya na naiwasan na hindi itaas ng bahagya ang kanyang boses.

Uminit ang kanyang ulo dahil sa sinabi nito at biglang umasim ang kanyang mukha. Dahil sa sinabi nito ay napatunayan niya na isa lang siyang pabigat at problema sa buhay nito sa nakalipas na dalawang taon.

Sasagot pa sana siya rito nang bigla na lamang dumating ang doktor dala ang gamot kaya natigil sila sa kanilang pag-aargumento. Napahinga rin siya ng malalim upang kalmahin ang kanyang sarili. Mabilis nitong inilapag ang gamot sa harap ni Annie at muling lumabas dahil may isang nurse na bigla na lamang sumilip sa opisina at ipinatatawag raw ito saglit kaya muli silang naiwan doon na dalawa.

Nakakunot ang noo nitong pinulot ang gamot sa lamesa. “Hindi ba at ang sabi kanina ng doktor ang gamot na ibibigay niya sayo ay iinumin mo pero bakit ngayon ay pamahid na ang narito?” takang tanong nito habang nakatitig pa rin sa gamot na hawak nito.

Napalunok na lang siya ulit, napaka- mausisa nito at hindi na niya alam pa kung ano ang isasagot niya sa mga tanong nito ngunit mabilis niyang pinagana nag kanyang isip ng pwede niyang maipalusot rito.

“Effective rin naman ang gamot na katulad nito.” sabi niya at mabilis na inagaw rito ang hawak nito.

“Pero napakarami ng mga butlig mo. isa pa ay mabagal ang epekto niyan. Mas mabilis kang gagaling kung ang oral na gamot ang ibinigay sayo tyaka malapit na ang birthday ni Lolo kung hindi pa rin mawawala ang mga iyan ay baka sabihin niya na hindi kita inaalagaan ng mabuti.” sabi nito.

“Ako ang magpapaliwanag kay Lolo kapag nangyari iyon isa pa ay tiyak na gagaling na ito bago pa man ang araw ng birthday niya.” pagdadahilan niya ngunit hindi siya nito pinakinggan.

“Hindi. Baka kailangan mo pang bumalik ulit kapag hindi gumaling ang mga iyan dahil rito.” pagkasabi nito ay akmang lalabas na sana ito upang hanapin siguro ang doktor upang ipabago ang gamot ngunit mabilis niyang hinawakan ang kamay nito upang pigilan. Lumingon ito sa kaniya na may halong pagtataka.

“Lucas teka lang…” napalunok siya. “Ito talaga ang hiniling ko sa doktor dahil sinabi ko sa kaniya na may gastritis ako at baka mas makasama pa sa tiyan ko ang gamot na iyon.” ngumiti siya ng bahagya. “Isa pa ay oo mabagal ang epekto nito pero atleast safe hindi ba?” sabi niya at hindi niya alam kung makukumbinsi niya ito.

Napabuntung-hininga na lamang ito at pagkatapos ay humarap na sa kaniya ng tuluyan. Mabuti na lamang at hindi na ito kumontra pa at hinayaan na lamang siya ito hanggang sa makaalis na sila sa ospital.

Sa kotse ay agad na niyang pinahiran ang kanyang mukha, braso at mga binti. Ngunit hindi niya maabot ang kanyang likod kaya medyo nahihirapan siya nalagyan ito ng gamot.

Nang makita ni Lucas na tila nahihirapan siya ay mabilis na tinanong siya nito.

“Ayaw mo bang humingi ng tulong sa akin?” narinig niyang tanong nito na ikinalingon niya rito.

Palagi na lang itong ganuon. Agad niyang ibinigay rito ang gamot at tumalikod na rito nang wala siyang mahintay na maglagay ay muli niyang nilingon ito. Bahagyang nakakunot ang noo nito at nakatitig lamang sa kaniya.

“Ganyan ba ang humingi ng tulong? Basta na lang ibibigay ang gamot tapos ano? Ganun lang?” tanong nito.

Bigla siyang napakurap dahil sa sinabi nito at pagkatapos ay napatitig rito. Napailing siya at pagkatapos ay matamis na ngumiti.

“Sweetheart, pwede bang pakilagyan ako ng gamot sa likod dahil hindi ko ito maabot? Please…” sabi niyo gamit ang kanyang malambing na tinig.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Erlly Villafrea
maganda kaya next please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status