Share

Chapter 85.2

Sa pag-iisip nito ay biglang nakaramdam ng kirot si Lucas sa kanyang puso. Bigla niya pang naalala ang mga nangyari kagabi kung saan ay hinalikan niya ito ng mapusok at sinubukang makipagniig ngunit sa una ay tinanggihan siya nito at siguro ng mga oras na iyon ay labag na labag talaga sa kalooban niya ang pagpayag sa gusto niya.

At pagkatapos ay naalala niya na noong nagsabi siya rito na maghihiwalay na sila ay hindi man lang ito tumutol at basta na lamang pumayag ng hindi man lang nagdadalawang isip. Sa huli ang dahilan kung bakit hindi sila naghiwalay ay dahil pa rin sa hiling ng kanyang lolo sa kanilang dalawa. Iyon lamang ang dahilan kung bakit nananatili pa rin silang kasal na dalawa.

Nang mga oras na iyon ay napatanong sa isip si Lucas kung hanggang sa mga oras na iyon ay iyong lalaking iyon pa rin ba ang iniisip nito at isinisigaw nito. Ang lalaking bumihag sa puso nito sa loob ng sampung taon. Nang maisip niya iyon ay para siyang isang baliw na nagselos.

Nang hindi mahintay n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status