Nang sumara ang pinto ay bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha. Sa kabila ng kalasingan niya ay mas nangibabaw sa kaniya ang sakit na nararamdaman niya. Sobrang sakit ng puso niya na tila ba may pumipiga. Pinilit niyang pumunta sa banyo para mahimasmasan siya. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa banyo at binuksan ang shower at itinapat niya ang kanyang ulo.Noong una ay malamig ang buga ng tubig hanggang sa unti-unti nang uminit ang tubig. Napapikit siya ng mariin nang tumulo sa katawan niya ang mainit na tubig. Ramdam na ramdam pa rin niya ng mga oras na iyon ang sakit ng dibdib niya. Sobrang sakit, sobra. …Nang mawala si Annie sa paningin ni Lucas ay kaagad niyang tinawagan si Kian, alam niyang napakarami nitong nainom at nag-aalala siya. Paglabas niya ay wala na ito doon kaya wala siyang ibang maisip kundi ang pumunta na lamang sa apartment nito dahil baka nakauwi na ito. Pagdating niya doon ay agad siyang bumaba ng kotse at nagmartsa patungo sa pinto ng tinutuluyan ni A
Ibinaba ni Annie ang kanyang ulo at binuksan ang kanyang mga mata, patuloy pa rin ang pag-agos ng luha mula doon kung saan ay patuloy na pinupunasan naman nito.“Huwag ka ng umiyak.” sabi niya rito.“Hindi ako umiiyak.” mabili naman na tanggi nito pero kitang-kita niya na umiiyak talaga ito lalo na at halos mamaga na ang mga mata nito dahil kanina pa ito umiiyak. Habang nakikita niya itong umiiyak ay parang pinipiga ang kanyang puso kaya iniunat niya ang kanyang kamay at yayakapin sana ito nang bigla na lamang itong umiwas sa kaniya. Kaya ang kanyang mga labi ay dumampi sa mga pisngi nito. Dahil sa pag-iwas ni Annie ay inilayo niya ng kaunti ang kaniyng bibig mula sa muha nito at hinalikan ang mga luhang naglalaglag mula sa mga mata nito.Dahil naman sa ginawa ni Lucas ay mas lalo lamang napaiyak si Annie lalo na at ang nasa isip niya ay baka nananaginip lamang siya kaya napaka-banayad nito sa kaniya samantalang kanina ay parang hindi siya nito kilala.“Lucas…” mahinang ungol ni Annie
Nang bitawan ni Lucas ang kanyang mga labi ay bigla na lamang namula ang mukha ni Annie lalo pa at nag-umpisa nang gumapang ang init sa buong katawan niya. Lalo pa at nang mga oras na iyon ay naroon pa rin ang epekto ng alak sa katawan niya. Agad na hinalikan nito ang kanyang mukha at pinupog ng halik. At masasabi niya sa sarili niya na nagugustuhan niya ang ginagawa nito. Napakasaya niya ng mga oras na iyon.“Annie… gusto kong… gusto kong… angkinin ka ngayon…” namamaos ang tinig na bulog sa kaniya ni Lucas habang pinapaliguan siya ng halik sa kanyang mukha. Sa totoo lang ay kakatapat lang nilang dalawa ng kani-kanilang nararamdaman sa isat-isa kani-kanina lang at parang napakadali naman yata ng lahat? Kailangan ba nilang madaliin?Nang hindi sumagot si Annie ay medyo naunawaan ni Lucas at mabilis na nagsalita. “Kung ayaw mo ay huwag kang mahiyang tumanggi. Patigilin mo ako at nasisiguro ko sayo na titigil ako…” bulong niya rito.“Hindi ka ba magagalit?” maingat na tanong ni Annie ri
“Tapos na akong maligo. Gusto mo bang maligo na ri—” bago pa man nito matapos ang sinasabi nito ay nakatayo na siya at nakalapit rito at walang pasabing hinalikan ito. Kung kanina ay puno ng pag-iingat ang kanyang halik, ngayon ay iba na at mas mapusok na. Para siyang uhaw na uhaw at tila ba siyang isang mabangis na leon ng mga oras na iyon.Samantala, wala namang maatrasan si Annie kaya ang ginawa niya ay tumingkayad na lamang upang salubungin ang halik nito. Hindi nagatagal ay gumalaw ang mga kamay ni Lucas at yumakap sa kaniya lalo na at wala itong narinig na pagtutol mula sa kaniya. Ilang sandali pa ay binuhat siya nito at inihiga sa kama.Napapikit ng mariin si Lucas at hirap na hirap na niyakap si Annie at mahinang bumulong. Pinilit niyang kinontrol ang kanyang sarili. Lumayo siya ng kaunti kay Annie. “Hindi sapat sa akin ang halik lang…” hirap na hirap na bulong niya rito.Mabilis naman sumagot sa kaniya si Annie. “Maraming pagkakataon sa hinaharap…” sabi nito kaya wala na lama
Habang yakap-yakap niya ito ay mabilis siyang humilig sa dibdib nito at pinakinggan ang paghinga nito at kaagad niyang naamoy ang pamilyar na amoy ng katawan ni Lucas at doon pa lang naniwala si Annie na totoo ang lahat ng nasa harapan niya at hindi lamang basta panaginip. Hindi panaginip ang lahat ng nangayri kagabi sa pagitan nilang dalawa. Dahil rito ay bigla na lamang nag-umapaw ang sayang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay bigla na lamang nagkakulay ang napaka-lungkot niyang mundo.“Saan ka nagpunta? Akala ko ay iniwan mo na ako…” sabi niya rito ng nakanguso at pagkatapos ay tumingala rito.Hindi naman maiwasan ni Lucas ang hindi mapangiti dahil sa reaksiyon nito ng wala sa oras at pagkatapos ay mabilis na kinurot ang pisngi nito ngunit sa halip na bitawan siya nito ay mas lalo pa siya nitong niyakap ng mas mahigpit pa. As if natatakot ito na baka umalis siya.“Ano ka ba syempre iniisip ko na baka kapag nagising ka ay gutom ka. Kaya bumili na ako ng makakai
“Ano aasarin mo pa ba ako?” tanong nito sa kaniya. Mabilis siyang umiling ng wala sa oras.“Hindi. Hindi na.” sabi niya rito. “Itigil mo na yan.” dagdag pa niyang sabi rito at dahil doon ay mabilis siyang binitawan na ni Lucas ng wala sa oras. Ilang sandali pa ng ay napatitig si Lucas sa kanyang mga paa kung saan ay hindi siya nakasuot ng tsinelas at nakayapak lang siya. Mabilis siyang binuhat ni Lucas at pagkatapos ay pinaupo sa sofa.“Bakit hindi ka nagsuot ng tsinelas? Alam mo namang malamig ang sahig at baka magkakaroon ka ng sipon.” sabi nito sa kaniya habang hinipo nito ang mga iyon. Napailing na lamang ito nang maramdaman nito na napalamig ng mga paa nito. Marahil ay sa pagtayo nito sa sahig ng ilang minuto.Mabilis nitong ikinulong ang kanyang mga paa sa mga palad nito at pagkatapos ay tinitigan siya. “Palagi kang magsuot ng tsinelas.” sabi niya rito. “Nasaan ang tsinelas mo? Kukunin ko.” sabi niya rito.“Nasa kwarto.” mabilis na sagot niya rito at may isang masayang ngiti na
Sa sandaling umalis si Lucas ay agad na nawala ang pagod at antok na nararamdaman ni Olivia at nagmamadaling tumakbo patungo kay Annie. Sa totoo lang ay tinapos na nilang mag-shoot sa dalawang magkasunod na araw kahit wala siyang ganong tulog dahil ang sabi niya ay may tao siyang kailangang samahan at iyon ay si Annie. Kanina nga ay halos masubsob na siya sa sobrang antok niya pero dahil sa naabutan niya ngang eksena ay nawala na ang lahat ng iyon.“Annie, anong ibig sabihin ng nakita? Magkasundo na ba kayo?” tanong niya kaagad kay Annie na wala ng paligoy-ligoy pa.Mabilis naman na napatango si Annie. “Oo.” sagot nito sa kaniya.Napabuntung-hininga siya at bahagyang napailing. “Apurang-apura pa naman ako dahil ang akala o ay baka mamatay-matay ka na rito sa sobrang lungkot pero yun pala ay may kasama ka na.” sabi niya at bahagyang kinurot ang tagiliran nito.Ilang sandali pa nga ay agad na lumapit si Annie sa kaniya at mabilis siyang niyakap nito. “Masaya ako nandito ka na.” sabi nit
Lunes ng tanghali. Ibababa na sana ni Annie ang kanyang suot na puting coat para kumain nang bigla na lamang niya narinig ang usap-usapan ng mga ka-trabaho niya. “Ang gwapo.” sabi ng isa.“Oo nga, matagal na akong hindi nakakakita ng ganyang gwapong lalaki at hindi ko alam kung sino ang pinuntahan nito rito. Kakainggit talaga.” sabi naman ng isa. Pinakinggan lamang ni Annie ito at hindi niya ito masyadong pinansin. Agad na nga siyang naghubad ng coat niya at kinuha na ang kaning maliit na wallet upang lumabas para na rin syempre kumain. Paglabas niya ay bigla na lamang siyang natulala nang makita ang pigurang nasa harapan niya. Napakurap siya ng ilang beses dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang paalam kasi nito sa kaniya ay isang linggo siyang hindi makakauwi dahil may business trip ito pero habang tumatagal na tinititigan niya ito ay nasiguro niyang hindi siya nagkakamali ang paningin niya. Nakabalik na nga ito.Kaagad siyang nagtatakbo patungo kay Lucas at ilang san