Share

Chapter 126.2

“Tapos na akong maligo. Gusto mo bang maligo na ri—” bago pa man nito matapos ang sinasabi nito ay nakatayo na siya at nakalapit rito at walang pasabing hinalikan ito. Kung kanina ay puno ng pag-iingat ang kanyang halik, ngayon ay iba na at mas mapusok na. Para siyang uhaw na uhaw at tila ba siyang isang mabangis na leon ng mga oras na iyon.

Samantala, wala namang maatrasan si Annie kaya ang ginawa niya ay tumingkayad na lamang upang salubungin ang halik nito. Hindi nagatagal ay gumalaw ang mga kamay ni Lucas at yumakap sa kaniya lalo na at wala itong narinig na pagtutol mula sa kaniya. Ilang sandali pa ay binuhat siya nito at inihiga sa kama.

Napapikit ng mariin si Lucas at hirap na hirap na niyakap si Annie at mahinang bumulong. Pinilit niyang kinontrol ang kanyang sarili. Lumayo siya ng kaunti kay Annie. “Hindi sapat sa akin ang halik lang…” hirap na hirap na bulong niya rito.

Mabilis naman sumagot sa kaniya si Annie. “Maraming pagkakataon sa hinaharap…” sabi nito kaya wala na lama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status