Sa sandaling umalis si Lucas ay agad na nawala ang pagod at antok na nararamdaman ni Olivia at nagmamadaling tumakbo patungo kay Annie. Sa totoo lang ay tinapos na nilang mag-shoot sa dalawang magkasunod na araw kahit wala siyang ganong tulog dahil ang sabi niya ay may tao siyang kailangang samahan at iyon ay si Annie. Kanina nga ay halos masubsob na siya sa sobrang antok niya pero dahil sa naabutan niya ngang eksena ay nawala na ang lahat ng iyon.“Annie, anong ibig sabihin ng nakita? Magkasundo na ba kayo?” tanong niya kaagad kay Annie na wala ng paligoy-ligoy pa.Mabilis naman na napatango si Annie. “Oo.” sagot nito sa kaniya.Napabuntung-hininga siya at bahagyang napailing. “Apurang-apura pa naman ako dahil ang akala o ay baka mamatay-matay ka na rito sa sobrang lungkot pero yun pala ay may kasama ka na.” sabi niya at bahagyang kinurot ang tagiliran nito.Ilang sandali pa nga ay agad na lumapit si Annie sa kaniya at mabilis siyang niyakap nito. “Masaya ako nandito ka na.” sabi nit
Lunes ng tanghali. Ibababa na sana ni Annie ang kanyang suot na puting coat para kumain nang bigla na lamang niya narinig ang usap-usapan ng mga ka-trabaho niya. “Ang gwapo.” sabi ng isa.“Oo nga, matagal na akong hindi nakakakita ng ganyang gwapong lalaki at hindi ko alam kung sino ang pinuntahan nito rito. Kakainggit talaga.” sabi naman ng isa. Pinakinggan lamang ni Annie ito at hindi niya ito masyadong pinansin. Agad na nga siyang naghubad ng coat niya at kinuha na ang kaning maliit na wallet upang lumabas para na rin syempre kumain. Paglabas niya ay bigla na lamang siyang natulala nang makita ang pigurang nasa harapan niya. Napakurap siya ng ilang beses dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang paalam kasi nito sa kaniya ay isang linggo siyang hindi makakauwi dahil may business trip ito pero habang tumatagal na tinititigan niya ito ay nasiguro niyang hindi siya nagkakamali ang paningin niya. Nakabalik na nga ito.Kaagad siyang nagtatakbo patungo kay Lucas at ilang san
Bigla tuloy siyang napaisip dahil sa naging tanong nito. Sa totoo lang ay simula nang umalis ito ay hindi na ito nawala sa isip niya. At sa pagkakataong iyon ay ayaw niya namang sabihin rito ang totoo na oras-oras, minu-minuto ay naiisip niya ito.“Anong ibig mong sabihin? Gusto mo bang… mag-ano?”itinaas niya ang kanyang ulo at buong tapang na tumitig sa mga mata nito at nagtanong.Ibinaba naman ni Lucas ang kanyang ulo at binigyan siya ng isang halik sa kanyang noo, pagkatapos ay hinawakan ang kanyang mukha at seryosong tiningnan siya na may isang pares ng itim na mga mata at matatag na sinabi. "Oo, gusto ko." bulong nito. "Sa lahat ng oras ay iyon ang iniisip ko ang maikulong kita sa mga bisig ko at… ang halikan sa lahat ng parte ng katawan mo." dagdag pa nito.Ang mga salitang ito ay parang simoy ng hangin na pumasok sa tenga ni Annie at habang nakikinig ay isang nakakaantig na ngiti ang sumilay sa sulok ng kanyang bibig."Na miss din kita." sagot niya rito at pagkatapos lamang n
Nang umalis si Kendra ay pareho silang natahimik ni Lucas, ngunit ilang sandali lamang ay naramdaman ni Annie na tila ba may mali lalo pa at sobrang napaka-tahimik ni Lucas ng mga oras na iyon. Akmang ibubuka pa lamang sana ni Annie ang kanyang bibig upang tawagin si Lucas nang bigla na lamang itong humakbang paalis nang wala man lang binibitawang kahit na anumang salita.Dahil rito ay agad siyang humakbang upang habulin ito. Mabilis ang mga naging hakbang nito kaya kinailangan na niyang tumakbo, lalo pa at mas mahaba ang mga biyas nito sa kaniya. “Lucas hintayin mo ako!” sigaw niya rito habang hinahabol niya ito ngunit hindi ito tumigil o ni lumingon man lang sa kaniya.“Lucas! Hintayin mo ako!” muli niyang sigaw at mas binilisan pa ang kanyang pagtakbo. Sa huli ay bumagal din naman ang paglalakad ni Lucas kaya naabutan niya rin ito sa wakas. Nang maabutan niya ito ay kaagad niyang hinawakan ang braso nito at pagkatapos ay dali-daling nagtanong. “Lucas, ano bang problema mo?” tanong
“Villafuente ba ang apelyido ng may-ari ng ospital?” tanong ni Lucas sa kaniya.Agad namang tumango si Annie at medyo nagulat. “Kilala mo ba sila?” tanong niya rito.“Hindi ko sila kilala personally.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay bahagyang napaisip. “Pero marami na akong narinig tungkol sa pamilya nila at sinasabi ko na sayo na dapat ay lumayo ka sa pamilyang iyon.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na tumango si Annie. Sa totoo lang ay kapapasok niya lang naman sa ospital na iyon at hindi pa siya nagkakaroon ng pagkakataong humawak ng kahit isa man lang na scalpel kaya malamang na hindi siya makakalapit sa mga ito kaya napaka-imposible na mapalapit siya rito.Napakunot naman ang noo ni Lucas dahil sa pagtango niya at pagkatapos ay hinawakan ang magkabilang braso nito upang ulitin sa kaniya ang sinabi niya kanina. “Annie narinig mo ba ang sinabi ko? Layuan mo ang lalaking iyon at ang pamilya niya lalo na kung wala naman silang kailangan sayo.” sabi niya kay Annie. “Tandaan mo a
Nang matapos ang shift niya ay mabilis na nagpalit si Annie ng kanyang damit at dali-daling tinungo ang elevator upang pumunta sa opisina ni Reid. agad siyang kumatok bago siya pumasok.Samantala, napa-angat ang ulo ni Reid upang tingnan kung sino ang kumatok at pumasok ng kanyang opisina at agad niyang nakita ang mukha ni Annie at bigla siyang natulala sandali at mabilis na tinapunan ito ng malamig na mga mata. “Anong kailangan mo rito?” tanong niya kaagad rito.Tumingin naman ito sa kaniya at sinalubong ang kanyang mga mata. “Hindi ko alam kung saan ang bahay mo at maging ang number mo kaya dito na lang ako sa opisina mo nagpunta.” sabi ni Annie rito. Pero sa totoo lang ay walang alam si Reid kung bakit siya nagpunta doon, ang akala nito ay gagantihan siya nito nang sinabi niya rito sa dinner party na hindi niya ito magugustuhan lalo na nang ilang beses siya nitong binunggo doon.Agad na napasandal sa kanyang upuan si Reid at napatingin muli kay Annie. “So anong masamang hangin ang
Tahimik na natulala si Reid nang maiwan siya sa kanyang opisina. Pagkatapos ng sampung minuto na dumaan habang nakatulala siya ay hindi pa rin niya matanggap ang mga sinabi nito sa kaniya. Sinabi nito sa kaniya na mali ang akala niya. Paano nangyari iyon? Parang tinapakan ang ego niya sa mga sinabi nito at hindi niya maiwasang hindi mainis. Sa huli ay siya pala ang mali at hindi ito.Ilang sandali pa nga ay muling nahulog ang kanyang mga mata sa mga perang nasa kanyang mesa at doon niya pa lang naalala na tawagan ang kanyang ina.“Oh, anak…” bungad nito sa kaniya kaagad nang sagutin nito ang kanyang tawag.“Binigyan mo ng pera si Annie?” diretsong tanong niya rito at hindi na nagpaligoy-ligoy pa.“Oo, paano mo nalaman?” sagot naman nito na hindi itinanggi ang ginawa nito.Dahil rito ay napahilot na lamang si Reid sa kanyang sentido. Sumasakit ang kanyang ulo dahil doon. “Ma, hindi porque sinabi ko sayo na manatili ka sa abahy ar gawin mo ang gusto mo ay hahantong pa sa ganito. Bakit b
Napalingon siya sa pinto ng banyo nang marinig niya ang tunog ng lagaslas ng tubig na nagmumula roon at alam niyang si Lucas ay naliligo. Tumayo si Annie mula sa kama habang hawak- hawak niya ang kumot at bahagyang namula pa ang kaniyang mukha ng maalala niya ang mga nangyari kagabi sa pagitan nila ng kaniyang asawa. Bagamat dalawang taon na silang kasal ay hindi pa rin niya maiwasan ang hindi makaramdam ng hiya tuwing nagniniig sila. Napatayo siya ng tuwid at binitawan ang kumot na hawak niya nang bigla na lamang tumigil ang tunog ng gripo sa banyo. Ilang sandali pa nga ay mabilis na lumabas mula sa banyo si Lucas na nakatapis lamang ng towel sa ibabang bahagi ng katawan nito. Hindi niya maiwasan ang hindi pamulahan ng mukha nang mapatitig sa hubad na katawan nito lalong- lalo na sa mga abs nito. Iniiwas niya ang kaniyang tingin mula rito. Nang makita siya nito na nakatayo sa tabi ng kama ay biglang napatanong ito sa kaniya. “May kailangan ka ba?” tanong nito sa kaniya habang nagp