Share

Chapter 124.2

Hindi nagtagal ay dumatiing na ang kanilang mga order at tahimik silang kumain hanggang sa matapos sila. MAy natirang pares si Annie sa kanyang mangkok dahil busog na busog na siya. Halos hindi na siya makahinga sa sobrang kabusugan niya. Nang makita ni Lucas na ibinaba na niya ang kanyang mangkok ay agad na tumingin ito sa kaniya at pagkatapos ay mabilis na nagtanong.

“Ayaw mo na?” tanong nito sa kaniya. Agad naman siyang tumango rito at pagkatapos ay mabilis na napahimas sa kanyang tiyan. Hindi ito sumagot bagkus ay dali-daling kinuha ang tira niyang pares na may kanin na rin at pagkatapos ay kinain nito iyon.

Nanlalaki ang mga mata niyang napatingin rito at bahagya pa siyang natigilan. Ginamit din nito ang mga kutsara niya at halos hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

Parang tuloy ibang Lucas ang nakikita niya ng mga oras na iyon. “Bakit mo kinain ang tira ko? Kulang pa ba ang kinain mo? Pwede pa naman tayong umorder.” sabi niya rito.

Mabilis na umiling si Lucas at pagkata
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status