Habang sakay ng kotse na minamaneho pa rin ni Kian ay tahimik na nakatanaw sa labas ng bintana si Annie. Hindi siya masaya at hindi rin siya malungkot ngunit parang walang nararamdaman ang puso niya ng mga oras na iyon. Pagkauwi niya ay nagkulong siya sa kwarto at natulog.Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi umuwi si Lucas sa bahay nila ng isang buong linggo at sa loob ng isang linggong iyon ay hindi sila ni minsan man na nag-usap sa telepono. Hindi rin ito nag-text o nag-chat sa kaniya o ni nagkita ng personal.Naging mapayapa ang mga araw at sandali na wala si Lucas sa tabi niya at naisip pa nga niya na halos nakalimutan na niya ito dahil sa tagal ng hindi nila pagkikita. Bigla tuloy niyang naisip na pwede naman pala siyang mabuhay na patulog-tulog lang at nakikinig ng musika at pakikipag-usap sa kanyang mga baby sa kanyang tiyan.Ngunit akala lang pala niya.NANG araw na iyon ay nasa opisina niya si Lucas anng bigla na lamang pumasok sa loob si Kian at may inilapag ito sa akniyang
Kaya lang nang makita ni Annie na si Kian ang nasa labas ng kanyang pino ay tila ab kinurot ang puso niya. Ang akala pa naman niya ay si Lucas na ang dumating ngunit hindi naman pala.“Ikaw pala.” sabi niya rito at pagkatapos ay napakunot ang noo.“Ah ma’am may ipinapabigay po si sir sainyo.” nakangiting sabi nito at pagkatapos ay mabilis nitong inabot sa kaniya ang isang tila inbitation yata. Nagsalubong ang mga kilay niya at napatingin kay Kian.“Ano ito?” nagtatakang tanong niya rito.“Malapit na po ang birthday ni Miss Trisha at nagplano si sir ng birthday party nito. Gusto niya po na dumalo kayo.” sabi nito sa kaniya. Kung hindi niya narinig mismo ssa bibig ni Kian ang sinabi nito ay halos ayaw niya pang paniwalaan ito.Nagplano ito ng birthday party para kay TRisha? Ganun ba siya talaga kadesperado para patunayan rito kung gaano nito kamahal si Trisha? Bigla na namang kumirot ang puso niya ng mga oras na iyon at pagkatapos ay napakuyom ang mga kamay niya. Napakagat-labi din siya
“Biglaan nga Mommy. Pati ako ay nagulat.” sabi rin naman ng kanyang kapatid ng mga oras na iyon.Agad na binuksan ni Liliane ang invitation at nakita niyang birthday party. Agad naman nitong inilapag iyon sa mesa.“Sinong miyembro ng pamilya Montenegro? Si Lucas ba?” biglang sabi ni Greg na kanina pa tahimik na kumakain lang. “Ate tingnan ko nga.” sabi niya rito kung saan ay agad din naman itong inabot nito ang sobre sa kaniya. Dali-dali niyang binuksan ito at ang tanging nakalagay sa imbitasyon ay magdaraos ng isang birthday party ang pamilya Montenegro at nakalagay lamang doon ang oras at lugar na pagdadausan ng birthday party.Kung sino ang magbi-birthday ay walang nakalagay basta ang nakalagay lang ay imbitado ang kanilang buong pamilya. Ang unang lumitaw sa kanyang isip ng mga oras na iyon ay ang mukha ni Annie.“Ano?” akala ni Liliane ay mali siya ng narinig. Bakas sa mukha nito na gulat na gulat ito dahil sa sinabi niya.Itinaas niya ang kanyang ulo at pagkatapos ay tumitig rit
Napakalamig ng mga tinig ni Lucas sa kaniya ng mga oras na iyon at hindi lang ang titig nito kundi maging ang boses nito. Tumingin sa kaniya si Trisha na may mga luha sa kanyang mga mata at umaagos sa kanyang pisngi. Hindi ito nakapagsalita ng ilang minuto at nanatiling nakatitig lamang sa mukha niya.“Sa totoo lang ay tinanong ko si Annie tungkol sa singsing at hindi sa hindi ako naniniwala sa kaniya pero, naging dahilan iyon para mag-isip siya ng hindi maganda.” sabi niya rito.“Siya ang asawa ko, dapat ko siyang binubuhusan ng pagmamahal at dapat ko siyang alagaan pero nabigo akong ibigay ang mga iyon sa kaniya. Nabigo akong magpaka-asawa sa kaniya.” dagdag niya pang sabi rito.“At ikaw TRisha ay gusto kong malaman mo na oo nangako ako sayo noong magpakasal sayo pero dahil nga sa ginawa ni lolo ay hindi ko natupad sayo iyon at walang kinalaman sa mga iyon si Annie kaya sana ay huwag mo siyang sisihin. Gusto kong makahanap ka ng taong magmamahal sayo.” sabi nito Lucas sa kaniya.Kun
Dahil birthday party nga niya iyon at inayos ni Lucas para sa kaniya. Inaasahan niya na masasaktan ito dahil sa ginawa ni Lucas at magmumukmok sa isang tabi. Hindi niya inaasahan na magkakaroon talaga ito ng lakas ng loob na pumunta doon.“Aalis ako kung gusto mo.” sabi ni Annie rito.“Hindi mo ba alam na birthday party ko ito?” tanong ni Trisha sa kaniya at pinagkrus pa ang mga kamay sa dibdib nito habang nakatingin sa kaniya.“Alam ko.” malamig na tugon niya.“Kung ganun, alam mo ba kung sino ang nag-organisa ng engrandeng birthday party na ito para sa akin?” tanong nito sa kaniya.“Ang aking asawa.” malamig na sagot niyang muli rito.Sinadya niyang sabihin iyon at kitang-kita niya kung paan nagbago ang itsura nito at bumakas ang galit sa kanyang mukha.“Yes, tama ka. Nag-ubos si Lucas ng oras at lakas niya para ayusin ito para lang sa akin. Isa pa ay napakarami niya ring business partners na inimbitahan para lang dumalo sa birthday party ko.” sabi pa nito sa kanya.Ngumiti si Annie
Nang maisip niya iyon ay biglang pumasok sa isip niya kung ano kaya ang magiging reaksiyon ni Lucas kapag nakita niyang ang eksenang iyon. Biglang umahon ang excitement sa kanyang dibdib. Natitiyak niya na hinid nito magugustuhan iyon.Biglang napakurba ang kanyang labi ng isang ngit, ngiting tagumpay.Samantala, pagkatapos naman uminom ni Annie ng maligamgam na tubig ay medyo guminhawa na ang pakiramdam ng tiyan niya. Pero sa kabila nun ay wala na sa isip niya na magtagal pa doon. Kung hindi lang dahil sa pagsakit ng tiyan niya ay baka kanina pa siya umalis.Sa kabila ng tapang na ipinakita niya sa harapan ni Trisha ay siya lamang ang nakakaalam kung paano nanlambot ang puso niya at nasaktan dahil lang sa mga sinabi nito sa kaniya. Pinilit lang niya ang sariling maging kalmado sa harapan nito para hindi siya maging katawa-taw sa harap nito.Ayaw niyang isipin nito na sobrang naapektuhan siya sa mga salitang binitawan nito sa kaniya. Humugot siya ng isang malalim na hininga. Baka kun
Nang magising si Annie ay nakaparada na ang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay. Nang mapagtanto niyang nakatulog pala siya ay napahimas na lamang siya sa kanyang ulo dahil sa matinding hiya na naramdaman niya. “Pasensiya ka na kung pinaghintay kita, sana ay ginising mo na lamang ako.” sabi niya kay Greg na hiyang-hiya pa rin hanggang sa mga oras na iyon.“Ano ka ba, okay lang iyon. Nakita ko kasi na mahimbing ang tulog mo kaya napagpasyahan ko na huwag ka na lang gisingin.” kaagad namang sagot sa kaniya nito.“Maraming salamat sa paghahatid mo sa akin.” sabi niya at pagkatapos ay muling nilingon ito nang akma na sana siyang bababa. “Nga pala, paano mo nalaman na dito ako nakatira?” tanong ni Annie rito.Sa katunayan, gusto sanang isagot ni Greg na alam na niya ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao nito na, isa siyang manugang ng pamilya Montenegro at alam niya rin siya ang asawa ng tagapagmana ng pamilya na si Lucas Montenegro ngunit sa huli ay ipinikit na lamang niya ang kanyang mga
Habang naglalakad palayo si Annie ay nakasunod lamang ng tingin sa kaniya si Greg. Ang payat nitong pigura ay natatakpan ng maliwanag na sinag ng buwan na dumadagdag lamang sa kagandahan nito. Hindi siya nagsalita o ni umimik man lang habang nakasandal pa rin siya sa kanyang sasakyan.Ang kanyang payat na pigura ay nagmistulang isang puno ng jade na nakatayo sa gitna ng maliwanag na buwan. Maliban sa pagkamatay ng kanyang ama ay wala siyang pinanghinayangan ngunit sa mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng matinding panghihinayang.Labis siya nanghihinayang na hindi niya ito nakilala ng mas maaga. Kung sana lang ay nagkakilala lang sila ng mas maaga e di sana ay hindi ito nasasaktan ng katulad ng nakikita niya sa mga mata nito. Hindi man nito sabihin na nasasaktan siya ay kitang-kita niya ang lungkot sa mga mata nito kahit na nakangiti ang mga labi nito.Samantala, bandang alas-diyes ng gabi ay natapos na ang birthday party ni TRisha. Sadyang napaka-engrande ng kanyang birthday part