Share

Chapter 89.2

Nang magising si Annie ay nakaparada na ang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay. Nang mapagtanto niyang nakatulog pala siya ay napahimas na lamang siya sa kanyang ulo dahil sa matinding hiya na naramdaman niya. “Pasensiya ka na kung pinaghintay kita, sana ay ginising mo na lamang ako.” sabi niya kay Greg na hiyang-hiya pa rin hanggang sa mga oras na iyon.

“Ano ka ba, okay lang iyon. Nakita ko kasi na mahimbing ang tulog mo kaya napagpasyahan ko na huwag ka na lang gisingin.” kaagad namang sagot sa kaniya nito.

“Maraming salamat sa paghahatid mo sa akin.” sabi niya at pagkatapos ay muling nilingon ito nang akma na sana siyang bababa. “Nga pala, paano mo nalaman na dito ako nakatira?” tanong ni Annie rito.

Sa katunayan, gusto sanang isagot ni Greg na alam na niya ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao nito na, isa siyang manugang ng pamilya Montenegro at alam niya rin siya ang asawa ng tagapagmana ng pamilya na si Lucas Montenegro ngunit sa huli ay ipinikit na lamang niya ang kanyang mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status