Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay talagang naramdaman niya ang labis na pagkatalo. Bago ang kaarawan ni TRisha ay nag-isip siya ng isang libong beses o hindi nga lang yata kung dadating ba si Annie sa opisina niya para kwestyunin ang ginawang party para kay Trisha o makiusap ito sa kaniya na huwag siyang magdaos ng party para sa ibang babae at ipa-cancel nito lahat ang kanyang plano.Kaya lamang au naghintay siya sa wala. Naghintay siya hanggang sa bago magsimula nag party ngunit wala man lang siyang narinig na kahit na isang salita mula rito. Nakaya pa rin nitong pumunta doon sa handaan na iyon na tila ba wala lang sa kanyang ito kung saan ay ipinapakita nito sa kaniya kung gaano ito kawalang pakialam.“Paano mo nasabi na wala siyang pakialam? Sinabi niya ba sayo mismo?” tanong ng kanyang ina sa kaniya.“Kailangan pa ba na sabihin niya sa akin mismo kung halata naman sa mga kilos niya?” balik niyang tanong rito at pagkatapos niya lamang sabihin iyon ay tinalikuran niya ito at
Pinanatili ni Annie na nakatitig rito isa pa ay ayaw niyang magpadala sa mga sinabi nito. “Pero Lucas, pasensiya ka na pero wala na akong dahilan para maniwala pa sayo.” malamig na sagot ni Annie sa kaniya.Sa ilang kadahilanan ay bigla na lamang naalala ni Lucas ang tungkol sa suit na binili ni Annie at pagkatapso ay sumagi rin sa kanyang isipan na ang walang katulad na gwapong mukha ng Greg Marasigan na iyon. Itinaas niya ang kanyang mga kamay at hinawakan si Annie at pagkatapos ay tinitigan ng malamig. “Kung ayaw mo akong paniwalaan ay sino ang pinaniniwalaan mo na ngayon?” malamig din ang boses nitong nagtanong sa kaniya. “Ang Greg ba na iyon?” dagdag pa nitong tanong nito sa kaniya.Nang marinig ni Annie ang pagbanggit nito ng pangalan ni Greg ay bigla na lamang nagsalubong ang kanyang mga kilay.Nang makita ang reaksiyon ni Annie ay mas lalo pang nagalit si Lucas. “Naaalala mo ba ang sinabi ko sayo na huwag na huwag ka ng lalapit sa kaniya? Hindi mo ba narinig ang sinabi kong i
“Sinabi ko na sayo na simula noong pumayag ako sa hiling ni lolo ay mananatili ako sa tabi mo hanggang sa tumanda tayong dalawa at wala na sa isip ko pa nag hiwalayan ka Annie. Simula ngayon ay hindi na ako papayag pa na sabihin mo ang mga salitang iyon.” sabi ni Lucas kay Annie. Napatitig naman siya rito. “Lucas alam mo ba na bata pa ako at may mga expectation ako? Ang gusto kong pagsasama ay yung lalaki ay na-inlove sa babae kung saan ay nagmamahalan silang dalawa kaya sila nagpakasal hindi pagsasama na walang anumang emosyon kundi dahil lang sa kahilingan ng sinuman.” walang ganang sabi niya rito. “Dibale na nga…” sabi niya na lamang kahit na may mga gusto pa sana siyang sabihin. “Pagod ako at gusto kong magpahinga.” sabi niya rito at pagkatapos ay tuluyan ngang itinulak ito palayo sa kaniya. Sa pagkakataon iyon ay hindi naman na siya pinigilan ni Lucas at hinayaan na siya nito. Agad na nakatayo si Annie at pagkatapos ay pumunta sa cabinet upang kumuha ng kumot at lalabas na sana
Kung tapos na ang kani-kanilang mga gawain ay pwede na rin namang umalis ang mga ito. Pero nang araw na iyon ay naiwan sa kanilang bahay ang pinaka-matanda nilang kasambahay. Nang umupo nga siya sa mesa at nag-umpisang magsandok ng kanyang makakain ay doon naman ito naglapag ng isa pang ulam na kaluluto lamang nito ng mga oras na iyon.“Hija, kailangan mong kumain ng kumain. Tingnan mo ang katawan mo ang laki na ng ibinagsak. Payat ka na dati pero mukhang pumayat ka pa lalo.” sabi nito sa kaniya. Hindi na lamang siyang sumagot rito at bahagya na lamang itong nginitian.“Ibinilin kasi sa akin ni sir na dapat ay marami dawa ng kainin mo tuwing kakain ka at isa pa ay dapat palagi daw may sabaw ang ilulutong pagkain mo para kahit papano ay makabawi-bawi ka man lang.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Nilingon niya ito. “Talaga bang ibinilin po ako ni Lucas sa inyo?” tanong niya rito.Paulit-ulit namang tumango ang matanda sa kaniya. “Oo, sabi nga niya ay dadagdagan niya raw ang sahod ko ba
Ilang segundo pa na nakalagay sa tenga ni Lucas ang kanyang cellphone at pinapakinggan ang tunog ng pagpatay ng tawag at pagkatapos ay napabuntung-hininga siya bago niya ibinaba ang kanyang cellphone sa kanyang mesa. Pagkababa niya ng kanyang cellphone niya sa mesa ay kaagad iyong tumunog kaya pinulot niya ito at nang tingnan niya kung ano iyon ay isang paalala tungkol sa panahon ng araw na iyon.Sa mga oras na iyon ay doon din naman pumasok sa loob ng kanyang opisina si Kian. “Sir mukhang uulan ng malakas ngayon. Gusto niyo bang ayusin natin ulit ngayon ang schedule ninyo?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumango si Lucas. “Kailangan mo talagang baguhin.” sabi niya rito. “Tyaka, ikuha mo ako ng malaking payong.” bilin niya rito.Iniisip niya kasi na susundan niya si Annie sa sementaryo. Bagama’t kaya niyang magmaneho ng sasakyan sa labas ng sementeryo ngunit sigurado siya na hindi ito makakapasok sa loob. Bukod pa doon ay may kalayuan pa ang mismong nitso ng ina ni Annie sa mism
Sa mga oras na iyon ay bigla na namang dumating ang napakalakas na kulog at kasunod nito ay ang pag-uumpisa ng pagbagsak ng ulan. Sa una ay maliit pa ang patak nito ngunit hindi nagtagal, wala pang dalawang minuto ay naging malalaki na ang mga patak ng ulan. Ilang sandali pa nga ay tuluyan nang bumuhos ang napakalakas na ulan at halos ang paligid nila ay nabalot ng ulap at halos wala na ring masyadong makita.Pareho silang tumakbo ni Greg. ngunti dahil sa kanyang pag-aalala sa kanyang mga baby ay bigla na lamang siyang bumagal sa pagtakbo sa takot na baka madulas siya at nang mapansin ito ni Greg ay bigla siya nitong nilingon.“Huwag kang matakot.” sabi nito sa kaniya at ilang sandali pa nga ay tuluyan na niyang naramdaman ang mainit na palad na humawak sa kanyang mga kamay. “Hindi kita hahayaang mapahamak.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Ang maalalahaning boses ni Greg ay mahinang umalingawngaw sa ulan. Nang marinig niya ang sinabi nito ay nabawasan ng kaunti ang takot niya. Sa kab
Matapos niyang marinig ang sagot nito ay napakagat na lamang si Annie sa kanyang mga labi at pagkatapos ay unti-unti nang umakyat sa likod ni Greg. matapos naman siyang sumakay sa likod nito ay inagaw nito sa kanyang ang sandals na hawak niya.“Ako na ang hahawak ng sandals ko.” sabi niya rito at agad na inagaw mula rito ang sandals na hindi naman na nito inilayo pa sa kaniya at ipinaubaya na lamang sa kaniya ang sandals. Ilang sandali pa nga ay nag-umpisa nang maglakad si Greg habang nasa likod siya nito. Ang buong paligid ay halos wala na silang halos makita at mas lalo pang lumakas ang ulan.Sa mga oras na iyon ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Greg. naisip tuloy ni Annie na baka ang pamilya na ito ni Greg at nag-aalala na ang mga ito rito. “Greg, please ibaba mo na ako at ako na lang ang maglalakad mag-isa.” kaagad na sabi niya rito.Sa totoo lang ay wala ni isa man ang trumtato sa kaniya ng ganito na may sobrang pag-aaalala at pag-aalaga. Sa mga sandaling iyon kahit na
Siniguro niya muna na bago siya muling humarap rito ay handa na siya talaga at nakatago na ang lahat ng kanyang dapat na itago. Sa mga oras na iyon ay muli na namang tumunog ang cellphone ni Greg.AGAD naman na dinukot ni Greg ang kanyang cellphone at pagkatapos ay doon niya nakita na ang kanyang ate pala ang tumatawag. “Sobrang lakas ng ulan. Saan ka nagpunta?” dire-diretsong tanong nito sa kaniya pagkasagot na pagkasagot pa lamang niya ng tawag.“Ayos lang ako, huwag niyo akong alalahanin. Nandito ako sa pavillion ngayon at pwede niyo naman akong daanan na lang rito.” sagot niya kaagad rito.Narinig naman niya na napabuntung-hininga ito sa kabilang linya. “Sige, hintayin mo na lang kami diyang at dadaanan ka na lang namin diyan.” sabi nito sa kaniya.Ngunit nang marinig ni Greg na isasama ng kanyang ate na dumaan doon ang kanyang ina ay mabilis siyang nagsalita. “Ate may kasama pa kasi akong kaibigan ko ngayon. Pwede bang ihatid mo na lang muna si Mommy pauwi at ipasundo mo na lang