“Sinabi ko na sayo na simula noong pumayag ako sa hiling ni lolo ay mananatili ako sa tabi mo hanggang sa tumanda tayong dalawa at wala na sa isip ko pa nag hiwalayan ka Annie. Simula ngayon ay hindi na ako papayag pa na sabihin mo ang mga salitang iyon.” sabi ni Lucas kay Annie. Napatitig naman siya rito. “Lucas alam mo ba na bata pa ako at may mga expectation ako? Ang gusto kong pagsasama ay yung lalaki ay na-inlove sa babae kung saan ay nagmamahalan silang dalawa kaya sila nagpakasal hindi pagsasama na walang anumang emosyon kundi dahil lang sa kahilingan ng sinuman.” walang ganang sabi niya rito. “Dibale na nga…” sabi niya na lamang kahit na may mga gusto pa sana siyang sabihin. “Pagod ako at gusto kong magpahinga.” sabi niya rito at pagkatapos ay tuluyan ngang itinulak ito palayo sa kaniya. Sa pagkakataon iyon ay hindi naman na siya pinigilan ni Lucas at hinayaan na siya nito. Agad na nakatayo si Annie at pagkatapos ay pumunta sa cabinet upang kumuha ng kumot at lalabas na sana
Kung tapos na ang kani-kanilang mga gawain ay pwede na rin namang umalis ang mga ito. Pero nang araw na iyon ay naiwan sa kanilang bahay ang pinaka-matanda nilang kasambahay. Nang umupo nga siya sa mesa at nag-umpisang magsandok ng kanyang makakain ay doon naman ito naglapag ng isa pang ulam na kaluluto lamang nito ng mga oras na iyon.“Hija, kailangan mong kumain ng kumain. Tingnan mo ang katawan mo ang laki na ng ibinagsak. Payat ka na dati pero mukhang pumayat ka pa lalo.” sabi nito sa kaniya. Hindi na lamang siyang sumagot rito at bahagya na lamang itong nginitian.“Ibinilin kasi sa akin ni sir na dapat ay marami dawa ng kainin mo tuwing kakain ka at isa pa ay dapat palagi daw may sabaw ang ilulutong pagkain mo para kahit papano ay makabawi-bawi ka man lang.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Nilingon niya ito. “Talaga bang ibinilin po ako ni Lucas sa inyo?” tanong niya rito.Paulit-ulit namang tumango ang matanda sa kaniya. “Oo, sabi nga niya ay dadagdagan niya raw ang sahod ko ba
Ilang segundo pa na nakalagay sa tenga ni Lucas ang kanyang cellphone at pinapakinggan ang tunog ng pagpatay ng tawag at pagkatapos ay napabuntung-hininga siya bago niya ibinaba ang kanyang cellphone sa kanyang mesa. Pagkababa niya ng kanyang cellphone niya sa mesa ay kaagad iyong tumunog kaya pinulot niya ito at nang tingnan niya kung ano iyon ay isang paalala tungkol sa panahon ng araw na iyon.Sa mga oras na iyon ay doon din naman pumasok sa loob ng kanyang opisina si Kian. “Sir mukhang uulan ng malakas ngayon. Gusto niyo bang ayusin natin ulit ngayon ang schedule ninyo?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumango si Lucas. “Kailangan mo talagang baguhin.” sabi niya rito. “Tyaka, ikuha mo ako ng malaking payong.” bilin niya rito.Iniisip niya kasi na susundan niya si Annie sa sementaryo. Bagama’t kaya niyang magmaneho ng sasakyan sa labas ng sementeryo ngunit sigurado siya na hindi ito makakapasok sa loob. Bukod pa doon ay may kalayuan pa ang mismong nitso ng ina ni Annie sa mism
Sa mga oras na iyon ay bigla na namang dumating ang napakalakas na kulog at kasunod nito ay ang pag-uumpisa ng pagbagsak ng ulan. Sa una ay maliit pa ang patak nito ngunit hindi nagtagal, wala pang dalawang minuto ay naging malalaki na ang mga patak ng ulan. Ilang sandali pa nga ay tuluyan nang bumuhos ang napakalakas na ulan at halos ang paligid nila ay nabalot ng ulap at halos wala na ring masyadong makita.Pareho silang tumakbo ni Greg. ngunti dahil sa kanyang pag-aalala sa kanyang mga baby ay bigla na lamang siyang bumagal sa pagtakbo sa takot na baka madulas siya at nang mapansin ito ni Greg ay bigla siya nitong nilingon.“Huwag kang matakot.” sabi nito sa kaniya at ilang sandali pa nga ay tuluyan na niyang naramdaman ang mainit na palad na humawak sa kanyang mga kamay. “Hindi kita hahayaang mapahamak.” dagdag pa nitong sabi sa kaniya.Ang maalalahaning boses ni Greg ay mahinang umalingawngaw sa ulan. Nang marinig niya ang sinabi nito ay nabawasan ng kaunti ang takot niya. Sa kab
Matapos niyang marinig ang sagot nito ay napakagat na lamang si Annie sa kanyang mga labi at pagkatapos ay unti-unti nang umakyat sa likod ni Greg. matapos naman siyang sumakay sa likod nito ay inagaw nito sa kanyang ang sandals na hawak niya.“Ako na ang hahawak ng sandals ko.” sabi niya rito at agad na inagaw mula rito ang sandals na hindi naman na nito inilayo pa sa kaniya at ipinaubaya na lamang sa kaniya ang sandals. Ilang sandali pa nga ay nag-umpisa nang maglakad si Greg habang nasa likod siya nito. Ang buong paligid ay halos wala na silang halos makita at mas lalo pang lumakas ang ulan.Sa mga oras na iyon ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Greg. naisip tuloy ni Annie na baka ang pamilya na ito ni Greg at nag-aalala na ang mga ito rito. “Greg, please ibaba mo na ako at ako na lang ang maglalakad mag-isa.” kaagad na sabi niya rito.Sa totoo lang ay wala ni isa man ang trumtato sa kaniya ng ganito na may sobrang pag-aaalala at pag-aalaga. Sa mga sandaling iyon kahit na
Siniguro niya muna na bago siya muling humarap rito ay handa na siya talaga at nakatago na ang lahat ng kanyang dapat na itago. Sa mga oras na iyon ay muli na namang tumunog ang cellphone ni Greg.AGAD naman na dinukot ni Greg ang kanyang cellphone at pagkatapos ay doon niya nakita na ang kanyang ate pala ang tumatawag. “Sobrang lakas ng ulan. Saan ka nagpunta?” dire-diretsong tanong nito sa kaniya pagkasagot na pagkasagot pa lamang niya ng tawag.“Ayos lang ako, huwag niyo akong alalahanin. Nandito ako sa pavillion ngayon at pwede niyo naman akong daanan na lang rito.” sagot niya kaagad rito.Narinig naman niya na napabuntung-hininga ito sa kabilang linya. “Sige, hintayin mo na lang kami diyang at dadaanan ka na lang namin diyan.” sabi nito sa kaniya.Ngunit nang marinig ni Greg na isasama ng kanyang ate na dumaan doon ang kanyang ina ay mabilis siyang nagsalita. “Ate may kasama pa kasi akong kaibigan ko ngayon. Pwede bang ihatid mo na lang muna si Mommy pauwi at ipasundo mo na lang
Kahit na hindi sagutin ni Annie ang tanong nito ay alam na niya kaagad kung ano ang magiging sagot nito. Aminado si Annie na dahil sa sinabi nito ay lumambot na naman ang matigas niyang puso. Bigla siyang nagulahan sa mga sinasabi nito at hindi niya akalain na magiging ganito ito. Palagi na lamang itong ganito. Pagkatapos siya nitong saktan ay tyaka naman siya nito aamuhin na akala mo ay bumabawi talaga sa mga nagawa nitong kasalanan sa kaniya. "Tara na, umuwi na tayo." sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay naglakad ito palapit sa kaniya. Pagkatapos namang sabihin iyon ni Lucas ay hindi niya sinasadyang mapatingin sa suot ni Annie at doon niya nga napansin na nakasuot ito ng damit ng isang lalaki.Nang sumunod na sandali, nakita niya ang lalaking nakatayo sa kabilang sulok ng pavillion at nakatalikod sa kanya. Nang makita niya ang likod nito ay tila ba naramdaman niya na medyo pamilyar ang likod na iyon ngunit hindi niya lang masigurado kung saan niya na nga ba iyon nakita. Sa san
Samantala ay gusto namang matawa ni Lucas dahil ang kanyang asawa sa panahon ng kagipitan ay mas pinili pang paboran ang ibang lalaki kaysa sa kaniya. At talaga namang masasabi niya na pinoprotektahan pa talaga nito ito. Wala siyang ibang masabi kung napakagaling nito. Pakiramdam tuloy ni Lucas ng mga oras na iyon ay parang sasabog na ang kanyang baga sa unang pagkakataon sa kanyang buhay at masasabi niya na siya ay galit na galit talaga. Napakuyom siya ang kanyang mga kamao at pilit na pinipigilan ang sarili. Gayunpaman, hangga't iniisip niya na si Annie ay puno ng pagmamahal kay Greg ay halos mabaliw siya sa matinding selos. Sa huli ay hindi pa rin napigilan ni Lucas ang kanyang sarili at isa-isa na binaluktot niya ang kanyang mga daliri. Nang makita naman ni Annie kung ano ang ginagawa ni Lucas ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata lalo na nang makita niyang ang paghakbang nito palapit kay Greg. "Lucas, huwag!" Malakas na sigaw ni Annie at tumakbo ng hindi na nag-iisip at tuma