“Nandito si Annie sa bar ko.” sabi ni Tristan sa kaniya.“What?” halos mag isang linya ang kanyang kilay dahil sa sinabi nito. Napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan at mabilis na lumabas ng silid. “Diyan ka lang muna pwede ba hanggang sa makarating ako diyan.” sabi niya rito at pagkatapos ay pinatay na ang tawag at nagmadaling sumakay ng kanyang kotse at nagtungo doon.Nang dumating siya doon ay kaagad siyang nagtuloy-tuloy sa loob at nakita niya kaagad si Annie na natutulog sa sofa at mukhang napakahimbing ng tulog nito. Samantala si Tristan naman ay nakaupo sa katabing upuan nito at nang makita siya nito ay kaagad itong tumayo upang salubungin siya.“Pwede ba tayong mag-usap?” agad na tanong nito sa kaniya.“Sorry pero kailangan ko ng iuwi si Annie. Pwede bang sa susunod na lang?” sabi niya rito at pagkatapos ay lumapit kay Annie at kinarga ito kaagad.Medyo naalimpungatan ito ngunit hindi naman ito nagising at pagkatapos ay nakatulog ulit. Tinanguan niya lang si Tristan at nagpa
“Sige.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay tumango. Kalmado ang boses niyo kagaya ng dati.“Paano ang marriage certificate natin? At si lolo? Nasabi mo na ba?” tanong nito sa kaniya bigla.Tumango naman siya rito. “Pupunta ako sa mansiyon at sasabihin ko kay lolo mamaya at kukunin ko na rin sa kaniya ang marriage certificate. Gusto mo bang sumama doon?” tanong niya rito at pagkatapos ay nakita niyang muli itong tumango sa kaniya.“Sige sasamahan kita doon.” sabi nito sa kaniya.PAGKATAPOS nilang mag-almusal ay nagready na sila kaagad at sumakay na sa kotse para pumunta sa lumang mansiyon ng pamilya Montenegro. Pagkarating nila doon ay kaagad silang sinalubong ng mag-asawang Tita Malou at Tito Alex at tuwang-tuwa ang mga ito nang makita sila.“Hija, binanggit ka lamang ni Sir nitong nakaraang araw at ngayon ay nandito kana ulit.” nakangiting sabi nito sa kaniya. Matamis niya naman itong ngnitian at pagkatapos ay nakipagbeso-beso.“Oo nga po.” magalang na sagot niya.“Tito nasaan po
Nagmulat siya ng kanyang mga mata at pagkatapos ay ibinaba ang tasa sa mesa at pagkatapos ay sumandal sa balikat ng matanda.“Lolo may itatanong ako sa inyo kung okay lang po sa inyo. Gusto ko lang pong malaman ang totoo.” sabi niya rito at pagkatapos ay umayos ng upo at nilingon ito. Agad niyang nakita na nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa kaniya at pagkatapos ay bahagyang napangiti.“Magtanong ka lang hija sasagutin ko sa abot ng aking makakaya.” sabi nito sa kaniya kaya doon na siya nagkalakas ng loob para magtanong.“Lolo noong pinakasalan ako ni Lucas nagkusa ba talaga siya o dahil pinilit niyo lang siya?” tanong niya na hindi napigilang mapakagat-labi at mangilid ang luha hanggang sa tumulo ito sa pisngi niya.Patuloy na tumulo ang luha niya sa kanyang pisngi. “Lolo sinabi sa akin ni Trisha na kaya lang ako pinakasalan ni Lucas para maprotektahan niya ito. Nagsasabi ba siya ng totoo lolo?” humihikbing tanong niya rito.Hindi naman ito sumagot kaagad bagkus ay masuy
“Sige hija. Mukhang buo na talaga ang isip mo kaya wala na akong magagawa pa kundi ang irespeto na lamang ang desisyon mo.” sabi nito sa kaniya.Bigla nitong iniunat ang kamay at pagkatapos ay itinuro ang cabinet hindi kalayuan sa kanila. “Ilabas mo ang box sa loob ng cabinet.” sabi nito sa kaniya.Agad naman siyang nagpunas ng kanyang mga luha at pagkatapos ay tumayo doon at lumapit sa cabinet at kinuha nga ang box doon pagkatapos ay bumalik siya sa tabi ng matanda at inilapag iyon sa mesang nasa harapan nila.Nakita niyang may kandado pala iyon at may numero, kailangan iyon ng password kaya agad siyang tumingin rito. “Lolo naaalala mo ba ang password nito?” agad niyang tanong rito.“Ang birthday ng lola mo ang password.” mabilis na sagot naman nito sa kaniya. “Lola?” ulit niya sa sinabi nito. Sa totoo lang ay hindi niya ito naabutan dahil nang tuluyan na siyang makapasok sa pamilya Montenegro ay namatay na ito dahil sa sakit.“Alam ni Lucas ang petsang iyon hanapin mo siya para siy
Nakababatang kapatid? Gusto niyang matawa dahil rito. Hindi niya akalaing pagkatapos ng dalawang taong pagsasama nila ni Lucas ay tatawagin lang siya nitong nakababatang kapatid sa huli. Tila isa iyong sampal sa kaniya. Napakalupit nito, sobra.Hindi siya nito gustong maging kaibigan at ayaw niya rin naman na tawagin siya nitong isang nakababatang kapatid. Isa iyong malaking kalokohan kapag pumayag siya at hindi siya ganun ka-martir para magpakatanga.“No need lucas. Pagkatapos nating maghiwalay ay magkunwari na lang tayong hindi magkakilala kapag nagkita tayo sa labas.” sabi niya habang sobrang sakit ng dibdib niya.Mas gugustuhin na lamang niyang maging isang estranghero rito kaysa ang maging nakababatang kapatid nito at kung tungkol naman sa pagiging kaibigan ay wala na siyang pakialam pa doon isa pa ay naisip niya rin naman na hindi niya pwedeng maging kaibigan ito lalo na at minahal niya ito ng totoo at nagsama sila sa iisang bubong ng halos dalawang taon.“Annie bakit ba ganyan
“So ibig sabihin ay desidido ka pa ring makipag-divorce sa asawa mo?” tanong nito sa kaniya.Habang nakaluhod siya sa harap nito ay nakatikom ang kanyang bibig at hindi makasagot rito. Sobrang tahimik nang paligid at doon ay bumukas ang pinto at ni hindi niya nagawang lingunin kung sino ang pumasok doon dahil ang alam niya lamang ay may pumasok dahil may mga narinig din siyang mga yabag.“No wonder ay ini-insist ni Annie na makipaghiwalay sayo dahil sa ugali mo at sa babaeng iyon.” sabi nito na matatalim ang mga salita sa kaniya.“Alex tulungan mo siyang tumayo.” sabi nito at doon niya lang napagtanto na ang pumasok pala kanina ay ang kanyang tito Alex. Ang pinaka butler ng pamilya at Tito na ang nakagawian niyang pagtawag rito.Lumapit ito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan ang braso niya pagkatapos ay inalalayang tumayo. Ngunit bigla na lamang inabot ng kanyang lolo ang saklay nito pagkatapos ay hinampas siya sa likod niya. Agad niyang naramdaman ang sakit dahil sa pagpalo nito sa
Tumigin siya kay Lucas na namimilipit ng sakit sa kanyang paanan. “Katulad ka lang din pala ng iyong ama na mas gusto pa ang ibang babae kaysa sa sariling asawa.” galit na saad nito. “Alam mo Lucas kami ng lola mo ay nagmahalan kami sa buong pagsasama namin sa kabila ng hirap na naranasan namin noong una kaming nagsama. Nalampasan namin ang lahat ng pagsubok na dumating sa buhay namin ng magkasama.”“Hindi rin kami nagkulang sa isat-isa ngunit hindi ko maintindihan kung bakit nagkaroon ako ng apo na katulad mo na nagmana sa kanyang ama. Talagang kung ano ang puno siya rin ang bunga. Pinalaki ko siya ng maayos at pinag-aral at maging ikaw, pinag-aral kita, pinakain at binihisan. Binigay ko rin sayo ang lahat ngunit wala ka pa ring utang na loob.” tuloy-tuloy na sabi nito.Tahimik lang na pinakinggan ni Lucas ang mga sinabi nito at hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na sumagot. Wala siyang balak na ipaliwanag ang sarili niya o ni ipagtanggol man lang, dahil alam niya na tama ito. Ala
“Lucas okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong kaagad ni Annie rito. Halos manginig ang mga kamay niya nang makita niya ang mga dugo sa katawan nito kaya dali-dali siyang tumingala sa matanda. “Lolo please, tama na po.” sabi niya rito na nagmamakaawa para sa kalagayan ni Lucas.Nang makita siya nito ay kaagad na lumambot ang ekspresyon nito ibinaba nito ang hawak nitong saklay at pagkatapos ay napahugot ng malalim na buntung-hininga at pagkatapos ay nagsalita. “Ilayo mo siya sa harapan ko dahil ayokong makita ang lalaking yan.” puno ng poot na sabi nito sa kaniya.“Opo lolo, masusunod.” kaagad niyang sagot rito at pagkatapos ay maingat na inalalayan ito at pagkatapos ay nilingon niya ang lalaking nakatayo sa gilid na walang iba kundi ang kanyang Tito Alex. “Tulungan niyo po akong alalayan siya.” sabi niya rito.Hindi na rin naman ito nag-aksaya pa ng oras at mabilis na lumapit sa kanila at maingat na inalalayan si Lucas sa kabilang side nito. Ilang minuto pa ang lumipas ay tuluyan na si