Share

Chapter 56.1

Hindi napigilan ni Annie na mamula na lang bigla. Bagama’t madilim sa loob ng sasakyan ay tiyak niyang makikita pa rin nito ang pamumula ng mukha niya kung sakali. Napakagat-labi siya at pagkatapos ay nag-iwas ng tingin rito. Siya pa ang nahiya sa halip na ito dapat. Hindi niya akalaing magiging ganuon ito.

Samantala naman ay malamig na tinapunan ng tingin ni Lucas si Kian dahil sa pagsasabi niya kay Annie nang gusto niyang mangyari. Sa takot naman nito ay mabilis na nag-iwas ng tingin at inasikaso na lamang ang pagpapaandar ng sasakyan upang makaalis na sila ng tuluyan doon ngunit nang maalala niya na may mga kasama nga pala silang mga bodyguard ay nilingon niya ang mga ito.

“Pumunta na kayo sa isang kotse.” narinig niyang utos ni Kian sa mga bodyguard na kasama ni Lucas na nagpunta doon. Nang marinig niya ito ay mas lalo lamang nahiya si Annie.

Nang makita niyang wala na nga ang mga ito at hindi rin naman nakatingin si Kian ay mabilis siyang lumapit kay Lucas upang halikan ito sa pi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status