Share

Chapter 55.1

Pagkarinig nito ay bahagyang natigilan ang lalaki ng ilang segundo ngunit agad din namang nakabawi pagkatapos ay napatawa ng malakas. “Henry nagpapatawa ka ba? Anong sabi mo? Montenegro ang manugang mo? Ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya Montenegro?” tumawa ito at halos napahawak pa ito sa tiyan. “Hindi ko alam kung saan mo napulot ang lakas ng loob mong sabihin yan.” sabi nito na nagpupunas ng luha dahil sa labis na pagtawa.

“Ang daling sabihin niyan, pwede mo nga ring sabihin na siya ay anak ng presidente o ng isang hari sa ibang bansa.” dagdag pa nito.

Biglang nalukot ang mukha ni Henry dahil sa sinabi nito at halatang ayaw talaga nitong maniwala sa sinasabi niya. Mabilis siyang tumitig kay Annie habang patuloy pa rin sa pagpupumiglas habang hawak-hawak ng tauhan nito ang kanyang dalawang kamay.

“Anak sabihin mo sa kanila ang totoo dahil kung hindi ay baka dalhin ka nila sa isang nightclub para i-auction.” sabi nito sa kaniya na labis ang pag-aalala ang mukha.

Bigla naman niyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status