Share

Chapter 119.2

Samantala, nang magising naman si Lucas, bago pa man niya idilat ang kanyang mga mata ay kaagad na niyang iniunat ang kanyang kamay upang kapain ang katabi niya. Ngunit nang maramdaman niya na wala siyang katabi ay agad-agad na napamulat ang kaniyangg mga mata at mabilis na napabangon ng wala sa oras.

"Annie?!" sigaw niya pagkabangon niya kaagad at dali-dali siyang bumaba mula sa kama at hinanap ito aagad sa banyo. Ngunit wala ito doon at wala rin ito sa buong silid. Dahil sa nangyari kahapon ay talaga namang umahon ang takot sa didbib niya. Mabilis siyang lumapit sa mga bintana at hinawi ang mga kurtina ngunit maging doon ay wala ito doon.

"Annie!" sigaw niya ngunit walang sumagot sa kaniya. Nang makita niya na sarado ang mga bintana ay medyo nakahinga siya ng maluwag, iniisip niya kasi ay baka tumalon na ito doon ngunit mukhang hindi naman. Bago pa man siya makapag-isip ay dali-dali siyang lumabas ng silid at tumakbo pababa ng bahay upang doon ito hanapin.

Nang makita niya ang isang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status