Agad naman na pinulot ni Lucas ang isang basahan sa ibabaw ng isang drawer at agad na pinunasan iyon ni Lucas. Sa totoo lang ay may nagpupunas nito araw-araw kaya napakalinis nito at walang alikabok, ngunit dalhil napalahalaga ng larawang iyon sa kaniya ay pinunasan niya pa rin ito.Pagkatapos ay ibinalik nito ang litrato kung saan nakalagay ito at pagkatapos ay nagsalita. "Pinakasalan ni Lola ang lolo ko sa edad na 18 at ipinanganak niya ang aking ama sa edad na 20. Ang larawang ito ay kuha pagkatapos lamang nilang magpakasal.” sabi nito sa kaniya."Ang kweto sa akin ni lola ay napakamahal pa raw noon magpakuha ng litrato kaya tanging siya lang ang nakaya ni lolo na makuhanan ng picture at hindi sila magkasamang dalawa." dagdag nitong sabi sa kaniya."So, ito lang ang picture ni lola nung bata pa siya?" tanong niya rito kung saan ay agad naman itong tumango sa kaniya bilang sagot sa tanong niya."Hmm, kung ganun diba dapat pagkatapos mamatay ni lola ay dala-dala ni lolo dapat ang l
Ngunit nang marinig niya ang salitang matagal na ay para bang tinusok ang puso niya ng libo-libong palaso. Matagal na? Oo nga pala, sinabi nga pala nito sa kaniya na may mahal na nga daw ito sa loob ng sampung taon, ibig lamang sabihin ay hindi siya ang tinutukoy nito kundi ang lalaking sampung taon na nitong minamahal. Ang lalaking iyon pa rin pala ay nananatili sa puso nito ng mahabang panahon.Hindi siya ang lalaking iyon at napaka-imposible talaga na maging siya iyon. Bigla siyang nakaramdam ng matinding selos ng mga oras na iyon. Sobrang selos ang nararamdaman niya. Umahon din ang galit sa dibdib niya na hindi niya man lang nakilala ang lalaking iyon kung sino ba iyon. Para hindi na siya masaktan pa ay nagpasya na lamang siyang baguhin ang paksa dahil habang pinag-uusapan pa nila iyon ay baka mas lumalim lang ang sakit na nararamdaman niya."Gutom ka na ba? Ano ang gusto mong kainin ngayong tanghali?" tanong niya rito.Agad naman itong napakurap-kurap sa kaniya at pagkatapos ay m
Ilang sandali pa nga ay tuluyan na silang nakarating sa sakayan. Agad siyang hinila ni Lucas papunta sa gilid ng ilog. Napaturo naman si Annie sa may bangka na papalapit sa kanila kung saan ay may nakasakay na isang matanda. “Iyon na ba ang sasakyan natin?” Tanong niya rito ng wala sa oras. Agad naman na tumango sa kaniya si Lucas ng mga oras na iyon. Habang nakatayo sila doon at hinihintay na tuluyang makalapit sa kanila ang bangka ay biglang umihip ang hangin kung saan ito ay napakalamig at higit sa lahat ay napaka-presko, amoy na amoy rin niya ang mga bulaklak ng mga oras na iyon. Dahil doon ay bigla na lamang gumaan ang pakiramdam niya bigla ng wala sa oras. Hindi niya napigilan ang mapangiti ng wala sa oras. "Napakabango ng hangin at napaka-presko." Hindi niya maiwasang bulalas rito. Dahil rito ay agad naman na napatingin si Lucas sa kaniya ng wala sa oras. Nakita niya kaagad ang napakaamong mukha ni Annie. Kapag napapatitig siya kay Annie ay hindi niya maiwasang mapakagat-
Habang tumatakbo ang bangka ay bigla na lamang nakaamoy ng napakabangong halimuyak. Dahil rito ay punong-puno ng pagtataka si Annie at hindi nakatiis at agad na tinanong ang matanda. "Lolo bakit po napakabango?" Tanong niya rito. Agad naman na napatawa ang matanda at pagkatapos ay nilingon siya. "Pumikit ka hija. Malalaman mo ang sagot sa tanong mo pagkatapos ng sampung minuto. Maniwala ka sakin, totoo ang sinasabi ko." Sabi nito sa kaniya. Ilang sandali pa nga ay pumikit na lamang siya at kahit na walang kasiguraduhan kung ano man ang sinasabi nito. Pagkatapos nga ng sampung minuto ay narinig na niya ang tinig ng matanda. "Hija, pwede mo ng buksan ang iyong mga mata." Sabi nito sa kaniya. Dahan-dahan niya namang binuksan ang kaniyang mga at doon tumambad sa paningin niya ang naggagandahang mga bulaklak na nasa tabi ng ilog kung saan ay halos mapanganga siya sa sobrang mangha niya. Nang mga oras na iyon pakiramdam niya ay nananagimip lang siya dahil parang nananaginip siya ng m
Ilang sandali pa nga ay tuluyan na silang pumasok na dalawa sa loob ng bahay at dumiretso sa silid. Binuksan ni Lucas ang pinto at pumasok sila doon. "Dito kami natutulog kapag pumupunta kami rito." Sabi nito sa kaniya.Agad namang inilibot ni Annie ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto at maayos naman ito, sa gitna ay naroon ang kama at ewan niya ba pero bigla na lamang may kung anong init ang humaplos bigla sa puso niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung saan nanggagaling iyon. "Ah." Sagot niya na lamang rito at pagkatapos ay napatango.Samantala nang makita niya naman ang ekspresyon nito na basta-basta na lamang pumayag ay naramdaman ni Lucas na mukhang hindi nito lubos na naintindihan ang ibig niyang sabihin kaya bahagya siyang napaubo at humarap rito. "Ang ibig kong sabihin ay dalawa tayong matutulog rito sa silid na ito, since nag-iisa lamang ito." Sabi niya rito. Nang marinig naman ni Annie ang sinabi ni Lucas ay kaagad na nagsalubong ang kaniyang mga kilay at pag
Napalunok na lamang siya at pinigil niya ang sarili na mapatingin rito dahil baka hindi niya kayaning pigilin ang kaniyang sarili at bigla na lamang niya ito masunggaban. Sa hindi inaasahan pagkamataon ay hindi sinasadyang matumba siya kung saan ay nahila niya ito at pareho silang natumba sa kama at nakapatong ito sa kaniya.Nanlalaki ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya habang nakahawak ito ng mahigpit sa kaniyang dibdib. Ang hininga nito ay naaamoy na na niya at tiyak niyang ganun din ito. Ang kanilang mga labi ay halos ilang pulgada na lamang ang layo sa isat-isa at kaunting galaw lang nila ay natitiyak niyang magdidikit na iyon ng tuluyan.Marahil ay pareho silang nagulat dahil sa nangyari ay hindi sila nakagalaw kaagad pareho at nakatitig lamang sa mata ng bawat isa. Samantala, dahil rito ay agad namang namula ang mukha ni Annie. Sa totoo lang ay masasabi niyang mahal niya pa rin ito magpahanggang sa mga oras na iyon.Lalo na at napakatahimik ng paligid at sobrang lapit nila s
Hindi naman na masyado pang inisip ni Annie ang tungkol sa bagay na iyon at pagkatapos ay nagkwentuhan na lamang sila ni Olivia tungkol sa mga bagay-bagay. Ikwinento niya rito ang tungkol sa pagkawala ng mga baby niya.Samantala ay naging maingat naman si Olivia sa mga komento niya tungkol sa pagkawala ng mga baby ni Annie. Natatakot na baka mas malungkot pa ito lalo kaya pilit na lamang niyang pinasigla ang kanyang boses habang nakikipag-usap rito. Ikwinento rin ni Annie sa kaniya ang tungkol sa pagpunta nila sa lumang bahay ng lolo at lola ni Lucas na sila lang dalawa at maging ang lovestory ng mga ito ay sinabi rin nito sa kaniya. Agad naman na napabuntung-hininga si Olivia pagkatapos niyang marinig ang kwento ng lovestory ng mga ito at pagkatapos ay sumagot. “O diba, napakaganda naman pala ng lovestory nila pero bakit hindi man lang minana ni Lucas yung ganung klaseng pag-uugali at pagiging tapat magmahal.” sabi niya bigla rito. Samantala nang marinig naman ni Annie ang sinabi
Nang pumasok si Lucas sa loob ng silid ay gabi na dahil nagpahangin pa siya at nag-isip isip. Pagkapasok niya doon ay nakita na na tulog na si Annie kaya nagdahan-dahan siya sa kanyang paghakbang upang hindi siya makagawa ng anumang ingay. Dahan-dahan siyang nahiga sa kama at sinubukan niyang matulog, ngunit nagpaikot-ikot lamang siya doon at halos hindi siya nakatulog. Kinabukasan, maaga pa lang ay nag-impake na sila ng mga gamit nila para umuwi na. Bago umalis sila Annie ay muli niyang pinagmasdan ang lumang bahay ng lolo at lola ni Lucas. Kahit na napaka-simple lamang ng bahay ay napakahalaga naman nito sa pag-iibigan ng dalawa. Ito ang dating tirahan ng kanyang mga lolo't lola at alam niya na pagkatapos nilang maghiwalay ni Lucas ay hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataong dumalaw doon muli. Natitiyak niyang iyon na ang una at huli niyang pagpunta doon.Pagdating ng araw ay pwedeng magdala doon si Lucas ng ibang babae na mahahalin nito o mas tamang sabihin na ang susunod nit