"Ikaw ba talaga 'yan, Yolly? I can't believe this," naibulalas ni Madam Angie. Hinawakan nito ang baba ni Yolly at ibinaling iyon sa kaliwa tapos sa kanan ta's sa kaliwa ulit ta's sa kanan ulit.Nakangiwi naman si Yolly. May balak yata si Madam Angie na baliin ang leeg niya? Kaloka.Pinatingala rin siya, at doon na siya umalma. "Uhm, Tita? Tita, wait lang po," pigil na niya sa kamay ni Madam Angie.Binitawan naman siya ni Madam Angie na ngiting-ngiti pa rin sa kanya."Tita, kasi nadapa po ako sa ano... sa CR kanina po kaya ganito ang hitsura ko. Sorry po," paghingi niya ng paumanhin at palusot na rin niya. Ang alam niya kasi ay napapangitan pa lalo si Madam Angie sa hitsura niya ngayon na walang eyeglass at walang tali ang buhok."Thanks to CR if that so.""Po?""Ang sabi ko ay salamat sa CR kung ganoon dahil inilabas niya ang totoong ganda mo, Yolly. Maganda ka pala kapag wala ang salamin mo at bangs. You look great, hija. Sabi ko na nga ba at may itinatago kang ganda. Konting ayos k
"Aaahhh!" malakas na sigaw ni Yolly dahil para siyang kinakatay ng buhay sa loob ng silid na iyon.At nariring siya ni Madam Angie mula sa labas. "Okay lang ba siya, Mestisa?""Yes po, Madam. Don't worry dahil lahat po ng first timer ay ganyan po talaga ang mga reaction nila," sagot ng baklang suki na ni Madam Angie sa pagpapaganda.Tumango-tango si Madam Angie. Ninerbyos ang ginang dahil parang hindi na lalabas ng buhay si Yolly sa kinaroroonan nila.Hindi na kasi talaga nag-aksaya pa ng panahon ang mayamang ginang. Pagsapit ng gabi ay dinala niya agad si Yolly sa pinakasikat at paboritong salon and spa niya. Dinala niya agad ang dalaga roon para maayusan na bago pa man magising si Andy sa ospital. Hindi bale't nandoon naman na si Yaya Chadeng para magbantay at mag-asikaso kay Andy habang busy sila nia Yolly.Ang plano ni Madam Angie ay magandang-maganda na si Yolly kapag nakita ulit ito ng anak niya. Sa totoo lang gusto na niya kasi si Yolly na manugang. Alam niyang magiging maayos
"Kumusta ang pakiramdam mo? Gutom ka ba? Ano’ng gusto mo?" sunod-sunod na tanong ni Yaya Chadeng kay Andy na gising na nga talaga. Kalalabas lang ng doktor na sumuri rito at ang mga nurse. Awa ng Diyos ay maayos na raw ang kalagayan ng binata.Umiling si Andy sa kanyang Yaya at walang gana niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Umayos siya ng higa. Kagigising lang niya, at naroon agad ang inis niya nang maalala niya ang nangyari ng gabing iyon, na naaksidente siya dahil sa matinding galit niya kay Yolly."Tumawag na ako sa Mommy mo. Papunta na raw sila rito," sabi pa ni Yaya Chadeng niya na inayos-ayos ang kinahihigaan niya.Hindi pa rin siya umimik."Ano bang nangyari sa 'yong bata ka? Akala ko ba ay maingat ka sa pagmamaneho? Paano kung hindi lang ito ang nangyari sa 'yo?" Si Yaya Chadeng ulit. Parang nanay niya ulit na sinesermunan siya.Ang hindi alam ni Yaya Chadeng ay hindi ang kawalan ng pag-iingat niya ang sinisisi ni Andy bakit siya naaksidente, kundi ang babaeng iyon na nanlo
Hindi alam ni Yolly kung ilang oras na siyang nakatitig sa singsing na nakasuot sa daliri niya. Iniikot-ikot niya iyon habang pinagmamasdan. Halu-halong emosyon ang kanyang nararamdaman.Tapos ay sa bote ng gatorade naman siya napatingin. Saka sa lagayan ng jollibee fries.Ang lungkot niya, pero napapangiti siya habang pinagmamasdan ang mga iyon. Naalala niya kasi ang mga araw na... na ang gulo nila ni Andy pero masaya naman. 'Yung daig pa nila ang aso't pusa, pero sa huli ay nagngingitian naman sila.Ang hindi niya namalayan ay tumutulo na pala ang mga luha niya. Hanggang sa suminghot-singhot na siya, na nagtuloy-tuloy sa pahagulgol.Bakit ba kasi? Bakit ba kasi hindi na lang nagtutuloy-tuloy ang lahat?Kainis naman, eh!Sana pala nag-END na lang ang kuwento nilang ito ni Andy noon pa. Noong hindi pa niya alam na hindi siya buntis. Kung bakit kasi kailangang may TO BE CONTINUE pa, eh? Tuloy nabago na ang kuwento nila. At masakit, masakit na masakit ito para sa kanya.Umasa na kasi si
"’Nay…" Malungkot na yakap ni Yolly sa likod ng kanyang ina. Nagbabalat ng sayote si Aling Yolanda."Hindi ka na naman papasok sa school?" garalgal ang tinig na tanong ng nanay niya sa kanya.Doon nahalata niya na umiiyak na naman pala ang nanay niya. Kahapon pa ito non-stop sa pag-iyak dahil nga roon sa pag-alis ni Andy na hindi man lang sila nagkita pa ulit. Hindi man lang sila nakapagpaalaman."Umiiyak ka ulit?" Kumawala siya sa pagkakayakap at tiningnan niya ang ina."Huwag mo akong pansinin. Naalala ko lang si Andy dahil siya ang tagabalat ko ng sayote." Sisinghot-singhot si Aling Yolanda habang kunwari ay abala ito sa sayote.Napangiwi siya, pero oo nga naman, naalala niya 'yong unang tinawag ni Andy ang nanay niya ng NANAY."Nanay, ano’ng gagawin dito sa sayote?" Parang nakita pa niya si Andy na ngiting-ngiti na pumasok sa kusina mula sa salas."Balatan mo, Anak," sagot naman ng nanay niya na nasa banyo noon.Umupo si Andy at sinimulan na ngang balatan 'yong sayote. Tapos ay p
"Yolly, ano ba 'tong ginagawa mo?! Hindi ka ba nag-iisip?!" Pinagalitan agad siya ni Madam Angie nang makapasok sila sa pinaka-office nito sa Jewelry Shop.Nahihiyang napayuko ng kanyang ulo si Yolly."Sit down at mag-usap tayo," anang pa ng mayamang ginang na halatang disappointed sa gusto niyang mangyari.Umupo naman siya. Gayundin si Madam Angie. Magkaharap silang dalawa. Ngunit hindi siya makatingin ng diretso sa mabait na Madam."Yolly, huwag mong ibabalik 'yan kahit na ano’ng mangyari," sabi pa ng Madam sa madiin na boses.Nag-angat siya ng kanyang ulo. "Tita, wala naman na po 'yang halaga na kasi—""No. Don't say that dahil gagawin ko ang lahat magkabati lang kayo ng anak ko. Alam mo naman na mahalaga ka na sa 'kin, Yolly. Ikaw lang ang gusto kong makatuluyan ng aking anak."SI ANDY, PAAKYAT NA NG ESCALATOR NG MALL.Sobrang na-touch si Yolly sa sinabing iyon ni Madam Angie. Subalit, lalo lamang siyang nasasaktan."Please, Yolly, keep that ring. Hangga't hindi pa 'yan kinukuha n
Nanlilisik ang mga mata ni Andy na palipat-lipat ang tingin kina Madam Angie at sa hindi niya kilalang babae. Hindi naman mga ito makatingin sa kanya ng diretso.Nakikilala niya ang singsing na dinampot at ngayon ay hawak na niya. Kay Yolly ang singsing dahil iyon ang ibinigay niyang singsing noon sa dalaga. Pero bakit nandito?Naningkit pa ang mga mata niya. Ah, alam na niya.His gaze halted on the woman who was with his mom. Napansin niya agad na maganda ang babae kahit simple lang. But she doesn't care about her. At ang naisip niya, siguro ay inutusan ito ni Yolly na ibalik ang singsing dito sa jewelry shop."Where is she?" he asked the woman with a flat tone.Napamata sa kanya ang babae. Hindi ito sumagot bagkus ay parang nagtaka ito sa tanong niyang iyon."I said, where is Yolly? Bakit hindi siya ang magbalik sa 'kin nito? Nawala na ba ang kakapalan niya ng mukha? O wala siyang lakas loob na magpakita sa 'kin dahil guilty siya?"Napamaang sina Madam Angie at Yolly na nagkatingina
Hindi agad nakakilos si Andy. Natulala siya at napahawak ng mahigpit sa manibela. Pero noong madami na ang taong umusyoso ay mabilis na siyang lumabas ng kotse."Hala, kawawa naman!" narinig niya agad na bulungan ng mga tao."Tumawag kayo ng ambulansya! Daliiiii!" sabi naman ng iba.Napapikit si Andy nang makita na niya ang hitsura ni Yolly. Nakahandusay ito sa harap ng kotse niya at walang malay. However, he didn't feel pity; instead, he became even more annoyed with Yolly."Hoy! Wala ka kasing awa!" singhal sa kanya ng isang babae. Ito ang nakakita na nakikiusap kaninang si Yolly na pagbuksan siya ng kotse.Napangiwi at napasinghap siya sa hangin. So, kasalanan pa ba niya iyon?! Kasalanan ba niya kung tanga ang babaeng 'to?! Kung masunurin pala at nagpakamatay talaga?! F*ck!"Naku po! Parang hindi na humihinga!" naalarmang sabi ng isang lalaki.“Kapag siya namatay, isusumbong kita!” babala pa ng saksing babae sa kanya.Doon na siya hindi nakatiis. Nilapitan niya si Yolly at parang w