Share

CHAPTER 59

"Ikaw ba talaga 'yan, Yolly? I can't believe this," naibulalas ni Madam Angie. Hinawakan nito ang baba ni Yolly at ibinaling iyon sa kaliwa tapos sa kanan ta's sa kaliwa ulit ta's sa kanan ulit.

Nakangiwi naman si Yolly. May balak yata si Madam Angie na baliin ang leeg niya? Kaloka.

Pinatingala rin siya, at doon na siya umalma. "Uhm, Tita? Tita, wait lang po," pigil na niya sa kamay ni Madam Angie.

Binitawan naman siya ni Madam Angie na ngiting-ngiti pa rin sa kanya.

"Tita, kasi nadapa po ako sa ano... sa CR kanina po kaya ganito ang hitsura ko. Sorry po," paghingi niya ng paumanhin at palusot na rin niya. Ang alam niya kasi ay napapangitan pa lalo si Madam Angie sa hitsura niya ngayon na walang eyeglass at walang tali ang buhok.

"Thanks to CR if that so."

"Po?"

"Ang sabi ko ay salamat sa CR kung ganoon dahil inilabas niya ang totoong ganda mo, Yolly. Maganda ka pala kapag wala ang salamin mo at bangs. You look great, hija. Sabi ko na nga ba at may itinatago kang ganda. Konting ayos k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status