Share

CHAPTER 60

"Aaahhh!" malakas na sigaw ni Yolly dahil para siyang kinakatay ng buhay sa loob ng silid na iyon.

At nariring siya ni Madam Angie mula sa labas. "Okay lang ba siya, Mestisa?"

"Yes po, Madam. Don't worry dahil lahat po ng first timer ay ganyan po talaga ang mga reaction nila," sagot ng baklang suki na ni Madam Angie sa pagpapaganda.

Tumango-tango si Madam Angie. Ninerbyos ang ginang dahil parang hindi na lalabas ng buhay si Yolly sa kinaroroonan nila.

Hindi na kasi talaga nag-aksaya pa ng panahon ang mayamang ginang. Pagsapit ng gabi ay dinala niya agad si Yolly sa pinakasikat at paboritong salon and spa niya. Dinala niya agad ang dalaga roon para maayusan na bago pa man magising si Andy sa ospital. Hindi bale't nandoon naman na si Yaya Chadeng para magbantay at mag-asikaso kay Andy habang busy sila nia Yolly.

Ang plano ni Madam Angie ay magandang-maganda na si Yolly kapag nakita ulit ito ng anak niya. Sa totoo lang gusto na niya kasi si Yolly na manugang. Alam niyang magiging maayos
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status