Share

CHAPTER 100 : PATAYIN MO MAN AKO

“HINDI KAMI KIDNAPER! “

Walang naniniwala sa sinabi ni Alijohn.

Nasa interrogation room siya at pilit pinaamin sa kasalanang hindi niya ginawa.

Isang malakas na sampal ang lumagapak sa mukha ng inuusig.  Naramdaman nito ang pagyanig ng kanyang utak sa tindi ng malakas na sampal na iyon. Wari ay may sandamukal na bubuyog ang biglang humuni sa loob ng kanyang tainga. At may nakita siyang kislap ng mga mumunting liwanag sa ilang saglit na pagdidilim ng kanyang kanyang paningin.

Namanhid ang kanyang mukha, kaya’t wala siyang naramdamang sakit nang pumutok at magsugat ang sulok ng kanyang bibig. Umagos ang dugo.

Mukha ng napopoot na pulis ang kanyang nakita nang muling bumalik sa normal ang tingin niya.

Buong panggigil, patulak na sabunot nito ang kanyang buhok, puwersahang itingala siya,  na halos ikabale na ng leeg niya.

Wala siyang naramdamang takot, kahit pa alam niyang puwede siy

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status