Share

CHAPTER 87 : SPECIAL FRIEND

Alumpihit na si Amanda sa pag-aalala sa kalagayan ni Senyor Gaspar. Nami-miss na niya ang masayang mga pagbibiro at pagpapatawa nito sa kanya. Gustung-gusto niyang marinig ang masiglang tinig nito na laging may positibong pagpapaalala sa kanya.

Halos ay mapudpod na ang suot niyang tsinelas sa kapaparoo’t parito sa kanyang silid tulugan. Hindi niya madesisyunan kung tatawagan o hindi ang lalaking nasa kanyang damdamin at isipan.

May ilang linggo na ring ni hindi siya tinawagan, para kumustahin man lang ng kanyang masugid na manliligaw.

“Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Maysakit kaya siya?“ Paulit-ulit niyang tanong sa hangin.

Tiningnan niya ang kanyang cellphone na kanina pa niya hawak. Pinindot iyon upang lumitaw ang pangalan ng kanyang mga contact.

Nasa “special friend” ang pangalang Gas Sandoval.

Maraming sandali na ang lumilipas mula ng isipin niyang kanyang tatawagan ang numero

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status