Share

ACADEMIAN I: Vision

Hannah Nicole Villareal

"Anong tinutunganga niyo dyan? Order na." Bored kong sabi sa mga kasama ko.

Kaagad naman silang tumingin sa may bandang counter sa itaas. Nandoon ang menu kung saan marami kang pagpipilian na mga sets.

Based on Sets ang pag-o-order dito, bawal isahan lang. Ang minimum ay tatlo, which is the Solo Set.

"Solo Set sa'kin." Si Khecy ang unang nagsalita.

"Ano ka ba, Khecy?! Dapat kapag nanlilibre si Hannah, sulitin mo na! Baka bukas mamburaot na 'yan sa'tin eh." Pasimple ko namang inirapan si Suzzaine sa sinabi niya, pero nakita niya pa rin 'yon kaya tinawanan niya ako.

"'Yung Party Set na lang, tapos hati-hati tayo." Ani Queenie.

"Ang ayaw ko sa lahat ay 'yung may kahati." Banat ni Jenklint pero siya rin ang unang natawa.

"May nakakatawa do'n?" Pang-aasar ni Suzzaine pero matalim lang siyang inirapan ni Jenklint.

Sa sobrang tagal nilang pumili ay ako na ang tumayo at pumunta sa counter para mag-order.

"What's yours, Miss?" Tanong ng babae.

"Isang Party Set C tsaka dalawang Solo Set E." Tumango ito. Nakita ko pa kung paano siya makipag-usap sa babaeng nasa entrance ng Moon Archers' gamit lang ang tingin. I know what she said. Tinanong niya kung may free pass kami.

"You can wait at your table, Miss," napasulyap ito sa wall clock na nasa kaliwa namin.

"Approximately 15 minutes and we will serve your order." Tumango ako at bumalik sa aming upuan.

She's a Time Controller. She predicted the exact time when she will serve the orders to us.

Nang makabalik ako sa upuan ko ay abala na ang mga kasama ko sa pagpipindot sa kanilang mga cellphone.

Bigla ko namang narinig ang paborito kong kanta, at napagtantong nagmula iyon sa aking cellphone. Saglit pang napatingin sa akin sina Suzzaine at Jenklint.

"Wow naman. Sa dami ng kanta, anime pa," komento ni Jenklint.

"May nag-text?" Tumango ako sa tanong ni Suzzaine.

Nung tignan ko iyon ay bumungad sa akin ang pangalan ng kuya ko.

Kuya Lucifer messaged you

: Where are you? Sabi ni Athasia umuwi na kayo.

And there he goes again. Being a PROTECTIVE BROTHER. I can't blame him, I'm not an ordinary person at all.

: Moon Archers' po. With my bessies.

Mas mabilis pa sa alas-kwatro pa siyang nag-reply.

Kuya Lucifer

: go back home safe.

Para akong tangang napangiti sa reply niya. Akala mo naman kung sinong dyowa mo 'yung nag-chat kaya kinilig ka.

: I will

Pagkatapos ko siyang ma-reply-an ay nabaling ang atensihyon ko kina Jenklint. Nasalubong ko ang nakakaloko nilang tingin at ngisi.

"Sana all may ka-chat," komento ni Queenie.

"Pangiti-ngiti ka pa dyan ha," panunudyo ni Suzzaine.

"May bago ka nanaman? Pinagpalit mo nanaman kami?" Kunwaring nasasaktan sina Jenklint at Iya.

"Kuya ko 'yon, mga bobo." putol ko sa mga reaksiyon nila.

Animo'y naalis ang isang malaking tinik sa mga lalamunan nila. "Akala naman namin kung sino na." Dagdag ni Jenklint.

"Oh! Look at what he have here!"

Unang napatingin sa grupo ng mga babae ang mga kasama ko. Kahit naman hindi ko sila tignan ay alam ko na kung sino-sino sila.

"You're from Academia Del Magia, right?" Tanong ng isang babae. Tinignan niya si Suzzaine mula ulo hanggang paa. "Your school is so cheap. Hindi ba sila makapag-provide ng uniform ninyo? Dinaig niyo pa 'yung pulubi sa kalye."

"Ipinag-lihi ba kayo sa mga dwende? Ang liliit niyo kasi eh. Parang mga langgam ang kausap namin." Dagdag ng kasama niya.

Kita ko kung paano nagtangis ang bagang ng mga kasama ko, habang ang mga babae naman ay ngumisi lamang. Napansin kong may mga grupo na rin ng mga lalaki na nasa likuran nila.

"Pasensya na, pero nandito kami para kumain at hindi para ipakita sa iba ang sinasabi ninyong... madungis naming uniform." Kalmadong sabi ni Queenie.

"How brave you are." Sinenyasan ng babae ang mga lalaki sa likuran. Na-alarma naman sina Suzzaine nang makitang balak nilang kunin si Queenie.

Doon na nila sinagad ang pasensya ko. Mabilis kong kinuha ang patalim na nasa aking bulsa, at walang pag-aalinang ibinato iyon sa isa sa mga lalaki. Kita ko kung paano nadaplisan ang kaniyang leeg, dahilan para mapaatras siya pati ang mga kasama niya.

Sa akin na ngayon nabaling ang atensiyon nila at ang ibang tao sa cafeteria. Naging matalim din ang tingin sa akin ng mga babae.

"You--! How dare you---"

"How dare I hurt your dear classmate? That line is what I always hear. Wala bang bago?" Pang-aasar ko at nainis din naman siya.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan. Bawat hakbang ko papunta sa kaniya ay siya ring pag-atras niya. Animo'y naging maamong aso siya nang magtagpo ang aming mga tingin.

"Kung problema mo ang tangkad namin, 'wag kang mag-alala. I can make a potion making all of you lose your height. nang sa gano'n, maranasan ninyo ang pagiging maliit. For us, kaya ko ring gumawa ng potion na magiging matangkad kami. About our uniform, it will be released on our First Periodical Test. Or..." Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

"I can buy the design of your uniform. Approximately 1250 pesos lang naman ang isang set. Barya lang 'yon sa akin," kalmadong sabi ko.

Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko pero halata sa mukha niya ang takot.

"Ang problema sa inyo, nakiki-tingin na nga lang kayo sa uniform namin, may side comment pa kayo. Nakakain ka ba ng hipon at nangangati na 'yang bunganga mo?" Kahit mas matangkad siya sa akin ay parang ako pa ang nakakalamang sa kaniya.

"It's better if you find your own seats at kumain. Like what my friend said, nandito kami para kumain at hindi gumawa ng away kasama ninyo." I said, then scoffed.

"Don't tell me na nandito kayo para lang laitin ang uniform at ang height namin? You're so cheap." Ginaya ko ang sinabi ng babae kanina sa amin.

The girl groaned. Pagkatapos ay umalis sa harapan namin na para bang walang nangyari.

"Expect that Amiyah will know this!" Napahinto naman sila at malalaki ang mga matang napatingin sa akin.

Tinaasan ko lang sila ng kilay. Her name rang a bell on them.

Hindi nagtagal ay tuluyan na rin silang umalis. Nakahinga naman kami ng maluwag. Hindi na rin nakatingin sa amin ang ibang tao sa Moon Archers'

"Grabeng speech 'yon Hannah," manghang sabi ni Suzzaine habang pumapalakpak pa.

"Grade 9 na sila, 'di ba?" Tanong ni Queenie.

Tumango ako. "Kilala sila ni Luna."

"Nako. Baka si Luna naman ang rumesbak para sa kanila." Komento ni Khecy.

"Lalo na kapag nalaman niyang ikaw 'yon." Dagdag ni Jenklint.

"Is there something wrong with what I said? I'm just being sincere and honest."

"So totoong may bago tayong uniform?" Tumango ako sa tanong ni Suzzaine.

"Anong design?" Nasasabik na tanong ni Iya.

"Marami silang recommendation. Hindi pa nakakapili 'yung mga officials." Sagot ko.

Sakto naman na ibinigay na sa amin ng babae ang aming mga order. Inumpisahan na namin iyong kainin.

"Shala naman ng Party Set, Hannah. Magkano 'to lahat?" Tanong ni Suzzaine.

"Ba't mo tinatanong? Babayaran mo ba?" Banat ko.

"Masamang tanungin?" She backfired.

"Oo. Baka ikaw ibayad ko," natawa naman sina Jenklint kaya kaagad na sumimangot si Suzzaine.

Ipinagpatuloy na lang namin ang pagkain. Nang matapos kami at sabay-sabay kaming lumabas ng Moon Archers'.

"Okay... I hate to say this, but... dito na tayo maghihiwa-hiwalay," kalmadong sabi ni Queenie.

"Yeah. Ingat sa pag-uwi." Nag-umpisa na akong maglakad palayo.

"Hoy! Ikaw ang mag-ingat. Sa bayan ang mga bahay namin, malayo ng sa inyo." Tumango lang ako sa sinabi ni Jenklint.

Mula sa kaninang maraming tao, ngayon ay kumokonti na lang. Kinailangan ko pang dumaan sa likuran na gate ng Academia Del Magia para makapunta sa gubat, papuntang Besellemeth.

It is my home. It is where I was born, without parents, but with a guardian and six crazy lunatic brothers.

Mahirap dumaan sa gubat. Obviously, the thin air blowing against my bare skin sends me chills down to my spine. I'm not afraid but, I think I am now.

It's hard, lalo na at wala akong kasabay na umuuwi. This is a great opportunity for those assassins who want me dead.

Yeah. They want me dead not because of my rude attitude, but because of what I have.

I have... an unexplainable thing within me.

Yes. I am a mage, just like the others but, I am different.

Hindi ko namalayang nalagpasan ko na ang gubat at nasa harapan ko na ang lumang arko ng bayan ng Besellemeth. Medyo marami na rin ang tao sa paligid, dahil malapit na ring lumubog ang araw.

Tinatawag ding Night City ang lugar namin, dahil buhay na buhay ito tuwing gabi. Tuwing biyernes ay may sayawan sa gitna, mga karinderya na dapat ay sa umaga nagbubukas pero sa gabi kumikita, mga tindahan ng kung ano-anong armas na mabenta sa mga kalalakihan, at marami pang iba.

Nasa may bandang dulo ang bahay---no. Ang mansion namin, sa tabi lamang ng nag-iisang paaralan dito sa bayan. Ang paaralang pinaramdam sa akin na kakaiba ako.

Binuksan ko ang malaking gate ng mansiyon, kasinglaki ng isang palapag na bahay. Kaagad na sumalubong sa akin ang tatlong katulong na nagdidilig ng mga halaman sa harapan.

"Naghihintay na po ang mga kuya ninyo sa loob." Tumango ako sa ibinulong ng isa sa mga katulong.

Tama nga siya, dahil naghihintay ang mga kuya ko sa sala. Abala sila sa kaniya-kaniya nilang ginagawa ngunit nabaling ang atensiyon nia sa akin nang maramdaman nila ang aking presensiya.

"Exactly, 4:57 PM. Not bad." Walang ganang ani Kuya Jack.

"In-enjoy mo ata ang pagkain sa Moon Archers'," komento ni Kuya Cedrick. Ewan ko ba kung tatawagin o siyang "kuya" dahil mas matangkad pa ako ng kaunti sa kaniya.

"Wala naman kayong assignments, 'di ba? You should relax for a while." suhestiyon ni Kuya Ethan.

Tumango lang ako. Now I feel the tiredness lingering in my system. Ibinagsak ko ang sarili sa isang bahagi ng mahabang sofa at saglit na ipinikit ang aking mga mata.

Why am I tired? Dahil ba nagsabay-sabay ang mga quizzes namin the whole day? Maybe. Or is this because of me sleeping late at night dahil sa pagre-review?

Nah. That's part of being an honor student. Consistency is the key.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

🔺🔻🔺🔻🔺🔻

"Excited na'ko sa uniform natin!!" Napapatingin sa amin ang mga taong dumadaan dahil sa lakas ng boses ni Suzzaine.

"Excited ka masyado. Baka hindi nga kasya sa'yo eh." Pang-aasar ni Jenklint, ngunit inirapan lang siya ni Suzzaine.

Habang naglalakad kami papunta sa canteen ay bigla akong nakaramdam ng gulat. Para akong napahinto dahil nagulat ako sa isang bagay.

Napatingin sa akin sina Queenie. "Bakit?" Natuon sa akin ang atensiyon ng mga kasama ko.

Hindi ko na narinig ang iba nilang sinabi, pero ang tanging nakikita ko lang ay mga anino ng tao. Sampung tao. Nakakita rin ako ng isang gusali na sinisira ng mga tao.

"Hannah!"

Nabalik ako sa wisyo nang maramdaman ang isang kamay na madiin na nakahawak sa aking batok. Sumalubong sa akin ang mukha nila Jenklint.

Nandoon pa rin kami na nakatayo ilang metro malapit sa Elementary Canteen.

"Okay ka lang? Sorry ha. Baka sumakit 'yang batok mo sa ginawa ko." Pag-paumanhin ni Jenklint.

Napapikit na lang ako habang humihinga ng malalim. "O-Okay na'ko."

"Sure?" Sabay na ani Queenie at Suzzaine.

Tipid akong napatango. "Bili na tayo." Hindi pa sila kuntento sa isinagot ko pero hindi ko na iyon pinansin.

Ang umiikot lang sa isip ko ngayon ay ang nakita ko kanina.

'What was that just now?'

🔺🔻🔺🔻🔺🔻

Pagpasok namin sa aming classroom ay nagkukumpulan ang mga kaklase ko sa isang sulok. Naisipan naman namin maki-usyoso.

"Ano kayang nakita ni Reiber?" Boses iyon ni Keisha. Kaagad naman akong binalot ng kyuryosidad kaya nakipag-siksikan ako sa kanila.

"Padaan." Binigyan naman nila ako ng space para makapunta ako sa gitna.

Nabigla ako nang makita si Reiber, na mukhang kakagising lang dahil magulo ang kaniyang buhok. Nasa tabi niya sina Kian at Alexi.

"May vision siya para sa inyo," Ani Alexi.

Magsasalita pa sana si Kian nang biglang gumalaw si Reiber para hilain ako.

"Aray!" Reklamo ko.

"Nakita kita.." Bulong niya pero sapat na para marinig naming nakapaligid sa kaniya.

"S-saan?" Bakit parang alam ko na ang patutunguhan ng sasabihin niya?

"Y-you saw that too..." Bahagyang napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya.

"S-save the school... Protect us...." Napalunok ako ng ilang beses nang marinig ang mga sumunod niyang sinabi.

"Our school will be destroyed... and we couldn't stop it when it started."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status