Share

Academia Del Magia 1: Academy Traitors
Academia Del Magia 1: Academy Traitors
Author: Hannelore Blodgett

ACADEMIAN: Prologue

PROLOGUE

"Alcaraz!"

"Present!"

"Balad!"

"Present"

"Balawat!"

"Pre-absent!"

"Ano?!" Nagtawanan kaming magka-kaklase sa sinabi ni Carl.

"Present Ma'am," paglilinaw nito. Napailing na lang si Ma'am Sarah Lee Abalos, isa sa mga adviser namin.

"Barroga!"

"Absent!" Humalagapak ng tawa si Alexi pagkatapos niya iyong sabihin na naging sanhi ng pagtawa ng buong klase.

Wala nang nagawa si Kian kundi itaas ang kanang kamay niya, senyales na present ito.

"Carolino!"

"Present."

"Casta!"

"Absent!" Sabay-sabay naming sabi. Narinig ko namang pumalatak si Ma'am Sarah.

"Bakit daw?" Halata sa kaniyang boses ang pagka-irita.

"Masakit daw 'yung tiyan kaya nasa computer shop!" Ani Alexi kaya natawa kaming lahat.

"Hindi namin alam Ma'am." si Keisha na lang ang sumasagot ng maayos.

"Castro!"

"Present!"

"Absent!"

Hati ang klase namin kung sasabihin ba nilang 'Present' o 'Absent' si Alexi.

Nagsulat na lamang si Ma'am Sarah sa hawak niyang attendance log, dahilan para mataranta si Alexi.

"Ma'am nandito ako ma'am!" Anito. May pa-acting pa siya na umiiyak habang nakaluhod sa maalikabok na sahig namin. Nagtawanan naman kaming mga kaklase niya.

"Sabi nila absent ka eh." natawa kaming muli nang mag-iyak-iyakan pa si Alexi.

"Best actor ah!" Sigaw ni Suzzaine kaya kami-kami na lang din ang mga natawa.

"Gusto ko nang maglinis!" Reklamo ni Khecy.

"Ang sabihin mo, excited ka nang umuwi." sabay naming sabi ni Darlyn kaya nagka-tinginan kami.

"Sus. Sabay pa." sabay ding sabi nila Suzzaine at Jenklint kaya sila naman ang nagka-tinginan.

"Next! Girls! Acosta!"

"Present Ma'am!" Sabay-sabay na ani Pauleen, Denise at Natalie.

"Tatlo kayong Acosta?" Sabay-sabay silang natawa sa tanong ni Ma'am Sarah.

"Alda!"

"Present Ma'am!" Nagsabay-sabay muli silang nagsalita pero hindi na iyon pinansin ni Ma'am Sarah.

"Hindi ba tayo mamamasyal?" Para namang nakarinig ng Magic Word itong mga katabi ko kaya napatingin sila kaagad kay Queenie.

"Pwede naman. Kaso dapat may milktea," ani Suzzaine.

"Ilibre mo na lang kami para masaya," banat ni Jenklint.

"Ikaw na lang ah," pabalik na ani Suzzaine.

"Magkano pusta niyo na hindi sasama si Hannah?" Natatawang ani Queenie.

Tinignan ko naman sila habang nakataas ang kilay.

"1000 pusta ko, hindi sasama si Hannah,"

"Bobo. Sasama 'yan dahil Biyernes ngayon,"

"May project tayo sa Music eh."

"Makakapaghintay ang project," napatingin silang lahat sa akin nang magsalita ako.

"Game ka?" Tumango ako kaya kaagad silang nag-react.

"Oy Jenklint! 'Yung 1000 ko," paniningil ni Darlyn.

"Pwede installment? Piso isang araw?" Napatawa si Jenklint sa kaniyang sinabi samantalang napamura na lang si Darlyn.

"Paguirigan!"

"Ay Present Ma'am!" Dahil abala siya sa pakikipag-daldalan sa amin ay muntik pa siyang ma-absent-nan ni Ma'am Sarah.

"Sicat, Khecy!"

"Present. Ma'am, para kaming baliw na tumawa dahil natawa kami sa sinabi ni Khecy.

Tinawag ang pangalan niya dahil pareho silang "Sicat" ni Athasia, Class President namin.

"Untay!"

"Present Ma'am"

"Villareal"

"Present! Goodbye and thank you Ma'am," natawa sila sa sinabi ko.

"Okay. Tutal atat na kayong umuwi, hindi na kayo maglilinis. Dumeretso sa pag-uwi, huwag nang gagala!"

"Paktay! Alam mo atang gagala kami Ma'am!" Biro ko kahit totoo naman.

"Huwag papa-gabi, Achievement. You are all special, so they might target you. Understand?"

"Understood, Ma'am!" Sabay-sabay naming sabi. Nang pinalabas na kami ay halos hindi pa kami magkakasya sa pinto dahil literal kaming nagsabay-sabay sa paglabas.

Paglabas ay bumungad na rin sa amin ang mga papauwing estudyante. Ang iba ay mukhang gagala pa dahil dumaan sila sa back gate ng school.

"Tara?"

"Syempre! Hungry Birds is waiting for us!"

"Yucks. Ang cheap mo naman." napatingin sila sa akin.

"Syempre doon tayo sa Moon Archers'" sabi ko.

"Wews. Libre mo kami?"

"Bobo. May free pass ang mga estudyante do'n" sagot ko.

"Ay talaga? Ba't ngayon ko lang alam 'yon?" si Suzzaine.

Tinahak nga namin ang daan papuntang Moon Archers' Café. Hindi naman iyon kalayuan sa bayan kaya dinadagsa iyon ng mga tao lalo na ang mga estudyanteng kagaya namin.

Nang nasa harapan na kami ng pinto ay pinagbuksan kami ng isang bantay na babae.

Kitang-kita mo mula sa labas ang mga estudyanteng nagkakasiyahan sa loob ng café. May mga naggo-groufie, may mga pumunta naman sa café para lang tumulala, mayroon namang ginawang computer shop ang café dahil naglalaro na ng online games.

They-no. We seem too normal with what we're doing right now.

But that, is only the beginning of the story.

"Welcome to Moon Archers' Cafe! Do you have a free pass, Miss?" Sa akin nagtatanong ang babae dahil ako ang nangunguna sa amin.

Because like what Ma'am Sarah said, we are special. We are precious.

"Yes po. We're Grade 7 Students" tugon ko.

We have our own abilities. Our own powers.

"School name?"

Our school---no. Our world. It is magical.

"Academia Del Magia" I answered.

"Please come in. Your free pass will be activated once you order your sets" anang babae kaya pumasok na kami sa loob.

Yes. We are students from the most prestigious school in our place.

We are Academians.

From Academia Del Magia.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
AliceXena
Sa wakas nakahanap na rin ng Fantasy Tagalog. Hehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status