"OH? Bakit ka naman nagmamadaling umakyat diyaan? Nakakita ka ba ng shokoy sa dagat?"Natatawang tanong sa akin ni Aristophanes habang hinaharangan nito ang hagdanan para hindi ako makaakyat sa taas. Pinalo ko naman ito sa kaniyang braso para gumilid na siya pero hindi talaga ako nito hinayaang makaakyat."Ano ba, Istong? Padaan muna..."Naiiritang turan ko sa kaniya dahil alam kong namumula pa rin ang buong mukha ko dahil sa nangyari kanina."Hala ka, bakit ka naman namumula, Yanang? Don't tell me, poging shokoy ang nakita mo sa dagat?"Nanunuksong tanong nito sa akin kaya naman iritado akong tumalikod sa kaniya at umupo na lang sa sofa sa may sala pero sinundan pa rin ako nito."Alam mo, mapang-inis ka talaga kahit kailan, ano?""Eh, bakit ka nga kasi namumula? Sasagutin mo lang din naman, eh. Pinatatagal mo pa."Namimilosopong sagot ni Aristophanes sa akin kaya naman napatingin na lang ako sa salamin kung namumula pa ba ang mukha ko pero hindi na ito gaanong kapula hindi katulad ka
"GOOD MORNING, mga magaganda at pogi kong kamag-anak!"Masayang sigaw ko sa kanila habang bumababa ako sa hagdanan kaya naman ang mga tao sa baba ng bahay ay napatingin sa akin bago sila bumalik sa kaniya kaniyang ginagawa."Good morning din po, titaji!"Masigasig na bati sa akin ni Ariel kaya naman hinalikan ko ito sa pisngi niya at pati na rin si Aya. "Titaji, pasko na po later..."Nakangiting sabi sa akin ni Aya habang may hawak itong red christmas ball. Si Ariel naman ay hawak ang gold christmas ball habang hinihintay ang papa niyang utusan siyang i-abot 'yon sa kaniya."Pati talaga ang Christmas tree, ni-rush mo na."Lumapit ako sa gawi ni Aristophanes at mahina kong itinulak ito kaya naman bumagsak ito dahil alanganin ang squat nito. "Ang aga aga mo na naman diyaan, Yanang! Tantanan mo muna ako."Iritado nitong sabi sa akin kaya naman sinaway siya ni Isza pero natawa lang ako rito."Sus, kapag ikaw ang gumagawa sa akin niyan, tuwang tuwa ka! Binabawian lang kita!""Mama! Si Ya
MABILIS ang naging biyahe naming tatlo pabalik ng beach. Wala pa nga yatang bente minuto ang pagmamaneho ni Torn kanina dahil nagmamadali raw ito at gusto nang tawagan si Khloe."Nandito na tayo, tawag muna ako sa baby loves ko sandali..."Paalam nito sa amin ni Xence kaya naman natatawa kaming tumango sa kaniya. Tumakbo na agad ito sa kung saan habang may dina-dial na number sa phone niya dahil medyo mahirap sumagap ng signal dito sa tabing dagat.Naiwan kaming dalawa ni Xence kaya naman nagkatinginan kami at ngumiti sa isa't isa. Walang nagsasalita sa amin pero pareho lang kaming mabagal ang lakad sa kung saan. Hindi ako naiilang sa kaniya o natataranta na gumawa ng pag-uusapan naming dalawa dahil para bang pareho naming gustong maglakad lang habang pinagmamasdan ang magandang tanawin namin dito sa pinong buhangin at sa maalong dagat."Upo muna kaya tayo banda roon? Gusto mo bang manood ng sunset?"Tanong ko kay Xence habang itinuturo ang magandang puwesto kung saan namin masisilay
"MOMMY, puwede na po ba akong mag-open na now ng mga gifts? Gusto ko na po makita ang mga gifts niyo po sa akin..."Nakangusong turan ni Ariel sa mommy Isza niya kaya naman napatingin kaming lahat sa kaniya dahil kanina pa ito nangungulit na magbubukas na siya ng mga regalo. Nasa kusina kaming lahat ngayon at pumapapak ng mga handa habang naghihintay na mag-hating gabi.Tumingin pa si Isza kay Aristophanes at tumango na lang ito para hindi na magkaroon ng drama at baka mag-iyakan pa ang dalawang anak nila."Okay, let's go to the sala na para magbukas ng mga gifts!"Nakangiting sabi ni Isza kay Ariel at Aria kaya naman nagtatatalon ang mga ito habang nauunang pumunta sa sala. Sumunod naman kami nila tita Wilma sa kanila dahil sabay sabay na kaming magbubukas ng mga regalo para isa't isa.Pasimple muna akong umakyat sa kuwarto ko para kunin ang isang malaking white paper bag na naglalaman ng mga regalo ko sa kanilang lahat.Pagkababa ko pa lang sa hagdan ay naririnig ko na ang tilian n
TIME flies so fast. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras at araw matapos ang pasko dahil ngayong araw ay December 31 na. Ito na ang huling araw ng taon pati na rin ang huling araw ko ngayon dito sa Nasugbu, Batangas.Humigop ako sa straw ng aking iniinom na mango shake habang inuugoy ko ang duyan gamit lamang ang isang paa ko. Nandito kaming tatlo ngayon nila Xence sa ilalim ng mga coconut tree dahil tanghaling tapat na pero wala pa rin kaming maisip na puntahan o gawin ngayong araw. Nakaidlip na nga yata si Torn dahil tahimik na ito at wala ng kibo mula kanina."What are your plans?"Tanong ko kay Xence na nasa kabilang duyan lang. Napatingin naman ito sa akin matapos kong magtanong sa kaniya."What do you mean by plans?""Like anong ganap mo kapag nakaluwas ka na ulit sa Maynila.""Oh, I do have lots of things to do sa Manila.""Like what?""Uhm, I think I'm going to meet my band mates first since may upcoming kaming gig... Rehearsal siguro ang una kong gagawin..."Sagot nito
"X-XENCE..."I moaned his name as he continued to harshly kiss every part of me. Ibinalik ako nito sa pagkakahiga at saka marahang pumatong sa akin."I can't believe this, Bellissima..."Bulong nito sa tenga ko bago nito mapang-akit na dilaan iyon kaya naman napaiwas na lamang ako dahil sa biglaang kiliting hatid nito."Touch me more, please..."Nangangatal ang aking buong bibig na pakiusap kay Xence at napatingin ito kaagad sa aking mga mata. Ramdam na ramdam at kitang kita ko kay Xence ngayon na nag-aalangan pa rin itong hawakan ako."Are you really sure about this? I'll stop if you don't want this..."Tanong na naman nito sa akin kaya naman inis akong sumagot dito."Ayaw mo ba, ha? Ikaw yata ang hindi sigurado sa ginagawa natin ngayon, eh. Sige, huwag na lang."Iritadong sagot ko kay Xence at naalarma kaagad ito nang subukan kong umupo kaya naman hinawakan nito ang dalawang kamay ko at idiniin ito sa kama."Umiinit na naman ang ulo mo diyaan...""Eh, kasi naman? Kanina mo pa 'yan t
"HINDI ko alam na ganito ka pala kaaga babalik sa Thailand, Tajiana..."Malungkot na turan sa akin ni tita Wilma at lumapit ito sa akin para bigyan ako ng isang mahigpit na yakap na kaagad ko namang tinugunan."Pasensiya na po kayo, tita Wilma. Natapos ko na po kasi yung mga kailangan ko pong gawin dito sa Batangas kaya babalik na po ako sa Thailand..."Sagot ko sa kaniya at kumawala sa yakap nito. Pasimple pa itong nagpawi ng mga luha niya kaya naman napayuko na lang ako dahil ayoko mang umalis ay kailangan ko na gawin ito."Hala, sige, mag-iingat kayong dalawa sa biyahe. Palagi kang welcome rito, Tajiana. Bumalik ka ano mang oras..."Nakangiti nitong turan sa akin kaya naman nagpaalam na kaming dalawa ni Aristophanes sa kanilang lahat para bumiyahe na. Tulog pa si Ariel at Aria kaya naman malungkot akong aalis dahil minabuti kong hindi magpaalam sa kanilang dalawa dahil baka mag-iyakan pa kaming tatlo rito bago ako makaaalis.Pumasok na kaming dalawa ni Aristophanes sa kotse at hin
"WE are now arriving at the Ninoy Aquino International Airport. Please, check your belongings—" Wala na kaming sinayang na oras ni ate Lhayzel dahil kaagad kaming tumakbo papalabas ng airport at saka sumakay sa sasakyang naghihintay para sa aming dalawa. Maayos at kalmado na ang galaw ni ate Lhayzel kaya naman napanatag na ako. Makakapag-isip na kaming dalawa kung anong dapat naming gawin. Sa biyahe namin pauwi ay hindi ko rin maiwasang mag-isip ng mga posibilidad. Anong kailangan nila kay mama? Bakit nila kinidnap si mama? At saka ko lang din naalala ang katayuan ng aming negosyo. Baka may kinalaman ito sa negosyo naming pamilya. "Meron kayang kinalaman ang negosyo natin sa pagkawala ni mama?" Wala sa sariling naitanong ko na lang kay ate Lhayzel. Napatingin naman ito sa akin at dahan dahang tumango."Hindi naman 'yon malabo o imposible. Kung kailangan man ng mga taong 'yon ng pera, sana hindi nila saktan si mama."Ilang oras pa bago huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay. Kaag