"ANONG problema mo, bro?" Inis na turan ni Jared at nanghahamong naglakad pasulong kay Xence. Hindi naman siya inurungan nito kaya nagpaangasan ang mga ito.Sobrang lapit na ni Jared at Xence sa isa't isa at walang nagpapatalo sa kanilang dalawa kaya pinipilit kong pumagitna sa kanila habang pinipigil sila dahil nakukuha na namin ang atensyon ng lahat ng mga tao sa party."Who the f*ck are you? Sinundan mo pa talaga asawa ko sa rest room? You're such a f*cking creep." Mariing tanong ni Xence kay Jared at tumingin ito sa akin na para bang itinatanong nito kay Jared kung sino ba ako sa buhay nito at bakit ako sinundan nito. "Asawa mo? Si Tajiana? G*go ka pala, eh. Girlfriend ko si Tajiana. Nagkalabuan lang kami, sumingit ka na agad? F*ck off, dude."Sagot ni Jared kay Xence at walang habas nitong itinulak sa dibdib si Xence kaya hindi na ito nag-dalawang isip pa para maunang sumuntok at magsimula ng gulo.Sinuntok ni Xence sa mukha si Jared dahilan para matumba ito at mapasigaw ako.
NAALIMPUNGATAN ako sa tunog ng pintuan dahil bigla itong bumukas. Sumilip ako sa wall clock at nakita kong halos madaling araw na pala. Alam kong gumamit ng spare key si Maxence para mabuksan niya ang pintuan kaya hinayaan ko na lamang ito at nanatili sa puwesto ko at pumikit na lang ulit dahil ayokong mag-away pa ulit kaming dalawa."Are you awake, Bellissima?"Mahinang tanong ni Xence matapos marahang humiga sa tabi ko. Hindi ako sumagot dito at nanatili lang akong nakikinig sa mga sasabihin niya."Can we talk? I can't sleep..."Bulong ni Xence sa akin at maingat ako nitong niyapos sa aking bewang. Tumagal kami ng ilang minuto na ganoon lamang kaming dalawa. Nakayakap siya sa akin habang ako ay walang kibo at hindi ko alam ang dapat kong isagot sa kaniya."Please, look at me, Bellissima..."Turan ni Xence at mabilis kong sinunod ang pakiusap nito sa akin. Hindi na ito nagulat pa nang humarap ako sa kaniya dahil alam kong alam ni Xence na nagising din ako. Inayos nito ang pagkakayakap
"MUKHANG may nagaganap na sa inyong dalawa ni Xence, ha..."Mahinang bulong ni ate Lhayzel sa akin pagkaupo pa lang namin sa sofa kaya naman napakunot ang noo ko at nagtaka sa sinabi nito."Ha? Anong nagaganap sa amin ni Xence?""Tignan mo nga 'yang itsura mo, comfortable ka na palang ganiyan lang ang suot mo sa bahay?"Nakanguso sa aking sabi nito at kaagad naman akong napatakip sa hita ko dahil ngayon ko lang naalala na wala nga pala akong shorts."Hehehe...""Anong hehe ka diyaan?! Si Maxence topless pa talaga nang dumating ako. Halatang halata kayo! Lagot ka talaga kung sila papa isinama ko sa pagbisita ko rito sa condo niyo ni Xence."Turan ni ate Lhayzel at pino nitong kinurot ang tagiliran ko kaya napangiwi na lamang ako. Kumuha ito ng isang piraso ng brownies at kinagatan ito bago ulit magsalita."Maiba nga tayo, Taji. Anong nangyari kahapon? Memorable naman ba ang mga kaganapan sa party? Bonggang bongga, ganoon?"Tanong nito patungkol sa party kagabi kaya napabuntong hininga
"I'M AFRAID... I think she is not in good shape right now. I'm concerned and I want to know what causes her panic attacks but I don't want to keep on talking about it since it might trigger her. I badly need your help right now. This is for her, Chrys. Please, I'm begging you to help me..."Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ni Xence sa hindi kalayuan. Pagdilat ko ng aking mga mata ay kaagad akong nilukob ng takot at kaba dahil hindi ko makita si Xence kahit saan sa loob ng kuwarto."X-xence?! Nasaan ka, Xence?!"Halos mag-histerikal na ako kakasigaw sa pangalan ni Xence at narinig ko ang mga mabibilis na yabag mula sa labas ng pintuan at kalauna'y bumukas ang pintuan. Gulat na gulat ang mukha ni Xence nang pumasok siya sa kuwarto namin at kaagad akong sinalubong ng yakap dahil nadatnan nitong umiiyak na naman ako sa kama."We will see you later..."Usal ni Xence at saka pinatay ang tawag bago ibinaba ang cellphone niya. Marahang hinagod ni Xence ang buhok ko upang pakalmah
"ALAM na alam ko 'yang mga iniisip mo, Tajiana. Hintayin mo munang makapagpaliwanag sa'yo si Maxence bago mo pangunahan ng emosyon. Kumalma ka muna, baka mapano ka naman kakaisip mo diyaan."Pananaway sa akin ni ate Lhayzel habang maingat ako nitong inaakay palabas ng ospital dahil inaya ko na itong umuwi na kami dahil halos isang oras na pero hindi pa rin bumabalik si Xence rito sa ospital."Nagtataka kasi talaga ako kay Xence...""Bakit naman?"Tulala pa rin ako at nag-iisip nang malalim habang pumapasok sa loob ng sasakyan namin dahil hindi ko talaga lubos na maintindihan bakit umalis si Xence nang walang pasabi sa akin."Wala ba talaga siyang sinabing pangalan ng kikitain niya ngayon? Para kasing hindi ugali ni Xence ang hindi muna magpaalam bago umalis...""Ay, kung meron man, hindi mo na kailangang magtanong pa sa akin, Tajiana. Ako na mismo ang magsasabi sa'yo ng mga gusto niyang ipasabi o ipaalam sa'yo. Ang kaso nga, wala naman talaga siyang nabanggit na sabihin ko sa'yo. Bast
"SANDALI lang po!" Sigaw ni ate Lhayzel mula sa loob ng bahay namin. Patuloy lamang ako sa pagpindot ng door bell sa gilid ng gate namin habang humahagulgol ako. Kailangan ko sila ate ngayon, kailangan ko ang pamilya ko ngayon. Mababaliw na talaga ako kung wala akong magiging kasangga ngayon."Madaling araw na, kumakatok ka pa, ha. Sino ka ba at hindi rin makapaghintay na mapagbuksan ng gate— T-tajiana?! Bakit ka nandito?! Madaling araw na, ah! Bakit ka umiiyak?!"Gulat at sunod sunod na turan ni ate Lhayzel sa akin matapos akong sumugod dito payakap sa kaniya dahil kailangan ko ang yapos nito. Sinara ni ate Lhayzel ang gate namin at saka ako nito inakay papasok sa loob ng bahay habang humahagulgol ako sa balikat nito dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luha at hikbi ko dahil kusa na itong lumalabas sa akin. "A-anong nangyari sa'yo, bunso? Bakit ka umiiyak? May nangyari ba kay Xence? May nangyari ba sa'yo? Sa inyo?" Natatarantang tanong ni ate Lhayzel sa akin habang inaa
"GOOD MORNING, Tajiana. Kumusta ka naman ngayon?"Hindi ako umimik. Hindi ako sumagot sa mga tanong sa akin ni Chrysanthemum. Tumulala lamang ako sa isang gilid dahil wala akong lakas para magsalita o tumingin sa kaniya o kahit kanino."D-doc, it's been a week since Tajiana last spoke to us. Palagi lang siyang ganiyan, ayaw kumain at ayaw makipag-usap sa amin. Palaging umiiyak kaya hindi na po namin alam ang gagawin sa kaniya...""I'm very sorry po. Let's be patient with Tajiana. She got miscarriage and is still grieving for her lost child. Based on the tests and observations, Tajiana was diagnosed with Post-Traumatic Stress Disorder or PTSD..."I got diagnosed with PTSD. Ang buong pamilya ko ay nag-iyakan matapos sabihin ni Chrysanthemum ang kalagayan ko ngayon.Pakiramdam ko ay wala na akong pag-asa at ang buhay ko ngayon ay wala ng saysay dahil sa pagkawala ng anak ko. Hindi ko alam kung makaka-ahon pa ba ako sa pagkakalugmok ko."A-anak, lumaban ka lang, ha... N-nandito lang kami
"OMG! P*tangina naman, Taji! Ang ganda mo naman ngayon sobra, so much, and very much! Paambonan mo naman kami banda rito, oh!" Sigaw ni Khloe sa akin at dinamba ako nito para bigyan ng isang mahigpit na yakap na tinugunan ko naman. Nasa airport kami ngayon nila ate Lhayzel dahil susunduin nga namin silang dalawa ni Jenniecah. Halos lahat ng mga tao rito sa airport ay napapatingin na sa amin dahil sa sobrang tinis ng boses ni Khloe."P*nyeta, dapat pala matagal na akong sumama sa inyo rito sa Thailand, eh. Para naman maranasan ko ring maging maganda."Usal ni Jenniecah sa amin ni ate Lhayzel habang napapahawak pa sa noo niya na para bang nagsisisi talaga siyang hindi siya agad pumunta rito sa Thailand. Tinapik lang ako nito sa aking braso bilang pagbati at saka hinila si Khloe palayo sa akin dahil nakadikit na ito sa akin. "Para ka namang bata diyaan. Umayos ka nga, nasa Thailand na tayo, oh. Papa-deport talaga kita ngayon, Khloe." Nakakunot ang kaniyang noong sabi ni Jenniecah ka