Share

Special Chapter-Doubt and Trust

Sumapit na ang hating gabi at hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Mother Superior. Kung exorcist at spirit meister ang mga batang nandirito, bakit hindi nila alam kung sino ang magulang ko?

Gusto ko na lang maluha sa nagyayari. Ang alam ko lang maaaring buhay pa ang magulang ko pero bakit ni anino nila simula bata pa ako hindi man lang nila ako nagawang bisitahin. Pinunansan ko ang luha ko na siyang tumulo sa aking mukha.

Tanggap ko na hindi sila magpapakita eh. Bakit ba nagpapahiwatig sila na nariyan lamang sila sa paligid pero hindi ko ramdam na buhay sila?

“Ada? Okay ka lang ba?” ang tanong ni Calix.

Isa pa itong si Calix! May alam siya sa magulang ko ngunit hindi niya sinasabi sa akin kung sino sila dahil ang lagi niyang linyahan na makikila mo sila sa tamang panahon. Ngunit hindi ito ang panahon na iyon.

“Huwag mo akong kausapin. Kakausapin lang kita kapag sinabi mo na sa akin ang tungkol sa magulang ko!” ang galit na sambit ko.

Huminga naman nang malalim si Calix. Umup
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status