Share

Chapter 28

AMIRA

"TAY NAY, may gusto ho sana akong sabihin sa inyo." Untag ni Yñigo habang nasa gitna kami ng hapunan.

Magkasabay na nag angat ng tingin si itay at inay sa kanya. Ganun din ako na nasa tabi nya.

"Ano yun iho?" Tanong ni inay.

Tumikhim muna si Yñigo at nilingon ako. Hinawakan nya ang kamay kong nakapatong sa lamesa.

"Gusto ko ho sanang pormal na hingiin ang kamay ni Amira sa inyo. Gusto ko ho syang pakasalan sa simbahan."

Napasinghap ako sa sinabi nya. Tila may naghabulang daga sa dibdib ko sa lakas ng pintig nito. Natigilan naman si itay at inay pero agad ding nakabawi.

"Napagusapan nyo na bang dalawa yan?" Tanong ni itay.

Nilingon naman ako ni Yñigo, binigyan nya ako ng tingin na nanghihingi ng permiso.

"Kasal na tayo di ba?" Sabi ko.

Mapupungay ang mata nyang nakatitig sa akin. "Pero gusto kong ikasal tayo sa simbahan. Will you marry me?"

Napakagat labi ko dahil mas lalong lumala ang kalabog ng puso ko. Walang dahilan para tanggihan ko ang alok nya. Kasal na kami sa ba
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Missy F
sus, sino ba namang d maiinlove sa lalakeng ganyan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status