Share

Kabanata 4

Anastasia POV

Sinusundan ko ng tingin ang papalayong sasakyan ni Kuya Sebastian, nangingiti ako dahil may pambayad na ko sa kuryente, tubig at upa. Galante si Kuya magbigay, akalain niyo bibigyan ako ng ten thousand pesos, jusme ang dami na nun, hindi ko man kailangan ng madaming pera.

Mabuti naman umuwi na, naku Englisero pa naman, hay naku kung ano ano sinabi na huwag ko siyang tawaging Kuya at kakainin niya daw ako. Pwede ba yun? Eh hindi naman ako pagkain, may lahi atang aswang yun. Dapat sa susunod na magtagpo ang landas namin eh may baon akong aswang, mahirap na baka kainin niya ko, wala pa naman akong kamag anak na pwede kumilala pag ako nalapa na ng aswang.

Bago ko problemahin yun eh mabuti pang bumayad na ng utang, baka mapalayas na ko.

Kaya nag lakad na ko pauwi.

"Tao po, Manang Doris". Sigaw ko sa labas Ng bahay ng may ari ng inuupahan kong kulungan. Este bahay pala.

"Oh Tasia, mukha atang maaga ka ngayon". Saad Manang Doris

"Abay opo Manang Doris at magbabayad po ako ng atraso ko sayo. Heto po tatlong libo po sayo na din po ang sukli". Sabi ko

"Piso na lang Tasia ang sukli, Ewan ko sayong bata ka". Saad Manang Doris

"Maraming salamat po Manang Doris huh sa uuliton po ulit. Uuwi na po ako at maglilinis pa po ako ng kulungan ko". Ani ko na natatawa

"Hoy Tasia umalis ka sa harapan ko, sinisira mo lang araw ko". Sabi ni Manang Doris na pinagbagsakan pa ko ng pinto.

Tsssk matanda talaga ngayon may mga sayad bibigyan na ng tip galit pa. "Bakit Tasia ano maibili mo sa Piso"? Kastigo ng utak ko, oo nga naman sorry na. Makauwi na nga at madami pa kong gagawin.

Pagdating ko sa bahay ay nag hugas muna ako ng pinagkainan namin ni Kuyang Lasing, pagkatapos ay nilinis ko ang bawat sulok ng bahay, naglaba na rin ako para bukas araw ng Linggo ay may oras akong makapag simba. Sa pagod ngayong maghapon, ay maaga akong matulog para maaga din akong makapag simba. Nagdasal muna ako bago humiga, naalala ko si Kuya, sana mag cross ulit landas namin ng mabayaran ko siya pero matagal pa dapat.

Someone's POV

"Mga inutil isang tao lang pinapahanap ko sa inio inabot na kayo ng twenty years until now hindi niyo parin mahanap hanap"! "Mga bobo sayang lang binabayad ko sa Inyo kahit kailan wala kayong silbi!. Lumayas kayo sa harapan ko, layas"! Nagpupuyos kong saad sa mga tauhan kong walang kwenta. Put*ng *na san ba kasi nagtatago ang mag asawang yun. Hindi pwedeng sa oras ng pagbubunyi ko ay bigla silang susulpot. Hindi maaari, ako ang may karapatan sa lahat na ari-ariang naiwan ni Papa, hindi ako makakapayag na mapunta sa nag-iisa niyang anak na si Amanda.

Flashback 20 years ago

"Kuya Fernan, parang awa mo na tulungan mo ko, ayaw kong ipagkasundo ako ni Papa, hindi ko siya Mahal, may mahal na ako at buntis ako Kuya". Umiiyak na sabi ni Amanda. Nakaka awa ka Amanda sige tutulungan kita kapalit ng lahat na kayamanan na meron ka, akala niyo hindi ko malalaman na ampon lang pala ako. Pinalaki niyo nga ako pero hindi niyo ako maiisahan. Ngayon na alam ko na sayo lahat ipapamana ni Papa, mauuna kang mamatay Amanda.

"Amanda sigurado ka ba jan sa desisyon mo? Ngayon na buntis kana hindi ka dapat mag padalos dalos". Simpatya kong saad habang pinapatahan siya.

"Sigurado na ako Kuya, parang awa muna Kuya tulungan mo ako". Hikbing saad niya.

"Sige, maghanda kayong dalawa bukas alas kwatro ng umaga ay aalis kayo, bibigyan ko kayo ng malaking halaga para may pang gastos kayo sa kung saan kayo pupunta basta't mag iingat kayo". Saad ko pero ang totoo ay may maganda akong plano mas mapapadali ko siyang maipapatay pag alam ko ang galaw niya, siguradong magagalit si Papa ano pa bang pakialaman ko dahil isusunod ko siya sa anak niya.

Alam na ng mga tauhan ko kung ano ang kanilang gagawin oras na makalayo sila. Ala una Ng hapon at siguradong sa mga oras na eto ay kaluluwa na sila. Maya Maya ay nakatanggap ako ng tawag,

"Whaaaaaaat"! Huwag na huwag kayong babalik hanggat hindi niyo nakikita bangkay nilang dalawa lalong lalo na ni Amanda"!!!!. Nagpupuyos na sigaw ko, pera na magiging bato pa, hayop ka Amanda trinaydor mo ko.

"Boss, pinapatawag po kayo ni Don Ariel". Saad ng tauhan ko at sumunod na ako Ikaw Don Ariel ang mauuna. Pagdating ng Library prenteng nakaupo si Papa, lumapit ako at nag mano.

"Alam mo ba na tumakas si Amanda"? Sumama yung kapatid mo sa isang hampas lupa. Hanapin mo ang kapatid mo at ibalik mo dito sa Mansyon, Fernan". Sabi ni Papa

"Bakit Papa, ano bang magagawan natin huh"! Matigas lang naman ulo ng nag-iisa mong anak, ako na araw araw kitang sinusunod anong ibinalik mo sakin? Para lang akong tauhan mong taga silbi, para akong aso na sunod sunuran sayo". Sigaw ko kay Papa

"Huwag mo akong subukan Fernan". Sigaw ni Papa

"At anong magagawan ng matandang katulad mo huh"! Lumapit ako kay Papa at bigla ko siyang tinulak. Nakita kong hinawakan niya ang kanyang dibdib, ganyan nga Papa sige na ng matapos na pag hihirap mo. Hanggang sa tuluyan na siyang atakihin sa puso.

"Paaaapaaaaaaa"!

*End of Flashback*

Dapat mahanap na si Amanda, hindi ako pwedeng magkampante. Lalo na at lahat ng tinatamasa ko ngayon ay sakanya lang nakapangalan. Hindi mo pwedeng gawin to sakin Amanda. Gagawin ko lahat at kahit pa may anak ka pa hinding hindi ko sila bubuhayin. Hindi sila makakalampas sa paghihigante ko sa pa pamilyang to. Hinawakan ko ang litrato ng mag amang Amanda at Don Ariel, magkakasama din kayo ng anak mo Papa. Sisiguraduhin kong lahat ng angkan mo Papa ay mawawala. Kahit pa Yan kaapu apohan mo ay hindi makakaligtas sa kamay ko.

Anastasia POV

Araw ng Linggo, kaya maaga akong nagising at magsisimba ako ngayon. Pagkatapos kumain ay maligo ay nagbihis na ako ng bestida. Floral na bestida ang suot ko ngayon, nilugay ko lamang ang aking buhok at naglagay ng konting pulbo, at konting pabango. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin, ayan ang ganda ko na, sigurado papansinin na naman ako ng baklang nagtitinda ng sampaguita mamaya. Nakakalungkot kung dati kasama ko lagi sila Mama at Papa, pitong taon na akong ulila. Walang pamilyang kumupkop kasi nga kahit isang pamilya nila wala akong nakilala. Tanging etong kwintas lang ang pamilyang natitira sakin, kaya araw araw ko etong suot at iniingatan na huwag masira o mawala. Ginawaran ko muna ng halik ang pendant bago itinago sa loob ng bestida ko bago ako umalis papuntang simbahan.

"Ang ganda natin ngayon Tasia ah"! Biglang may nag salita sa likod ko.

"Ay bakla ka"! Sigaw ko sa gulat.

"Talagang bakla ako Tasia, huwag mo ng isigaw"!. Nakapameywang na saad ni Baklita Angel daw pero Angelito talaga name niya.

"Huwag ka kasing manggugulat". Sita ko naman

"Oh bili ka na ng Sampaguita Tasia bago ka pumasok sa simbahan". Saad ni Angel

"Kailan ba ko hindi bumili sayo? Eh wala pa kong palya, pabili na ako at matagal tagal ko pang kakausapin si Papa God". Sabi ko at sabay abot ng bayad ko.

"Asus Tasia huwag naman puro kagandahan at kaseksihan ang ipagdasal mo, Aba kuta kana ah"! Saad ni Angel na halos magsalubong na ang kilay niyang lapis.

"Oo na, Ate Angel na hindi pinalad na magkaron ng Ganda". Sabi ko sabay takbo

"Bumalik ka rito Salbahe kang bata ka Tasiiiiia". Sigaw sa akin ni ate Angel, hindi ko na pinansin at pumasok na nga ako sa loob ng simbahan.

Dun ako umupo sa unahan sa gitna, lumuhod na nga ako at sinimulan ang taimtim na dasal. Heto na naman po ako Papa God, sa loob po ng pitong taon simula ng mawalan po ako ng magulang sayo na lang po ako kumakapit, pitong taon ko na pong nililimot ang nakaraan ko. Nagpapasalamat po ako sa lahat na biyayang pinagkakaloob mo po sakin at sa buhay po na araw araw kong nasisilayan ang liwanag. Gabayan mo po ako palagi at naway mabubuti po ang nakapaligid sakin. Amen.

Nagsimula na kampana hudyat na magsisimula na ang Misa. Umayos na ako ng upo at nakinig ng taimtim.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status