Share

KABANATA 22 I ANG REYNA NG MGA MARITES

Mabilis na lumipas ang araw mahigit isang buwan nang nasa Baguio si Via. Siya ay kasalukuyang tatlong buwang buntis. Hiniling ng dalawang magpinsan na magpa-check up siya kapag nasa ikalawang trimester na siya.

Kinahapunan sakay ng kaniyang mustang, huminto si Via sa harap ng paradahan ng Baguio Supermarket.

Mayroong dalawang supermarket sa nayon, ngunit ito lamang ang lugar na may pinakamaraming stock kaya doon sila pumunta.

“Nakausap mo na ba ang doktor na inirerekomenda ni Ares?” tanong agad ni Willow pagkababa nila ng sasakyan. Umiling naman si Via.

“Okay ka ba next week? Magpapa-appoint na agad ako,” mungkahi ni Willow.

“Okay, ikaw na ang bahala roon,” pagsang-ayon ni Via, hindi gano’n kasigla si Via kaya nalungkot si Willow para sa kaibigan.

Bumaba sa sasakyan ang dalawang babae at pumasok sa supermarket. Binili ang mga groceries na nasa listahan.

“Gosh, ang bilis tumaas ng presyo ng gatas,” protesta ni Willow nang makita ang pagtaas ng presyo na nakatatak sa gatas. Tila wala
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status