Share

KABANATA 29 I AALAGAAN KO ANG KALUSUGAN NIYA

Walang tigil na kinunan ng camera ni Hilda ang magkasintahang magkayakap sa bench.

Napangiti siya nang matagumpay niyang nakunan ang isang kahindak-hindak na balita sa buong mundo ngunit napawi ang kany’ang ngiti nang biglang may kumuha sa camera niya.

“Hoy!” putol ni Hilda habang galit na galit na nakatingin sa estranghero na kanina pa pala nakatayo sa likuran niya nang hindi niya napapansin.

“Ibalik mo ang camera ko,” bulong niya sa isang matangkad na lalaki. Napangisi ang lalaki habang sinusuri ang mga recorded photos na kuha ni Hilda mula noong ilang linggo.

“Wow,” sabi nito mahabang sumipol.

“Hindi ko alam sobrang dami rin pala ang nakuha mong litrato pero hindi mo ito matatago, Babe. Alam mo bang ilegal ang ginagawa mo?” paliwanag ng lalaki habang kinukuha ang memory card sa camera ni Hilda.

“Itigil mo yan!” galit na saad ni Hilda.

“Akin iyan.” Aagawin na sana ni Hilda ang camera ngunit mas mabilis ang mga galaw ng lalaki at walang sabi-sabi’y agad niyang kinulong sa bisig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status